Aray. Ewan.. Naiiyak ako.. Naiiyak ako.. Bakit parang ang sakit lang?

Eh tama naman 'yung tanong n'ya eh. Ano ka nga ba naman n'ya, Kate? Bakit naisipan mo pang magpaliwanag? Wala naman kayong relasyon eh. At, ano nga ulit n'ya 'ko? Ah... Maid lang pala n'ya 'ko.

Ano ba'ng pakielam ni Blake sa'yo, Kate?

Wala s'yang pakielam sa'yo. Bakit ka nage-expect na pakikinggan n'ya 'yung paliwanag mo, na hindi mo rin alam kung bakit kailangan mong sabihin 'yung paliwanag mo.

Maid ka lang n'ya. 'Wag mong isipin na Girlfriend ka n'ya't papakinggan n'ya 'yung paliwanag mo dahil gusto n'ya ng sagot. Itatak mo 'yan sa utak mo. 'Maid' ka lang n'ya. 'Maid', Kate. 'Maid'.

Naglakad nalang ako papuntang Garden. Hindi muna ako papasok. Tambay mode muna ako dito.

Sino ba kasi 'yung nag paskil nun dun. Eh yung mga kasama lang---Tama. Isa sa kanila.

Tinawagan ko si Francine, hindi daw siya. Pero pinost niya 'yung mga picture sa facebook. Ganun din si Mich. Sa Nocturnal Sun naman, number lang ni Calvin meron ako, So tinawagan ko siya.

I just hope na malaman ko na kung sino 'yung nagpaskil nung mga 'yun.

Naisip ko nanaman si Blake. 'Yung inakto at mga sinabi n'ya sa'kin. Bakit may gumuguhit na sakit sa dibdib ko?

Hindi ko na maintindihan 'yung sarili ko.

"Kate! Nasa'n ka-."

"Sino?" Walang kabuhay buhay kong tanong.

"What?"

"Calvin, sino 'yung nagpaskil ng mga pictures natin sa Board?!" Naisigaw ko tapos napasabot din ako sa buhok ko dahil sa hindi maintidihang frustration na bigla kong naramdaman.

"Teka, Kate! Bago ko sagutin 'yan nasa'n ka muna?"

"Calvin," Napahikbi ako't napaupo sa ilalim ng puno habang sapo 'yung noo ko. Yeah. Umiiyak ako dahil bigla kong naisip si Blake pati 'yung nangyari sa corridor. "Pakausap nga sa mga kaibigan mo." Sabi ko habang nahikbi.

"Nasan-"

"Please, Calvin! Pakausap lang sa kanila!"

Inabot niya sa tatlo 'yung cell phone. Nakausap ko naman bawat isa. Ang sabi nila, hindi din daw nila alam. Si Lance pinost lang din sa Facebook yung mga picture and that's it! Pero wala 'daw' talaga silang alam kung sino yung nagpaskil nung mga pictures namin.

God... Ano ba to?! Kahapon lang ang saya ngayon ang gulo-gulo?!

At ngayon.. si Calvin na ulit kausap ko.

"Calvin, Sigurado ba kayong wala kayong alam?" Then again, humihikbi nanaman ako. Bakit ko tinanong si Calvin ng ganun? Hindi ko pa kasi masyado kilala 'yung mga kabanda n'ya kaya medyo wala pa 'kong tiwala sa kanila.

"Oo nga, Kate. Nasa'n ka na nga? Nag-aalala na ako sa'yo. Kanina ka pa umiiyak." May bahid ng pag-aalala sa boses ni Calvin nang sabihin n'ya 'yun.

"Calvin, Not now. Please."

"Kate, Wai-" I ended the call.

Uuwi nalang ako. Hindi muna 'ko babalik sa bahay ni Blake. Parang hindi ko pa s'ya kayang harapin ngayon.

Ano n'ya nga ulit ako? Oo, nakakabobong tanong ko dahil paulit-ulit. Pero... Ano nga n'ya ulit ako? Maid, 'di ba? Kaibigan n'ya rin ako. Kaya bakit s'ya magbibitaw ng salitang, kahit hindi masakit eh nasaktan ako, tapos bakit s'ya nagalit nang makita n'ya 'yung mga 'yun?

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now