CHAPTER 37: Christmas With You

62 6 17
                                    

Hinihintay kong magyaya ang mga kaibigan ko na maggala ngayong Pasko. Tanghali na rin naman at late na kaming lahat nagsigising dahil nga mga puyat kami kagabi.

Pero wala kaming schedule na gala ngayon dahil may kanya-kanya silang mga plano ngayon kasama ang pamilya nila.

Kaya heto ako ngayon at nagdo-drawing lang ng manga ko rito sa kuwarto ko. Nandito pa rin ako sa bahay ko. Dinala ko lang ang drawing materials ko para may pagkaabalahan ako.

Chapter ten na ako sa shoujo manga na ginagawa ko. Eto muna inuuna ko kasi mas madali ito kaysa sa mga Fantasy ko na gawa.

"Roma Cassandra!"

Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pasigaw na pagtawag sa pangalan ko.

Napapikit ako sabay buntonghininga, "Ano na naman?" tinatamad kong tanong sa taong bigla na lang pumasok sa kuwarto ko.

"Nothing. I just wanna see you," sagot niya.

Pumunta siya sa kama ko at as usual, humiga na naman siya na para bang kanya ang kama ko.

"Manggugulo ka lang ba ngayon? Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko.

"Grabe naman sa manggugulo, Roma. Just like what I've said, I just want to stay here because I wanna see you. That's it," aniya.

"Kumain ka na ba?" tanong naman niya.

"Oo. 'Yong natirang handa namin kagabi," sagot ko.

"Roma."

"Ano na naman?"

"Labas tayo," aya niya.

Lumingon ako sa gawi niya, "Ha?" kunot-noo kong tanong.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

Nag-isip siya sandali bago magsalita.

"I don't know. Ikaw? Baka may gusto kang puntahan?"

Nag-isip naman ako sandali. Wala rin namang kahit anong lugar na pumapasok sa utak ko. Isa pa, siguradong crowded ang lahat ng pasyalan ngayon dahil Holiday.

"Wala akong maisip, eh," sambit ko.

Ngumiti siya, "Okay then. Anywhere is fine with me if it's with you though."

Hinintay na lang niya ako sa sala hanggang sa matapos ako magbihis at mag-ayos. Naka-skinny jeans ako, tapos white printed t-shirt na pinatungan ko ng grey cardigan, at 'yong low-cut black and white Converse ko na sapatos.

Paglabas ko ng kuwarto ay lumabas na kami ng bahay matapos naming magpaalam sa mga kapatid ko.

---

Nasa downtown na kami at na-stuck kami sa traffic. Fifteen minutes na kaming stuck dito at ramdam kong inis na si Caden kahit hindi niya sabihin. Halata naman pati sa mukha niya.

"Holiday kasi kaya maraming tao ngayon ang nasa labas," sambit ko.

"Kaya nga, eh," aniya.

"Saan kaya merong lugar na hindi gaanong matao ngayon?" tanong ko.

Hindi ko kasi talaga trip ang mga lugar na matao. Naiilang ako na hindi maintindihan.

"Sa hotel."

Nandilat ang mga tao kong tumingin sa kanya, "Ano?"

"Lugar na hindi gaanong matao. Sa hotel. Am I right?" sambit niya.

Pinandilatan ko pa siya ng mata na pawang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"It's a private place, so hindi matao ro'n," rason pa niya.

"Seryoso ka ba?" tanong ko.

"Do I look like I'm joking?"

Under Our Starry SkyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin