CHAPTER 33: Jealous?

74 6 29
                                    

Ilang araw nang hindi napunta sa kuwarto ko si Caden para mambulabog, ni hindi rin nangungulit sa calls and messages. At hindi rin kami nagpapang-abot sa bahay.

Kaya naman ginamit ko ang pagkakataong 'to para makapag-focus sa mga manga na ginagawa ko.

Pero minsan iniisip ko kung ano kayang ginagawa niya? Ano kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Gano'n ba siya ka-busy para hindi magparamdam?

Natigilan ako sandali at napailing. Bakit ko ba siya iniisip? Kailan pa ako naging concern sa tukmol na 'yon?

Umayos ka nga, self.

Nasa school ako ngayon at walang teacher. As usual, 'yong Oral Communications teacher namin, wala pa. Dalawa lang 'yan. Either late lang siya o hindi na naman siya pupunta.

Bigla namang tumunog ang phone ko hudyat na may nag-chat. Agad ko naman 'yong kinuha sa bulsa ko at tiningnan.

Messenger

Bridgette Clemente wants to connect with you.

"Sino 'to?" tanong ko sa sarili ko habang nakakunot-noong tinititigan ang notif sa phone ko.

Pinunta ko sa message request ang messenger ko para makita ang nag-chat.

Bridgette Clemente:

Hoy! Ikaw! Are you the one whose flirting with Chester?!

Sumagot ka! Or else I'll kill you, you motherfucking bitch!!!

Layuan mo si Chester!! Kung ayaw mong ubusin ko 'yang buhok mong bruhang malandi ka!!!

Napakunot ang noo ko sabay ngiwi. Pagkatapos ay napaisip ako sandali. Teka, Bridgette? 'Yong ex-girlfriend ni Chester?

Kin-lick ko kaagad ang Block. Ayaw ko ng gulo. Isa pa, hindi ko nilalandi si Chester. Siya ang nalapit sa'kin. Problema ng babaeng 'to?

---

Tapos na ang klase at naglalakad kami ng mga kaibigan ko palabas ng school. Nagkukuwentuhan sila, habang nananahimik naman ako.

"Roma!"

Napatingin ako kay AJ nang tinawag niya 'ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Problema mo na naman?" tanong niya.

Umiling ako, "Wala."

"Ayan ka na naman sa wala. Roma, kaibigan mo kami. 'Wag mo sana kalimutan," sambit niya nang may malumanay na ngiti. Ngumiti lang din ako sabay tango.

Nasa labas na kami ng school nang napahinto ako dahil may babaeng humarang sa'kin.

"So, you're Roma Cassandra Martinez," mataray na sabi ng babae.

Tinitigan ko ito, "Bridgette?"

Suminghal siya, "Mabuti naman at kilala mo 'ko. At dapat naman talaga!" taas-kilay nitong sabi.

Nakasuot siya ng itim na heels, tube dress na fuschia pink na hanggang hita at fit sa katawan.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo, "Ano bang nagustuhan sa'yo ni Chester? Hindi ka naman maganda! At mukhang hindi ka rin naman mayaman dahil sa isang bulok na public school ka lang nag-aaral!" pang-iinsulto nito.

"Hoy, ikaw! Sino ka ba, ha? Bakit mo inaaway ang kaibigan namin? Saka huwag mong matawag na bulok ang public school!" pagsingit naman ni Josephine.

"Huh! Kaibigan niyo kamo ang pobreng panget na 'to?" mataray niyang sabi sabay turo sa'kin.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now