“Aba teka ansakit kaya nung sampal mo!” tinulak ko sya palayo. Bigla silang nagtawanan.

“Ang galing mong umarte Airis natakot nga yung mga first year. Haha” si Kate.

“Syempre ako pa..haha” 

“Mga baliw na ba kayo? Ano bang ginagawa natin dito? Tara na nga!” yaya ko sakanila habang hawak pa rin ang namumula kong pisngi.

They glared at me and those evil looks gave me goosebumps. They pushed me into a corner.

“Oy! Oy! Ano ba problema nyo?” kinakabahan kong tanong sakanila.

Bigla nila akong hinawakan sa magkabilang balikat.

“Rarape in ka namin. Bwahaha.” Sabay sabay nilang tawa.

O_o

“WAAAH!..ARAY! UY!..AAAAAH!...BITAWAN NYO NGA AKO! OUCH! AH!...ANO BA?!..WAG NYO ALISIN YAN!...AKIN YAN..AAAH! WAAAG!...WAAG SABI!!”

Matapos ang ilang oras na pakikipag bunuan sakanila pinaharap nila ako sa salamin.

“Ayan bagay sayo ang ganyan!” sabi ni Airis.

Nabigla ako ng mapaharap ako sa salamin. Inalis nila yung blazer ko pati necktie. Yung blouse ko sinira nila hanggang sa pangalawa ang butones medyo nakaopen tuloy. Yung skirt ko pina igsi nila sa pamamagitan ng pagtutupi nito mula sa waistline. 

Tinanggal rin nila ang pagkakabraids ng buhok ko kaya medyo nakulot at lumugay. Nilagyan rin ako ni Kate ng konting blush on kaya nagkakulay ang maputla kong pisngi, konting eyeliner at nangingintab rin ang labi ko dahil sa lip gloss ni Mina. Halos paliguan rin ako ng perfume ni Airis. 

Nagmuka tuloy akong isang rebeldeng estudyante. Pero infairness medyo malaki nga ang pinagbago sa dati kong ayos. Halos hindi ko na makilala yung sarili ko sa salamin. Usually kasi laging ganun ang hitsura ko, nakabraids, complete and neat uniform at walang kakikay kikay sa sarili.

“Oh ayan labas na baka hinahanap ka na ni Papa Matt!” hinila nila ako palabas ng comfort room/ 

“Teka nakakahiya naman ang hitsura ko!” pagtanggi ko.

“Gaga maganda nga ganyan. Tsaka halos ganyan naman hitsura ng mga babae dito. Ikaw lang ang naiiba para ka kasing old lady masyadong masunurin, nawawalan na tuloy ng sense of fashion.” Ayan namura pa ako ni Kate habang pinagtulakan nila akong tatlo palabas.

Nahihiya ako kasi hindi naman ako ganito mag ayos. Feeling ko pagtatawanan lang ako ng ibang tao dahil trying hard ako. Kaya naman naglakad na lang ako ng nakatungo habang hila hila nila ako.

“Hi Matthew!” bati ni Airis pero hindi pa rin ako makatunhay at nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Tapos bigla silang nagtawanan.

“Ahaha! Tapos ka Airis nanigas na! haha” si Kate

“Biro lang Ranah wala pa si Matt pero pupuntahan natin sya”

“A..Ano w..wag na lang.. uuwi na ako!” 

“EH!? Sus eto naman sayang effort namin kung di ka nya makikita” si Mina naman

“Hi Girls!” biglang may bumati sa harap naming

“Hi Lawrence!” bati nung tatlo at automatic naman akong napatingin.

Mukang hindi nya ako napansin kasi nasa likod ako nung tatlo.

“Uy, Nakita nyo ba si Neira? Sosoli ko sana toh?” 

Biglang tumawa yung tatlo tapos tumabi sila para ipakita kay Renz. Swear nung nagtama yung mata naman ni Renz nanlaki talaga yung singkit nyang mata, halos matawa nga ako sa hitsura nya.

A reader's diary (Completed)Where stories live. Discover now