CHAPTER 23: I Miss You

79 9 43
                                    

Ilang araw na akong hindi kinakausap at pinapansin ni Caden. Kapag nagkakasalubong kami sa bahay ay iniiwasan niya ako.

Ni hindi man lang niya ako tinitingnan. Hindi rin siya napunta rito sa kuwarto mula no'ng kinompronta siya ni Kiara dahil nga binuking ko siya.

Hindi ko alam kung anong detalye ng usapan nila, pero nagalit sa'kin si Caden. Ba't ko raw siya pinangunahan. Kalahati ko ang nagsasabing tama lang ang ginawa ko.

Kumabaga, tulong ko na 'yon sa kanya para umusad naman ang plano namin. At kalahati ko ay nagi-guilty dahil feeling ko naging pakialamera nga ako.

Hay naku. Bahala na nga. Kung ayaw niya 'kong kausapin, e 'di 'wag. Mas mabuti na nga 'yon, walang asungot na aaligid-aligid sa'kin.

Nasa school ako ngayon at nakikinig sa discussion ng teacher namin. Pagkatapos nito ay recess na.

---

Nakatayo ako ngayon sa tabi ng pintuan habang nakasandal sa pader at umiinom ng juice na nasa karton.

"Hoy, Roma!"

Halos mapalundag ako sa gulat dahil sa tumawag na 'yon sa'kin.

"B-bakit?" tanong ko.

"May problema ka ba? Ang tahimik mo ngayon. Parang ang lalim ng iniisip mo," sambit ni AJ.

"Oo nga, Roma. Kanina ka pa ganyan. Okay ka lang?" tanong naman ni Josephine.

"Nag-away ba kayo no'ng fiancé mong hilaw?" tanong naman ni Evan.

"Ha? H-hindi, ah. May iniisip lang ako," palusot ko.

Hay naku. Bakit ko ba siya naiisip? Alam mo, self. 'Wag ka nang ma-guilty. Wala kang kasalanan. Tama lang 'yong ginawa mo. May pinirmahan kaming kontrata, 'di ba? Na tutulungan ko siyang mapasagot si Kiara. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Kaya wala akong dahilan para ma-guilty.

Bigla namang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong dinukot sa bulsa ko. Baka si Caden na 'to. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello," sagot ko.

"Hello, Roma," sambit ni Chester sa kabilang linya.

"Napatawag ka?" tanong ko.

"I'm here outside your school. Puwede mo ba 'kong labasin? May ibibigay lang ako sa'yo," aniya.

Pagbaba niya ng tawag ay agad naman akong lumabas ng gate ng school namin. Nakita ko nga si Chester na nakaupo sa may bench. Tapos ay nilapitan ko siya.

"Chester."

"Hi," bati niya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya tapos ay may dinukot siya mula sa bulsa niya. Binigay niya 'to sa'kin.

"Ticket?" pagtataka ko habang tinitingnan ang papel na inabot niya sa'kin.

"I want to take you out for a dinner later. At diyan tayo pupunta. Ticket 'yan para do'n sa performer nila mamayang gabi," paliwanag niya. Ticket ito para sa isang bar and restaurant.

"Okay lang ba sa'yo?" tanong niya.

"Sige. Sasama ako," sagot ko.

"Great. So, I'll pick you up by seven."

Tumango naman ako bilang tugon.

---

Pag-uwi ko sa bahay ay syempre ako pa lang ang tao, tapos ay dumeretso ako sa kuwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nabigla ako nang makita ko si Caden na nakaupo sa kama ko. Ningitian niya ako tapos ay kumaway siya.

Pagkurap ko naman ay bigla siyang naglaho. Napataas ang mga kilay ko sabay iling nang marahas at kusot sa mga mata ko.

Under Our Starry SkyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt