CHAPTER 43: The Showdown

48 5 21
                                    

"Guys, may bayad nga pala 'tong mga costume na kinuha ko."

Nagtinginan kami ng mga kagrupo ko.

"Akala ko ba hiram lang 'yan? Bakit naging renta na?" tanong ng girls.

"Pinabayaran bigla ng may-ari, eh. Twenty pesos daw per costume," sagot ni Pia.

Wala nang nagawa ang mga kagrupo kong babae kaya't naglabas na sila ng bente pesos sa mga bulsa nila at ibinigay ito kay Pia. Tapos ay ni-distribute na sa kanila.

Masyadong sexy yata 'yong costume? Halter top ito na kulay pula tapos low back. Ang tela ay gawa naman sa silk. Tapos ang palda nito ay gawa sa mesh na rainbow naman ang kulay. At napakaikli nito. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba.

Tama lang talaga ang naging desisyon ko na gumanap na lalaki.

Ngayon na ang dance performance namin sa PE. Lahat kami ay nagkakandaugaga na sa preparation. Ang performance ay gaganapin sa covered court nitong school.

At maraming manonood. 'Yon ang nakakapagpakaba sa aming lahat.

"Tara na sa ladies' room. Magpalit na tayo," aya ng mga kagrupo kong babae.

Nauna na rin naman do'n ang mga kaklase naming girls. 'Yong mga lalaki naman kasi magpapalit na lang ng pang-itaas kaya hindi na rin nila kailangan masyado ng privacy.

Dinala ko na ang paperbag ko na laman ang costume ko. Tapos ay sama-sama na kaming lumabas at nagpunta ng ladies' room.

Doon pa kasi 'yon sa ilalim ng hagdan ng green building.

Pagdating naman sa ladies' room ay sinara naming mabuti ang pinto at naabutan namin ang iba naming classmate mula sa ibang group na nagbibihis at nag-aayos.

Una ko munang sinuot ang slacks sa ilalim ng palda ko bago ko ito tuluyang hinubad. Hinubad ko naman ang necktie at blouse ko. Nakasando naman ako sa ilalim kaya hindi ako gaanong naiilang.

Sinuot ko na kaagad ang white long sleeve polo ko. Kinabit ko na ang mga butones nito at iniwang nakabukas ang unang dalawang butones sa dibdib. Tapos ay ni-tuck in ko 'to sa slacks na suot ko.

Sunod ko namang pinuyod ang buhok ko ng boknay style. Tapos ay sinuot ko ang wig na binigay sa'kin ni Caden. Eto 'yong wig na pinagamit niya sa'kin para mag-disguise nang iligtas namin si Kiara.

Ang hitsura ng wig ay 'yong parang common na buhok ng mga k-pop idol. 'Yong may bangs at hanggang tengang patilya.

"Ang pogi mo, Roma!" sambit bigla ni Stacey.

Ningitian ko lang siya. Tapos ay dinampot ko na ang paperbag ko na uniform ko na ang laman bago lumabas ng banyo.

Habang naglalakad ako sa hallway pabalik sa room ko ay pinagtitinginan ako ng mga nasasalubong kong estudyante. Mapababae man o lalaki, napapatingin sa'kin.

Mukha silang namamangha na curious?

Pagdating ko sa room ay natuon ang atensyon sa'kin ng mga kaklase kong naroon.

"Roma?" tanong nila. Lalo na ng boys.

"Tang ina. Ang pogi pala ni Roma?" sambit ng classmates kong boys.

"Oo nga, 'no?"

"Pero pag babae naman siya mukha siyang Barbie."

Napakunot ang noo ko sa sinabing 'yon ni Nash. Ano raw? Barbie? Napaisip ako ro'n dahil alam kong malayo ang histura ko mula sa isang Barbie.

Mayamaya ay dumating na rin ang mga kaklase kong nagbihis sa ladies' room. At ilang sandali pa ay dumating na rin si Sir Manuel.

"Proceed na kayo sa covered court, class. Heto na ang semi-finals niyo sa'kin for this quarter. Kaya, see you next month na lang para sa finals," sabi ni Sir.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now