"Facebook? Wala ako nun." Napatigil ako sa pagpipilit na ipahawak sa kan'ya 'yung Ballpen at papel na hawak ko't napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin lang s'ya sa ibang direksyon.

"Wala?" Napatingin s'ya sa'kin habang nakataas 'yung isang kilay. "Tao ka ba? Alien? Bakit wala kang Facebook?"

"Hindi naman ako obliged gumawa nun."

"Washoo.." Tinusok-tusok ko 'yung tagiliran n'ya ng likod ng ballpen kaya napapaiwas s'ya. "Pero balita ko kay Yelo nagpaturo ka gumawa nun."

"A-ano? Hi-hindi ah!" You're not good at lying, Baks. Just like me!

"Hindi.. Hindi. Putulin ko dila mo eh! Sinungaling."

"Basta wala ako nun!" isasara na niya dapat yung pinto pero hinarang ko yung paa ko

"Tuturuan kita! Dali! Para hindi ka na parang alien na walang Facebook. Biruin mo.... The Great Baks este Blake Felix walang Facebook? Maawa ka naman sa mga fans mo!"

"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Hindi na nga kasi kailangan."

"Anong hindi kailangan? Ayaw mo nun? Para maistalk mo crush mo o girlfriend mo!"

Namula naman s'ya sa sinabi ko. Aha! May Crush nga s'ya! May Jowa rin yata! "Wa-wala akong crush! At kung may girlfriend man ako dapat matagal mo nang alam. Alis na nga! Matutulog na ulit ako. Istorbo." Oo nga naman. Kung meron, dapat alam ko na. Matagal na.

Tinulak niya yung paa ko na nakaharang tapos isinara yung pinto. Problema nun? walang siyang Facebook? Pero alam ko dapat pag sikat ka meron ka nun ah?

Aish.. Weird niya. Bahala siya.

Bumaba na ulit ako at umupo sa sofa sa Sala.

I think after 5 minutes, may chat box na lumabas sa Facebook.

"Morning." Si Your Angel

"Morning :)" Napangiti ako habang itinataype 'yan. May smiley sa'kin, Angel! Mainggit ka!

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ka chat ka?"

"What else?" Nag english nanaman siya! Tissue! I need Tissue! Madugong pag-uusap to! Asa naman! Magaling kaya 'ko sa english! Hindi ako mauubusan ng dugo dito! Pero dahil tanga 'ko sa malalalim na salita ng tagalog, pipilitin ko nalang na magtalog kami.

"'Wag ka na mag English. Baka kasi mag tuloy-tuloy usapan natin na nag eenglishan tayo. Hahah.. anyway. Nagbabasa sa wattpad."

"Hahaha. Sige sige. Walang mag e-english."

Wala na akong maisip na topic!!... Isip! Isip! Isi-Aha!

"Hey! May mga kilala ka bang walang Facebook?"

"Hmm.. hindi ko kasi sila tinatanong eh. At saka, ikaw lang friend ko dito."

"Oo nga eh. Pansin ko nga. Bakit pala ako lang? Ayaw mo mag add ng iba?"

"Ikaw lang kasi gusto kong nasa list ko."

"Ashoo... Haha. Pero hindi pa kita kilala. Tapos picture ko pa gamit mo as D.P. 3 beses palang tayo nakakapag-chat tapos ayaw mo mag bigay ng info tungkol sa sarili mo."

Weird, 'no? Picture ko gamit niya as D.P pero ayaw niya palitan kasi daw gusto niya picture ko ang D.P niya.. Hindi kaya stalker ko to? Or poser?

"Baka sa tamang oras magpa kilala na ako sa'yo. Pero not now."

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon