“Bakit?”

“Ang bitter mo kasi…” nakangiti kong sabi pero tumingin lang sya sakin ng seryoso.. 

awkward.

Owkay sabi ko na eh.. wag na akong mag-joke… ang corny ko lang .hindi naman bagay.. Napapahiya lang.. Tahimik na lang ako.

“Napapansin mo rin pala..” mahina nyang sabi

“Huh? Anong ibig mong sabihin.. ang alin?”

“Ako.. napapansin mo rin pala pag-babago ko.. Dahil yun sa isang tao”

“Ganun.. nabasted ka ba?” feeling close lang ako .. kaya hinayaan ko nalang siya. Nakarating din kami sa tapat ng bahay ko.. Binuksan ko na yung gate.

“Ah. Andito na pala tayo.. Salamat sa paghatid ah!” papasok na sana ako ng gate ng bigla nya akong tawagin.

“Ahmm.. Neira!” lumingon ako at ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako sa mga titig nya…

“Gusto mo ba talaga yung Matthew na yun? Balak mo ba syang sagutin?” seryoso nyang tanong.. 

Ang weird naman nya bakit bigla-bigla na lang sya nagiging concern.. Oh.. Siguro nga broken hearted sya.

Sasagot pa lang sana ako ng  bigla syang mag-paalam..

“Sige di mo na kelangan sagutin.. uuwi na ko.. Goodnight Neira” at tuluyan na syang tumalikod.

Ang gulo nya magtatanong tanong tapos hindi naman akong hahayaang sumagot.. haaayy.. pumasok na lang akosa loob ng bahay..

Kinabukasan maaga akong nagising dahil na rin sa maagang .. good morning text ni Matt . Hayyy ang sweet nya talaga .. inilabas ko na rin ng bahay ang aso ko na si Suni ang gray Siberian Husky ko.. mukang maganda ang araw para sa isang walkathon … iginala ko lang naman si Suni sa loob ng village namin.. Hindi na muna ako papasok ngayong araw bukas na kasi simula ng sports fest at siguradong abalang-abala na lahat ng players..Tinext ko na rin si Matt at sina Airis baka kasi nag-alala sila..

Habang nag lalakad kami ni  Suni sa village  bigla na lang nya akong tinakbuhan.. aba!  Napaka-hyperactive naman ng asong to.. Hinabol  ko sya. At ayun ang malanding aso kaya pala bigla na lang tumatakbo nakakita ng kalahi.. tss.  Akala mo nagpapa-pacute si Suni dun sa isang brown Siberian Husky. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute nilang tignan..mukang alpas yung aso.. siguro pagmamay-ari yun nung may malaking bahay… Nilapitan ko na si Suni para hilahin.

“Suni ha. Ang aga aga naglalandi ka. Halika na uuwi na tayo” hinila ko na yung tali ni Suni pero bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses.

“Hachiko! Hachiko! Where are you?” 

Lumabas dun sa may malaking gate yung lalaki at pareho kaming nabigla sa isat isa.

“Mogi!?”

“Neira!?”

“Uy dyan ka pala nakatira? Anlaki ng bahay mo ah! Tsaka sayo bang aso toh?” tanong ko sakanya. 

Agad naman nyang nilapitan yung brown Siberian husky na tinawag nyang Hachiko. Tumango sya pero hindi tumitingin sakin.

“Wala ka bang practice ngayon?” tanong ko ulit

“Wala” tipid nyang sagot.  Haay wala yata to sa mood makipag usap pero nakakagulat lang ha na sa iisang village lang pala kami nakatira.

“Ah sige uwi na ako ha.” Paalam ko at hinila na si Suni

*ARF ARF ARF*

Bigla na lang umikot si Suni sa harap ko at pumulupot yung tali nya sa paa ko at bigla syang tumakbo pabalik kina Renz.

A reader's diary (Completed)Where stories live. Discover now