"Really?. Kung ganon ang malas pala ng lalaki na yon at sayo napunta." Aniya na hindi ko maintindihan kung sinong tao ang pinupunto niya. "Sana sakin nalang pala si--"

"Hindi siya malas sakin. Kaya kong ibigay sa kanya ang mga hindi naibigay mo." Giit ko kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Nasa mukha ni Monica ang paninigurado at pagsusuri sa akin at nakapamiwang na ngumusi ng pagak.

"Ibibigay mo? Talaga? Makakaya mo siyang mahalin?." Pagklaklaro niya pa sakin at buntong hininga akong napairap.

"Kung yon ang dimo naibigay ay kaya ko." Seryusong usal ko at napailing lang siya.

"Tignan natin kung hanggang saan aabot ang kasinungalingan mo Lei. Ni hindi mo nga makakayang mahalin ang sarili mo ibang tao pa kaya?" Kunot noong usal niya pa na ayaw magpatalo.

"Masaya na ako sa buhay ko, kahit papano gumagaling narin sa mga pinaggagawa niyo. Kung dumating man ang taong yon ay mas higit pa sa sarili kong pagmamahal na maibibigay ko sa kanya." Seryusong usal ko para tignan niya ako ng masama. "Bakit? Kinakabahan kana baka masapawan ka sa kung anong meron sayo ngayon?"

"What no!?" Aniya na diko mahulaan kung sinsero siya sa sinabi niya ngayon.

"Huwag kang mag-aalala Monica. Hindi ako sakim sa lahat ng bagay. Walang mawawala sayo dahil wala ka namang pag-aari" Saad ko nakita ko na sa malayo si Jeau na paparating ikot-ikot ang susi nito sa ere. "Sinong tinutukoy mong manliligaw? Siya ba?." Tamad na usal ko sa kanya dahilan para mapatingin ito sa likuran.

"Huwag kang mag-aalala ako ang magmamahal jan." Biro ko na ikinahinto bigla ni Jeau ng makita kami. Dina importante sakin kung narinig niya paba yon hindi ko naman siniseryuso ang usapan ni Monica dahil alam ko na sa lahat ng usapan namin ngayon ay may halong pang-aasar.

Nang makalapit na nga si Jeau samin ay umalis bigla si Monica dahilan para yugyugin ako ni Jeau.

"Anong ginawa mo sa kanya bakit siya umalis agad!?" Asik niya at mabilis kong iwinakli ang kamay niya sa may braso ko.

"Nakita mo ba kaming nag-aaway?" Pabalik na sabi ko at taas kilay lang siya sakin nakipag titigan.

"Ano ba Lei! Tigilan mo nga ako jan sa pagiging sarkastiko mo!" Aniya at bumuntong hininga kong inayos ang librong bitbit ko at umalis sa pagkakasandal.

"Tanungin mo nalang siya basta ang mahalaga ay nag-usap lang kami." Tipid na sabi ko. Hindi kami nag-aaway ni Monica sadyang maldita lang siyang makitungo kaya sinasabayan ko nalang.

"Siguraduhin mo lang yan ah." Paninigurado niya pa. "Ano ba ang pinag-uusapan niyo?" Kyuryusidad na aniya at umiling lang ako. "T-tsaka may narinig ako! Anong i-ibig sabihin non?" Tanong niya pa na sigurado ako na ang ibig sabihin niya ay ang nasabi ko kanina.

"Personal na bagay lang ." Pagsisinungaling ko. Napasakay na siya sa kotse at dinilatan niya ang ng mata.

"Dika papasok? Maghihintay kapa ba sa mga taong makakakiya satin? " aniya at umiling lang ako sabay bukas sa kotse at lagay ng mga gamit ko. Kinunutan niya lang ako sa noo niya at nakatitig lang ako sa kanya at napaiwas naman ito sakin. "A-anong tinititig mo diyan! Sakay na!"

"Hindi ako sasabay sayo. May pupuntahan pa ako. Pakidala nalang ang mga gamit ko." Utos ko para magreklamo siya sakin pero huli na ang lahat dahil sinarhan ko na siya ng pintuan at natanaw sa may gilid sina Prim na nakaangkas nasa motor kasama sa tabi nito ang sasakyan ni Hashmin.

"May gusto sayo si Martinez!!!!" Kinikilig na usapan nina Hashmin, Prim, Bridgette at si Elaine. Nagsimula na siyang bumisita samin kahit malayo ang lugar nila kumpara sa amin. Nasa club lang kami ngayon, pag walang nag-oorder nag-uusap-usap lang kami sa isang table at sumasali rin sina Bimb at Chib. Mataman ang mga customer ngayon dahil sa bagong pinagawa na club ni Velasco, depende nalang rin sa club namin kung magpapatuloy pa pero sa nakikita ko ay ayos pa naman dahil mas nasanay na ang ilan na dito sila.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now