Kung ito may panaginip, ay ayoko ng magising

Ang pag-ibig koy patuloy at aaminin ko sayo

Saranghae...

Talagang ibang-iba na itong aking nadarama

Sanay wag nang matapos pa

Ngunit pag nahalata, ay wala na kong magagawa

Aaminin ko na

Lagi kang nasa isipan ko

At wag ka sanang lalayo..

Dahil sa piling mo lagi kay saya ng aking puso

Para bang ako'y nasa langit na ang paligid kay ligaya

Kung ito may panaginip, ay ayoko ng magising

Ang pag-ibig koy patuloy at aaminin ko sayo

Saranghae...

Sinabayan ko rin ngpagkanta yung tugtog…

~ ….. Ang pag-ibig ko’y patuloy at aaminin ko sayo Saranghae….~

Hindi sa nag-sesenti ako .. pero ewan .. nakatitig kasi ako sa labas at iniimagine na nadun si Matt sa labas hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.. In no time he’ll be my boyfriend. Haha.. 

Hindi ko na napansin ang oras at ako pala ay nakaidlip na..

Naramdaman ko nalang ba parang may kung anong lumapat sa may pisngi ko. Hindi ko alam kung ano at dahil naalimpungatan ako iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Renz… Parang nagulat pa nga sya ….Dahan-dahan kong inangat ang ulo  ko..

 Tumingin ako sa paligid at wala ng ibang estudyante sa loob…. Medyo madili na rin sa labas…. Ganun na ba kahaba ang oras na naitulog ko? Grabe naman… Pero bakit nandito pa si Renz?

“Uy.. Mogi.. anong oras na?” tanong ko sakanya pero bigla syang umiwas ng tingin, problema nito..

“Magse-seven”

“Ano?!! Grabe to bakit di mo ko ginising!” agad kong dinampot yung bag ko.. pagtingin ko sa cellphone ko 6:47.

 Sobrang haba ng tulog ko. May 3missed calls na rin ako galing kay Matt at ilang messages.. Hinahanap na nya siguro ako malamang nag-aalala yun kasi hindi ako nagpakita sa kanya. Dali-dali akong nagreply at humingi ng sorry..

“Patay ako kay Matt . sabi ko pa naman hihintayin ko sya”

“Kayo na ba ng Matthew na yun?” biglang tanong ni Renz napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka.

“Hindi pa..”nahihiya kong sagot..

“Anong ibig mong sabihin?”

“You see. Nanliligaw pa lang kasi sya sakin.. kaya hindi pa kami.. pero.. siguro ano. Basta.. wag ka ba nga magtanong nakakahiya eh” bigla kong bawi pakiramdaman ko namumula na yung mukha ko….

“Sya nga pala bakit di ka pa umuuwi?” dugtong ko

“Kaka-tapos lang ng practice ko.. uuwi na rin ako.. Hatid na kita .. medyo delikado narin kasi madilim na…” tugon nya at tumayo sya at dinala yung bag nya..

“Wow! Gentleman mo ngayon ah….nakakapanibago ahaha..”

“Hindi naman ….” Matipid na sagot nya.

Sabay na kaming lumabas ng classroom at naglakad palabas ng school.. Buti nalang nakasabay ko si Renz.. Habang nag-lalakad kami….tahimik lang sya… Sobra talaga akong naninibago.. parang hindi si Renz ang kasama ko.

“Ui Mogi. Bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago, dati ako yung hindi namamansin tapos ngayon ikaw tong nagsusuplado. Hindi ka rin mahilig mang-asar … haaayyy nagtransform ka na ba sa amplaya?”

A reader's diary (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora