"Tsaka alam niyo na pala ang lahat di niyo pa sinabi sakin! Mga kaibigan talaga!" Pagmumugtok ko sa kanila. Paminsan-minsan lang kami nagkwekwento sa mga problema namin at hindi rin namin basta-bastang sinasabi ang lahat samin, iwan ba pero ganito kami. Mas mabuti kasing kami nalang ang aayos sa sariling problema saka depende na samin yon kung ikwekwento nila ang problema nila at nirerespeto naman namin ang isat isa na huwag nalang pakialaman kung yon ang kagustuhan. Ang sakin lang ngayon ay bakit nilihim pa nila sakin.






"Si Lindon ang may alam talaga ng lahat!"pasa ni Stanly sabay turo kay Lindon na inosenteng napainom ng tubig. Napataas ang kilay ko sa kanya at tinititigan at napabuntong hininga siya sakin bilang pagsuko.






"Okay..okay. Alam ko ang lahat simula umpisa, alam mo rin na minsan na kitang pinigilan pero ang sagot mo lang sakin non--"




"Uy! Naaalala ko yung sinabi niya!" Sigaw at putol ni Kurt hawak pa ang hita ng piniritong manok. "Huwag niyo akong pigilan! Minsan lang ako magmahal! Tinatawag na ako ng pag-ibig!" Bilog ang mata ko sa kagaguhan na panggagayang ginawa niya ngayon pati kilos ko noon ay nagaya niya pa! at naalala ko na lahat ang punto ni Lindon.




"Saka bago palang namin alam ang lahat" dagdag ni Stanly hawak ang kanyang tungkod, pilay ba naman.




"Yung pumunta ka sa bahay ni Calvin noon, may narinig kang tawanan doon diba?" Ani ni Lindon at pilit kong inaalala ang sinabi niya at hindi ako makapaniwala na nagawa na pala nila yon. "Nandoon rin ako. Lahat naman tayo alam ang password sa bahay niya kaya wala lang sakin na pumasok at naabutan ko sila Monica doon. Aalis na sana ako ng makita kitang nagdodoorbell, akala ko non alam mo na kasi mahahalata talaga ang boses ni Monica pero siguro dimo napansin." Mahabang paliwanag ni Lindon para maisip ko lahat. Yon na pala ang lahat na nangyayari pero hinayaan ko lang.





"Nung inaayayahan mo siyang ikaw ang maghahatid sa kanya non sa may parking area ng school tas di siya pumayag. Nang makaalis ka non ay kay Calvin siya napasakay." Dagdag rin ni Kurt sakin pero ngayon wala na ang kabaliwan na ugali niya at napalitan ng seryuso.





"Ano pa ang nalalaman niyo?." Seryuso na tanong ko. Ayaw ko ng marinig ang lahat na kalokohan pero kailangan ko paring harapin para maramdaman ko kung paano makabangon.






"Nung nagsleep over tayo dito sa bahay niyo para mag-aral, nung maiwan mo kami sa library non doon namin sinabihan si Calvin na kailangan niyang umamin sayo pero hindi siya nagsasalita para itigil ang ginagawa niya."





"Ang kapal rin ng mukha niya!" Sigaw ko ng maramdam ko muli ang galit para kay Calvin!. "Lahat ng ginawa ko sa kanya at pagtitiwala ay pinalitan niya lang ng kagaguhan!." Naiinis na asik ko.




"Kumalma kalang Jeau yang puso mo!" Nag-aalalang ani ni Stanlyng pilay. Pakialam ko ba sa puso ko! Basta galit ako ngayon!. Ang dami na palang nilang kasinungalingan.





"Hindi lang si Calvin ang masisisi dito kahit si Monica. Pareho silang gumawa ng kasalanan laban sayo." Dugtong ni Lindon.




"Kailangan niyong mag-usap ni Calvin para narin magkaintindihan kayo kahit nagkakagulo na talaga." Malungkot na saad ni Kurt. Pabuntong hininga akong pinigilan ang galit ko ngayon. Para sakin hindi na kailangan pangagkausap kami ni Calvin, nagawa niya na lahat at nakuha niya narin kung anong nasa akin ano paba ang pag-uusapan? Para painitin lang ang ulo ko!?.






"Hindi rin natin alam ang sitwasyon ni Calvin." Tipid na sabi ni Stanly na nakatitig lang sa pool. Napatingin ako sa kanya ng seryuso parang mas nilalabanan niya pa ngayon si Calvin! "Alam nating nagkamali siya. Siya ang mali dito pero ayaw rin naman natin na masira ang pagkakaibigan natin diba?" Aniya at napatingin sa amin hanggang sa mahinto sakin ang titig niya.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now