"Yuck! Kadiri ka, Kapatid!" Narinig kong sigaw ni Ma'am Rizza pero hindi n'ya nagawang kunin ang atensyon ko.

Nagkatinginan kami ni Blake na…. namumula rin? Pero iniwas ko din agad tingin ko. Makita pa n'yang namumula ko. Baka bigyan n'ya pa ng meaning! Mahirap na, si Baks 'yan. Maloko rin 'yan. Lahat ng pwedeng ipang-asar sa'kin, gagawin at sasabihin n'ya maasar lang ako. Hindi nga yata mabubuhay 'to ng walang inaasar eh.

“N-no! personal maid ko siya.“ Sabi ni Baks pagkatapos n'yang punasan 'yung bibig n'ya.

“But, Kuya!~" Lumipat ng upuan 'yung bata tapos yumakap sa braso ko't tinignan ako. "She’s pretty kaya!“ Okay~ O.P ako dito sa usapang 'to. Eeksena na ako! Kasama na 'ko sa topic! Ano, nganganga 'ko habang pinag-uusapan ako dito?!

“Uhh.. Charm, right?" Hinagod ko 'yung buhok n'ya. Mamaya 'to sa'kin, gagawin ko 'tong Keychain 'pag tulog na silang lahat! Cute ka, ha?! Humanda ka! "Hindi ako girlfriend ni Blake. I’m his personal maid.“

“Pfui~“ Waa~ Ang cute! Nag pout siya at nag cross arms nang bumitaw s'ya sa'kin at umupo ng tuwid.

“Charm!" Napatingin kaming lahat kay Ma'am Rizza. Si Charm lang tinawag pero kaming lahat 'yung lumingon eh, 'no? Ganun talaga kami ka-astig! "Stay here with kuya muna ah.“ Sabi ni Ms. Rizza

Nag nod si charm at hinila naman ako ni Ms. Rizza sa papuntang kwarto ko.

“Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa Kate.“ Napalunok ako ng 'di oras. Seryosong pagkakasabi ni Ms. Rizza with matching titig pa sa'kin 'yan, ha! Kinakabahan ako!

“P-po?“ Napaupo ako sa higaan ko tapos humila s'ya ng box para upuan 'yun. Matibay naman 'yun since hindi naman 'yun gawa sa karton. Kahoy 'yun eh. Lagayan ng kung ano-ano.

“Salamat.“ This time ngumiti na siya.

Huh?

“Para sa'n po?“

“I think nang dahil sa’yo.. Nag bago si Blake.“ Dreamy n'yang pagkakasabi with matching tingala habang magkahawak 'yung dalawa n'yang kamay na parang nagdadasal sa itaas.

“Paanong nag-bago po?“ Naputol ko yata 'yung pagde-day dream n'ya. Tinignan n'ya 'ko't ngumiti.

“Alam mo bang hindi 'yan nangiti or natawa?“ Alam ng lahat 'yan, Ma'am. Huli ka na yata sa balita. Hahaha.

"O-opo Ma'am Rizza.“

“Tsk." Nag-cross arms s'ya't sumimangot habang nakatingin sa'kin. Anyare? ano'ng ginawa ko? "I set aside muna yung student-teacher relationship natin everytime na nasa labas tayo ng school, okay? We’re friends 'pag nasa labas. Ate Rizza nalang tawag mo sakin.“

“Okay po?“

“Back to what I was saying. I think nag-bago siya nang dahil sa’yo…“

Oo nga. Pansin ko nga. Pero ayoko naman maging assuming na dahil nga sa'kin kaya naging medyo normal na si Baks. Abnormal kasi 'yun kaya medyo naging normal. At saka.. May mga nagsasabi rin na ako nagpabago kay Baks. Sa pangunguna 'yun ni Francine at Mich.

“Sabi nga po nila eh. Balita ko po kasi sa school, hindi siya nakikipag kaibigan. Si Yel—Ice lang po 'yung kaibigan niya. Tapos hindi daw po siya natawa or nangiti.“

“Weird huh.." Tumango ako. Sumangayon ako sa sinabi n'yang weirdo 'yung kapatid n'ya. Abnormal 'yung bakulaw na 'yun eh. "Pero, totoo.. pati sa'min ganun 'yun. Ngumingiti pero hindi madalas. Loner 'yan. Introvert. Mas gusto n'yang nag-iisa s'ya. Laking pasasalamat na nga lang namin kay Ice kasi kahit papa'no, may nakakausap ng medyo matino si Blake eh. Hindi naman kasi matino talaga 'yun si Ice, sira-ulo rin 'yun kaya medyo matino lang talaga description ko.“

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Kde žijí příběhy. Začni objevovat