“Neira? I..Ikaw yan? B..Bakit ganyan ang hitsura mo?” 

“Hindi ba bagay?” tanong ko habang conscious na conscious sa sarili.

Biglang natahimik si Renz tapos napansin ko iniiwas nya yung tingin nya. Namula rin yung mukha nya na para bang may nakitang kahiya hiya. Tiningnan ko ulit yung sarili ko. May masagwa ba sa uniform ko? Masyado bang maigsi ang skirt o masyadong bukas yung blouse ko?

“Ehem..ehem..masyado bang maganda nag make-over namin kay Ranah?” narinig kong sabi ni Kate

“Oo nga sigurado mahehead over heels na sakanya nyan si Matthew..hehe” dagdag pa ni Mina

“M..Matthew?” nagtatakang ulit ni Renz.

“Oo si Matt ang ultimate crush ni Ranah. Siguradong effective tong make-over namin kay Ranah para mapansin sya ni Matt at tuluyan ng mainlove”  sagot naman ni Airis.

I stared at Renz and our eyes met but he suddenly snapped out of it. I noticed his jaw clenched and he wasn’t looking at me. I don’t know what’s gotten into me that I suddenly asked him. Somehow I want to know.

“Bagay ba sakin ang ganitong ayos Mogi?” tanong ko.

“HINDI BAGAY!!” he raised his voice and suddenly walk out. We were left surprised.

“Anong meron dun? Pms lang?” nagtatakang tanong ni Mina

“Hmmm..hmmm. I smell something fishy..” Kate smiled and so Airis

“Nakakaamoy ako ng pyramid..haahaha” so Airis

“Eh? Di ko maintindihan” si Mina

May binulong si Airis kay Mina na hindi ko naintindihan. Tapos tumingin sila sakin ng nakakaloko. Syet..ako na naman ang pinagkakaisahan ng mga toh..Badtrip.

Mamaya din hinila na nila ako papunta sa may quadrangle at malayo pa lang kitang kita ko na ang kagwapuhan ni Matt. Teka teka pano nila nalaman na andito si Matt? Waaah ang gwapo niya talaga lalo na lagi syang nakasmile. Malayo pa lang kami sumigaw na yung tatlo.

“HI! MATT!” agad namang napalingon si Matt sa pwesto namin at lumapit kasama yung mga kabarkada nya.

Ako hindi pa rin makatingin. Hiya naman ang drama ko.

“Uy mga chiks! Hi mga bebot!” bati nung mga barkada ni Matt.

“Diba mga taga 4C kayo?” tanong pa nung isa

“Tama, pwede ba naming mahiram si Matt?” paalam ni Mina pero bago pa man may makaangal nahila na nila to at tumakbo kami palayo. 

Tumigil lang kami sa may fire exit sa likod ng building. Patuloy pa rin ang kabog ng dibdib ko.

“Teka..girls..bakit nyo ako dinala dito? Ano bang kelangan nyo sakin” Matt asked in confusion.

“AH eh..ANo nga ba? Hehe.” Kate scratched the back of her head.

“Wait Neira is that you?” Matt suddenly distracted by my presence.

He looked at me from head to toe. I smiled shyly then he returned the smile.

“Wow ang ganda mo ngayon ah! Bagay sayo ganyang ayos mas cute ka ngayon”  he smiled at me.

I couldn’t help but smile with his compliment. I could feel my face temperature rises.

“Ehem. Uhm..Matt. may..may sasabihin kasi sayo si Ranah I mean si Neira” napatingin ako ng masama kay Airis na nagsalita.

“They gave me a we-have-no-choice look. Now I started getting nervous again as the girls started to leave.

“Ay! Uuna na kami may pupuntahan pa kasi kami!” they waved goodbye and winked at me.

“T..teka lang Airis, Mina, Kate!” sinubukan ko silang habulin pero mukang plinano na nila lahat. 

“DO THE MOVES!” sigaw pa nila palayo. 

Waaaah! Ang bilis nilang tumakas!.Awkward .. Naiwan kaming dalawa ni Matt. Talaga namang nahihiya ako.

“Ano ba yung sasabihin mo Neira?” tanong ni Matt.

“Huh?..Ah..Ano” takte ano nga bang sasabihin ko? 

Hindi ko man lang napaghandaan to. Lutang na lutang pa rin yun utak ko sa compliment nya. 

“Kasi..uhm..Matt..m..may gagawin ka ba?” 

“Hmm? Uhm..now that you mention it. May kailangan nga pala akong puntahan” 

I felt a new wave of disappointment. Inabala ko pa sya nakakahiya naman.

“Ah ganun ba? P..pasensya ka na. naabala pa kita. Sige uuna na ako” 

“Teka.. ikaw ba may pupuntahan ka? Pwede mo ba ako

ng samahan?” 

A reader's diary (Completed)Where stories live. Discover now