CHAPTER 71: Parting Time

38 3 13
                                    

Ginagawa ko na lang abala ang sarili ko sa mga gawain sa school. Assignments, activity papers, pati pagtse-check ng papers at notebooks ng mga kaklase ko, ako na rin gumagawa.

Ginagawa kong busy ang sarili ko para kahit papaano, hindi ko maramdaman 'yong sakit. Pero sa tuwing hihinto ako, palagi pa rin siyang pumapasok sa isip ko.

Kapag naiisip ko siya, natutulala na lang ako bigla tapos mayamaya ay iiyak. Palagi na lang gano'n. Napapagod na ako, nahihirapan. Pero ano bang magagawa ko? Nasaktan ako, eh.

Pagkatapos ng uwian ay dumeretso na ako palabas ng school. Naglalakad ako nang biglang may bumusina sa tabi ko.

Nagulat ako at napatingin kung sino 'yon. Huminto ang isang kulay puting sasakyan na mukhang mamahalin.

Bumaba ang bintana nito at napataas ang kilay ko kung sinong nakita ko.

"Roma!"

"Kiara."

Kahit nagtataka ako kung anong ginagawa niya rito, sumakay pa rin ako sa sasakyan niya nang pasakayin niya ako.

"Roma," sambit niya. Katabi ko siya ngayon dito sa back seat at hinawakan niya ang kamay ko.

"I know that you're not okay after. . .what happened," aniya. At kita ko sa mga mata niya ang simpatya niya sa'kin.

Nananatili lang akong tahimik.

"Hello, Roma."

Nabigla ako sa nagsalita at napatingin sa gawing unahan. May isang lalaking nakaupo ro'n sa passenger seat.

"Sino siya?" tanong ko kay Kiara.

"Ah, he's Jackson. Rendel's close friend," sagot sa'kin ni Kiara.

"Aw. Hindi ako kilala ni Roma. Talaga 'yang si Rendel. Nakakatampo, ah. Saka, ako rin pala 'yong sa convenience store na pinagbintangan mong manyakis," pabirong sabi no'ng Jackson sabay tawa.

Nandilat ang mga mata ko matapos ko 'yong mapagtanto at nakaramdam ako ng kaunting hiya.

"Teka, ano nga palang kailangan niyo sa'kin?" tanong ko.

"We want to confirm something from you. Pero bago 'yon, let's find a place where we can talk," sagot ni Kiara.

Kahit nagtataka ako ay tumango na lang ako at hindi na umimik pa.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa Freedom Park sa loob ng UP Campus. Nasa isang bench kami umupo. Wala gaanong tao at maaliwalas ang panahon ngayon.

"Anong gusto mong i-confirm mula sa'kin?" tanong ko kay Kiara na katabi ko lang. At nasa kabilang side naman niya 'yong Jackson.

"Alam mo ba ang real reason kung bakit umuwi si Rendel?" tanong niya.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot, "Ang totoo niyan, hindi sa'kin nagpaalam si Caden bago siya umalis. Paggising ko lang, wala na siya."

Nagkatinginan sina Kiara at Jackson na mukhang nalungkot para sa'kin.

"Pero, tingin ko dahil 'yon sa lolo niya. Pinauwi siya dahil nalaman ni Count Samuel 'yong tungkol sa'min," saad ko.

"No'ng kasama mo ba si Rendel, may napansin ka bang tawag nang tawag sa kanya? Like, an unknown number?" usisa naman ni Jackson.

"Ah, oo. May unknown number nga na natawag sa kanya bago siya tuluyang umalis."

"And, did he tell you who it is?" tanong pa niya.

Napaisip ako nang kaunti, "Bale, nasagot ko kasi 'yon isang beses. Tapos narinig kong boses babae 'yong nasa kabilang linya. Nang tanungin ko siya tungkol do'n, sabi niya si Elisa raw 'yon. Inutusan daw 'yon ng lolo niya na kumbinsihin siyang umuwi," paliwanang ko.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now