CHAPTER 55: Campus Fair

51 6 23
                                    

At dahil tatlong araw na lang ang meron kami para maghanda sa nalalapit na campus fair, wala na kaming araw na inaksaya. Bawat subject namin ay thirty minutes na lang ang klase dahil binibigay sa'min ng mga teacher ang nalalabing twenty-five minutes para mag-prepare.

May decorations na ang room namin na siyang ita-transform namin bilang café sa araw na 'yon. Naglagay kami ng pink, blue at green curtains na kinabit namin sa mga bintana at maging sa pintuan at dingding.

Nagdikit din kami ng 3D stickers sa pader na mga cute animal cartoons at iilang bulaklak naman ang design.

"Heto na nga pala 'yong menu na ginawa ko no'ng isang araw," sambit ko sabay bigay kay Shaina ng isang papel.

"Salamat, Roma." Tapos ay tiningnan niya ito.

"Kumusta naman 'yong mga kinuhanan mo ng mga upuan at table na gagamitin?" tanong ko.

"Okay na. Ipapadala ko na lang dito the day before."

"Cakes, doughnuts, juices, and shakes," pagbasa niya sa papel.

"Sige, kami na lang ni Inalyn ang bahala kung saan namin kukunin ang mga 'to," ani Shaina.

"Okay sige." Si Inalyn kasi ang Treasurer ng klase. Ang pondo namin ay 'yong natira pa no'ng Christmas party na pinagpatuloy naming hulugan araw-araw hanggang ngayon.

"Mariya, kumusta naman 'yong mga apron at animal ears headband?" tanong ko.

"Don't worry. Dadalhin ko na 'yon bukas. Pina-order ko kasi 'yon kay Mama at mamayang hapon daw ide-deliver sa'min," sagot niya.

"Okay. Good," sagot ko.

Kinabukasan, ang huling araw ng preparations. Halos wala nang teacher na nagturo sa'min dahil hinayaan na lang kami na mag-ready para sa fair gaya ng ibang section.

Pinagtatanggal na ng mga kaklase naming lalaki ang mga armchair at inilabas. Itinambak muna ang mga 'yon sa isang bakanteng kuwarto na katabi ng computer room.

Pagkatapos no'n ay pinagtulungan naman nilang ipasok ang mga two-seater round tables na nirentahan namin para sa fair. Gawa sa monoblock ang tables at mga upuan. Tapos ay nilagyan ito ng cover na kulay pula. Pitong two-seater tables din ang nagkasya sa room namin.

Pinatungan namin ng maliliit na vases na may lamang plastic na bulaklak sa gitna ng mga mesa para mas maganda. Ni-set up na rin naman ang magiging mini kitchen na may counter sa may bandang gilid.

Mayamaya'y dumating na rin sina Shaina at Inalyn na dala-dala ang mga pagkain na ise-serve namin sa customers.

"Heto, Roma. Tig-iisang flavor ng cake. May chocolate, mocha, ube, at Brazo de Mercedes. Tapos limang boxes ng doughnuts. At mga flavored juice at shake powders na tig-iisang kilong pack. 'Yong isang box ng yelo, sina Duke na bahalang magdala no'n bukas. Tapos eto namang mga pagkain, paghahatian namin ni Inalyn na iuwi para mailagay sa ref. Saka, okay na ba 'yong room natin?" paliwanag ni Shaina.

"Oo. Tapos na namin ayusin ang room," sagot ko. Nasa bandang tapat kasi kami ng classroom. Pagkatapos ay pumasok na kami para makita ni Shaina ang room na nag-transform na café.

"Wow!" pagkamangha ni Shaina habang nililibot ang paningin.

"Ang ganda ng pagkakagawa niyo!" sambit pa niya.

"Sinunod lang namin 'yong plan na iniwan mo kanina sa'kin bago ka umalis para mamili ng cakes," sambit ko.

"Okay! All set na tayo. Dadalhin na lang ni Mariya 'yong uniforms natin bukas," sambit ni Shaina sa buong klase.

---

Alas otso na ng umaga ako aalis ng mansyon dahil okay lang pumasok ng late at program naman ngayon. Nakasuot ako ng PE uniform ng school dahil 'yon ang required.

Under Our Starry SkyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt