CHAPTER 47: My Heart I Surrender

50 5 26
                                    

Ala sais na ng umaga at ready na ako pumasok. Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Palinga-linga ako sa paligid habang lumalakad-takbo hanggang sa makababa ako sa hagdan.

Nang makita kong walang tao ay nagmadali na akong naglakad papunta sa pinto.

"Miss Roma."

Napahinto ako nang may tumawag sa'kin at lumingon.

"Ikaw pala, Earl."

"May tinataguan po ba kayo?" tanong nito.

"Naku, wala," palusot ko sabay tawa ng pagak.

"Ihatid ko na po kayo," alok niya.

Tumango ako bilang pagpayag. Tutal mas magiging madali 'yon para sa'kin na makaalis dito sa mansyon. Hindi pa kasi ako handang harapin sina Caden at Chester pagkatapos nang nangyari.

---

Nasa daan na kami ni Earl papuntang school. Nakadungaw lang ako sa katabi kong bintana dito sa backseat. Napatingin naman ako kay Earl. Naisip kong usisain siya ng konti. Boredom killer lang.

"Earl."

"Yes, Miss?"

"Gaano ka na katagal sa mga Morgenstern?"

"Sampung taon na po, Miss."

Napataas ang kilay ko, "Talaga? Pero parang ang bata mo pa ah."

Tumawa nang bahagya si Earl, "Eighteen po ako nang mapadpad ako sa kanila. Ipinasok lang ako ro'n ng tatay ko bilang kapalit niya nang magkasakit siya."

"Ah. Kumusta naman ang tatay mo?"

Natigilan siya sandali bago sumagot, "Wala na po si Tatay. Tatlong taon na."

Napanganga ako, "Naku, sorry. Hindi ko alam."

"Ayos lang po."

"Okay lang ba talaga sa'yo na manilbihan sa mga Morgenstern? I mean, baka kasi may gusto kang gawing iba?" usisa ko. Nagiging tsismosa na yata ako.

"Malaki ang utang na loob ko sa pamilyang Morgenstern, Miss. Si Tatay ay nagsilbi nilang family driver sa loob ng tatlong dekada. Tapos nang magkasakit ang tatay ko, sila ang nagpagamot sa kanya hanggang sa huling araw niya. Sila rin ang nagpalibing sa kanya. At sila rin ang nagpaaral sa'kin."

"Talaga?"

"Opo. Graduate po ako ng Elementary Education sa college. Pero mas pinili ko pa rin na magsilbi sa mga Morgenstern kahit pa binigyan nila ako ng option na magtrabaho sa labas."

"Wow."

Mukhang mabuting pamilya rin naman pala talaga ang pamilya nila Caden. Akala ko kasi lahat ng mayayaman ay masama ang ugali at matapobre.

"Ibig sabihin pala, ikaw na rin ang nag-alaga kay Caden mula bata pa siya?"

"Yes, Miss. Walong taong gulang siya no'n nang maging personal butler niya ako. Ako ang lagi niyang kasama kapag busy ang parents niya, at tagahatid-sundo niya noon sa school."

"May girlfriend ka na ba?"

Halos masubsob naman ako nang biglang pumreno si Earl. Pagkatapos ay tiningnan ko siya mula sa rear-view mirror.

"Pasensya na, Miss. Medyo nabigla ako sa tanong mo."

Pagkatapos ay nag-drive na siya ulit.

"Sorry din sa tanong ko."

"Ayos lang po. Ganyan po talaga ang nagagawa ng boredom," aniya sabay tawa.

Napasapo ako sa noo ko. Nalaman niya tuloy na bored lang ako kaya inuusisa ko siya ng kung ano-ano.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now