"Yung doon Alfonsi, kulang ng punas ang mga side na yon." Utas niya na diko sinunod "Hoy! Nakikinig kaba sakin?"




"Wala kang swerte sakin. Hindi ako ganon kabait sa inaakala mo." Walang gana na sabi ko bago siya hinarap at nakataas lang ang kilay nitong nakaupo. Tapos na ako sa paglilinis at hindi niya pa nagagawa ang sa kanya akma ko siyang iiwan ng batuhin niya ako ng isang libro na agad kong nasalo na ikinagulat niya. Sa pagsalo ko ay agad na akong umupo at sinantabi ang mga panlinis pasa sa kanya, gulat lang siyang napatingin sakin at maarteng nakapamiwang sakin.





"Hindi kapa tapos don!" Aniya sabay turo sa parteng lilinisin niya. Inangat at isinandal ko ang paa ko sa may lamesa at di siya pinansin dahilan para mas magalit pa siya sakin ngayon at mahinang sinampal ang sinumalang kong binabasang libro. Pabuntong hininga kong nilapag ang libro at seryuso siyang sinulyapan.






"At talagang si Lei pa ang inuutusan mo!?" Boses mula sa likuran namin hindi ko na iyon nilingon pa dahil alam ko na kung sino. Napaupo pabalik sa pwesto si Cherry animoy napapahiya at masama parin ang titig niya sakin.




"Si Lei to. Ang taong hindi napapakausapan tas sasabihan mo lang ng ganon? Gosh, crazy ka naba?." Dagdag sabi pa nito at tumabi sakin.





"B-bridgette bakit ka nandito?" Kinakabahang tanong nito kay Bridgette pero dina sinagot. Kung nakatitig ako kay Cherry ay ganon rin si Bridgette dahilan para mapaalis sa kinauupuan si Cherry at nagsimulang maglinis sa may di kalayuang parte na inuupuan namin.





Pinatuloy ko ang pagbabasa sa libro ng magsalita si Bridgette. "Vacant kaya nasa library lang ako para isuli ang book na hiniram ko and I saw you."





"O tapos?" Walang gana na sabi ko at napakunot noo ng may nakasulat sa binasa kong libro. Hindi ko magawang ipagpatuloy ang nabasa ko at akmang ititiklop ng hablutin iyon ni Bridgette. Napaiwas tingin ako at akmang lalayo ng sumigaw siya na sakto namang lahat ay napatingin na samin ngayon. Hindi lang kami ang nandito sa library pati ang mga Stem. Nakakahiya talaga.






"Is this real!? May nag-confess sayo!? Through letter!?" Giit niya na hindi alintana kung anong klaseng lugar ang napasukan namin. Nagtinginan na nga ang lahat samin at nagsimulang magbulong-bulongan palibhasa naiignorante pa sakin.




"Tumigil kana jan sa kakatili mo." Seryusong sabi ko at kumuha ng ibang libro at balak na lumayo sa kanya.




"Wait! Kilala ko ang sulat kamay na ito!." Asik niya at malakas na binasa ang nasa papel animoy kami lang dalawa ang nasa library. "Diko na alam ang gagawin pero siguro gusto na nga kita!! Shiittt-" malakas na basa niya at mabilis kong tinakpan ang bibig nito at pinaupo.












JEAU P.O.V.



_______________




"Ano ba naman yan nag-aaral tayo dito sa library hindi makipagtilian." Reklamo ng isang kaklase namin ng mapasulyap ako sa kabilang bahagi ng library at nakita ko sina Bridgette at Lei!. Kararating lang namin at hindi ko alam kung ano ang kinaguguluhan nila pero sigurado naman ako na hindi si Lei ang maingay.





"Ang hirap sa subject ni Miss Fuera! Nakakapagod mag-isip sa research." Mahinang reklamo ni Kurt samin at sumang-ayon rin ako, lutang lang ako at hawak ang ballpen at nagpapanggap na nag-iisip sa research namin pero iba na ang nasa isip. Napapikit lang ako at hahayaan nalang isipin ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Hindi parin ako makapaniwala na may gusto si Calvin kay Lei. Wala akong pakialam! Pero bwesit na puso para naman ang tinataksilan!.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now