CHAPTER 1: Before the Meeting

318 31 125
                                    

Handa na ako sa pagpasok suot ang school uniform ko—white blouse na may notched collar at royal blue lining sa collar at manggas, royal blue ribbon sa dibdib, at royal blue pleated skirt na hanggang tuhod.

Naisipan ko ring ipuyod ang buhok ko ngayon. Half ponytail lang siya gamit ‘yong hair ribbon na kulay burgundy na nasa akin na mula pa noong bata ako.

Paglabas ko ng kuwarto ay hinanap ko agad si Mama para magpaalam bago ako umalis. Magsasalita na sana ako nang marinig ko sila ni Papa sa kusina na parang may seryosong pinag-uusapan.

Hindi ko gaanong marinig ang pinag-uusapan nila dahil hinihinaan nila ang mga boses nila. Ngunit base sa kanilang mga mukha ay parang may problema silang pinag-uusapan.

Hindi ko na sila inabala pa kaya't nagpaalam na lang ako mula sa pintuan ng bahay.

"Ma, alis na 'ko!" paalam ko sa kanya.

"Sige, ingat ka," sagot naman ni Mama.

Paglabas ko ng bahay, sumakay na 'ko ng bike ko. Araw-araw ko 'tong ginagawa. Ang pasok ko ay eksaktong alas otso ng umaga. At ang awas ko naman ay alas kuwarto ng hapon.

Mga kinse minutos bago ako tuluyang makarating sa school. Pagdating ko doon ay pinarada ko sa parking-an ng mga bike itong bike na dala ko. At syempre, kinabitan ko ng kadena para secure. Mahirap na.

Pinapasok agad ako ni Manong guard dahil may suot akong ID. 'Yong building kung nasaan ang classroom ko ay katapat lang ng gate kaya mabilis lang akong nakarating.

Pagpasok ko sa room, medyo kakaunti pa kami dahil nga maaga pa. Pag-upo ko pa lang, hinikab na agad ako. Inaantok pa 'ko eh.

"Hoy, Roma. May assignment ka ba sa Math? Pakopya naman!" salubong sa'kin ni Jacob, seatmate ko.

Tiningnan ko siya nang may tamad na ekpresyon. "Tumigil ka nga. E, ano kung may assignment ako? Asa ka namang pakopyahin kita. Kilala mo 'ko, 'di ako nagpapakopya," sabi ko.

Syempre, kahit papaano pinaghirapan ko 'yon. Ano ka? Naka-free?

"Damot mo naman. Parang 'di tayo friends," nakangusong sabi ni Jacob.

Tiningnan ko naman siya na parang nandidiri ako. "Tumigil ka nga. 'Di ko na problema kung wala kang assignment, 'no," inis kong sabi sa kanya.

Nang bumalik na si Jacob sa kanyang upuan ay tumungo na lang muna ako sa armrest ko dahil inaantok pa talaga ako. Napapikit na ako nang marinig kong may tumatawag sa'kin.

"Psst! Cassandra!"

Nakakunot-noo akong umangat mula sa pagkakatungo ko at dineretso ko ang tingin ko sa pintuan. Ang mga kaibigan ko pala. Nasa ibang section na sila kaya't pinupuntahan na lang namin ang isa't isa. Tumayo naman ako at nilapitan sila.

"Ano? Inaantok agad?" pang-asar na tanong sa'kin ni Phine. Tumango lang ako bilang tugon.

"Birthday mo na next week, ah. Anong plano?" kantyaw sa'kin ni AJ.

Oo nga pala. 18th birthday ko na next week. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi talaga ako nagse-celebrate ng birthday kaya 'di ako excited. Para sa'kin, isa lang 'yang ordinaryong araw na lilipas lang din. 'Di ko na nga maalala kung kailan ang huling birthday celebration ko, eh. 10 years ago na yata?

"Anong klaseng sagot 'yan, Roma? Eighteen ka na. Hindi ka ba magde-debut gaya ng iba?" ani Josephine.

"Hindi ako interesado sa mga gano'ng bagay," sagot ko.

Isa pa, hindi ako mahilig sa mga party. Gastos lang 'yon at sakit sa ulo. Bukod do'n, wala kaming pera para sa mga ganoong kasiyahan.

"Nagpuyat ka na naman kapapanood ng bold," pang-aasar sa'kin ni Evan, boyfriend ni Phine at kaibigan ko since grade 7.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now