CHAPTER 2: Encounter

231 29 159
                                    

"Roma! Gising na diyan at tanghali na! Kumain ka na't maglalaba ka pa!"

Iyon agad ang bumungad sa'kin ngayong umaga. Ang sigaw ng nanay ko sa akin na kahit nakasarado ang pinto ko ay dinig na dinig ko pa rin. Napakunot tuloy ang noo ko sabay takip ng unan sa tenga ko.

Anong oras na ba? Inaantok pa 'ko, eh. Isa pa, wala namang pasok ngayon dahil Sabado. Tiningnan ko 'yong phone ko na katabi ko lang. Alas otso lang naman pala.

Marahas akong bumangon sa aking kama at tinatamad na lumabas ng kuwarto.

"Ma, mga damit ko lang naman lalabhan ko, eh," sambit ko nang makita ko si Mama na dumaan sa harap ko dala ang isang humper ng mga labahin.

"Oo na. Alam ko. Kumain ka na," sagot naman niya. Tapos ay tumungo na ako sa mesa para mag-almusal. Nandoon na ang tatlo kong kapatid.

"Si Papa?" tanong ko pagkakuha ko ng tinapay at hotdog.

"Alam mo na," sagot naman sa akin ni Rayver, katorse anyos, ang kapatid ko na sumunod sa'kin.

'Di na 'ko umimik pa. Lahat kami, alam 'yon. Nasa sabungan na naman si Papa. Hobby niya talaga 'yon tuwing weekends. At walang makakapigil sa kanya.

"Nga pala, Ma. Aalis ako ngayon," sambit ko.

"At saan ka naman pupunta?" tanong naman niya.

"Kila Josephine. May gagawin lang kami," sagot ko.

"Sige. Basta wag kang magpapagabi, ha." bilin niya.

"Opo, Ma," sagot ko.

Kailan ba 'ko ginabi ng uwi? Isa pa, bihirang-bihira kaya ako lumabas ng bahay tuwing weekends. Hindi naman kasi ako mahilig gumala. Mas gusto ko pang magkulong sa loob ng kuwarto ko maghapon.

"Sus. Kila Josephine daw. Magdo-DOTA ka lang naman," pang-asar naman ng ikatlo kong kapatid, si Reine, dose anyos. At masasabi kong 'complete opposite' ko.

"Eh, totoo naman doon ang punta ko, eh. Isa pa, may problema ba sa pagdo-DOTA ko?" maangas kong sambit sa kapatid 'kong ubod ng arte.

"May pa-Jutsu Jutsu ka pang nalalaman." Patuloy pa rin ang pang-aasar niya.

"So? Kaysa naman sa'yo. Dose anyos palang, pumo-forever na!" pang-aasar ko naman sa kanya.

Sandali siyang natigilan at pinandilatan ako ng mata. "Bakit? May boyfriend ba 'ko? Wala naman, ah," pagtanggi niya.

"Ano, Reine? Defensive? Sus, parang 'di ko alam na napupuyat ka sa pakikipag-chat mo sa syota mo! Ano nga bang pangalan ng hayop na 'yon?" nanunuya kong sabi habang umaaktong nag-iisip.

"Ah, naalala ko na. Si Charl!" pang-aasar ko sa kanya. Napangiti ako nang makita kong naasar siya. Guilty kasi.

"Ma, oh! Si Ate!" Lalo akong natawa nang magsumbong siya na parang bata.

"Ano ba? Roma, Reine! Nasa harap kayo ng pagkain," suway sa amin ni Mama habang nasa labahan siya.

Mayamaya ay pinuntahan kami ni Mama. Tapos ay inis na pumaywang siya sa harap namin ni Reine.

"Hoy, Reine. Ano 'yang naririnig ko? Aba, ang bata-bata mo pa, nagbo-boyfriend ka na? Isa pa, ate mo 'yan. Matuto kang gumalang sa mas nakatatanda sa'yo," pangaral ni Mama sa magaling kong kapatid. Natatawa-tawa ako sa isip ko habang pinapagalitan siya.

"At ikaw naman, Roma. 'Wag ka na ngang pumatol sa bata. At tigilan mo 'yang pagdo-DOTA mo."

Napataas ako ng kilay sa sinabing 'yon sa akin ni Mama.

"Bakit naman? Hobby ko lang naman 'yon, eh. Isa pa, 'di naman ako nagpapabaya sa pag-aaral. Ang taas kaya ng grades ko! Baka nakakalimutan niyong top one ako ng klase," katwiran ko habang ngumungso.

Under Our Starry SkyKde žijí příběhy. Začni objevovat