CHAPTER 13: His Brother

99 8 39
                                    

Tahimik lang akong nagdo-drawing ng manga rito sa aking study table sa kuwarto ko. Wala akong pasok ngayon dahil Linggo.

"Ano nang mangyayari kina Kazuki at Chiharu? Roma! Nasaan na ang kasunod nito?"

"Puwede ba, Caden? Hanggang diyan lang ang kinaya ko. Sa susunod na lang ulit," inis kong tugon.

Narito sa kuwarto ko nambubulabog ang torpeng engot na 'to.

"Wala na?" tanong pa niya. Bumuntonghininga ako nang may halong inis sabay padabog na tumayo sa kinauupuan ko.

Lumapit ako nang nakapamaywang, "Hoy, ikaw. Hindi ka rin makapal, ano? Sinong may sabi sa'yong tumambay ka rito sa kuwarto ko?" inis kong tanong.

"Technically, this is not your room," aniya habang hinihimas ang unan na katabi niya.

Inikutan ko siya ng mata sabay ekis ng mga braso ko. "Puwede ba? Umalis ka na nga rito!"

Hindi siya natinag sa pagkakahiga na parang walang narinig. Kinuha ko ang isa niyang braso at hinila ito nang buong lakas ko.

"Umalis ka diyan!"

Pero mabigat siya at parang sinasadya pa niya para hindi siya makaalis. Para na siyang lintang nakadikit sa kama ko.

Bumalikwas siya habang nakahawak pa ako sa kanya kaya't nahila niya 'ko papunta sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko na nakatitig sa mga mata niya habang nakapatong ako sa kanya.

"Roma?"

Natauhan at nailang ako nang tinawag ni Caden ang pangalan ko kaya't agad-agad akong lumayo.

"I-ikaw kasi, eh! Hinila mo 'ko! Hay nako. Eh, kung gumagawa ka na kaya diyan ng paraan para maging kayo na ni Kiara," inis kong sabi.

"Speaking of Kiara. Lumabas kami kahapon!" masaya niyang balita.

"Talaga?" sambit ko nang nakangiti.

"So, kayo na?" tanong ko pa.

"Hindi pa, eh. I can't tell my feelings yet," sagot niya.

Kinunotan ko siya ng noo. "Huh?"

"Because I want it slowly but surely," katuwiran niya.

"Slowly?! Isang taon lang ang meron tayo at ikakasal na tayo. Slowly pa, ha?" pag-aamok ko.

"Don't worry too much, darling. I can manage this. Sisiguraduhin kong bago ka mag-nineteen next year, kami na ni Kiara at natupad na natin ang nasa treaty. Okay?" aniya.

"Siguraduhin mo lang, ha."

"So, wala ka nang ibang manga na updated?" usisa niya.

"Wala na. Kaya makakaalis ka na."

"Sungit talaga nito," komento niya.

Pagkatapos ay tumayo na nga siya mula sa kama ko at lumabas ng kuwarto. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Parang walang magawa sa buhay kung tumambay at manggulo rito.

---

Tumigil muna ako sa ginagawa ko para magpahinga sandali. Sumasakit na rin ang mga kamay ko at mga mata ko.

Tumayo ako at dumungaw sa bintana. May balcony pala rito.

Naisip kong buksan ang glass door at pumunta sa balcony ng kuwarto ko. Halos tanaw ko na ang buong street namin. Humahampas din ang sariwang hangin sa balat ko at nililipad din ang buhok ko.

Huminga ako nang malalim habang nakapikit para damhin ang sariwang hangin.

Pagtingin ko naman sa baba ay nakita ko si Caden sa gate na parang may sinisilip. Nang sumilay naman ako sa kalsadang katapat ng gate namin ay nakita ko si Kiara na naggagala ng aso niyang shih tzu.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now