"Ang problema pag hindi nagamot ay siguradong lulubha?" May pananakot sa boses niya "Na magdudulot ng inpeksyon sa balat dahilan para ikabagal mong magsulat at mauubusan ka sa oras sakto para sa araw ng test." Napapailing na aniya at doon ako nakaisip na tama siya! " Pag ganon ang mangyayari uuwi kang talunan, sakin, sa lola mo at ano nalang ang iisipin pa ng Senador?"





"Ayssshhh! Oo na! Daming pananakot! Kala mo namang takot ako sayo!" Reklamo ko at umupo na sa may sofa. Tahimik lang siyang naglabas ng mga gamot at akmang hahawakan ang kamay ko ng ilayo ko yon! Ayokong hawak-hawakan niya ang kamay ko! Naisip ko na naman ang pakiramdam ko kanina at ayoko talaga nong bumalik!.





"A-ako na ang mag-gagamot sa sarili ko! Akin nalang yang mga gamot--aray!" Sigaw ko ng malakas! Hablutin ba naman niya ang kamay ko at seryusong tinignan iyon. "Pangit!" Bulalas ko at seryuso naman siyang gumagamot doon, napapikit ako sa sakit ng simulan na niyang lagyan ng gamit.





"Parang dika lalaki sa sitwasyon nato." Sabi pa niya ng simulan na niyang lagyan ng isang liquido! At napapikit muli ako!




"Bahala na kung parang hindi ako lalaki sa ganito! Hindi lang ako sanay! Ayaw ni lola na magkasugat ako!" Giit ko.



"Bakit pa kasi nagluluto kung hindi naman kaya." Saad niya at napadilat ako, nakatingin lang ako sa may noo niya. Nakayuko lang siya ngayon habang nililinis ang paso ko.




"Gusto ko lang magluto! Ang damot mo ba naman! Ikaw lang ang nagluluto sa sarili mo!" Pag-aamin ko! Yon naman ang napapansin ko sa kanya simula kahapon pa!.





"Ngayon gusto mo lutuan na kita?" Walang ganang sabi niya pero nag-iiba sa pakiramdam ko! Bwesit ano tong pangit na pakiramdam nato!!?






"Hindi no! Sadyang napaso lang talaga ako!" Reklamo ko nalang at napaiwas. Nang matapos niyang gamutin ay tumayo na kami pareho, ayos na ngayon ang kamay ko kumapara kanina.





"Hindi kita nalutuan kasi hindi ko alam ang paborito mo." Aniya at titig na titig parin ako sa kanya.



Hindi nagtagal ay siya ang nagluto ng hapunan samin, kaunting tanong lang at usapan namin at galak ang puso ko sa ginawa niya pero labag naman ang isipan ko!, hindi na ako nagsasalita sa kanya dahil naiilang ako sa pakiramdam ko! Ang pangit talaga! Kasing pangit niya!.






Kagaya nung una at kahapon ay dito parin ang padpad namin sa library. Dito niya na ako tuturuan at kasabay mag-aral. Tahimik lang siyang nagbabasa kagaya ko at diko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.





"Ito?. Hindi ka naguguluhan sa solution dito?" Sabay turo sa isang mahabang solution sa papel at umiling ako.



"Wala akong problema sa math..ang problema ko lang ay madali akong matuto at maintindihan kung nagdi-discuss ang guro pero pagdating sa exam ay parang nabla-blako ako, nawawala lahat ang pinag-aralan ko." Pag-aamin ko na inaalala ang nangyari nung isang taon.




"Nangyayari lang yan dahil inuunahan ka ng kaba. Ang gawin mo lang jan ay guminhawa ka ng malalim at unti-unti mong bubuksan ang isipan mo kung saan ka ngayon." Kalmadong sabi niya at hindi ako nagreklamo doon, siguro tama siya sa parteng iyon.





"Madali lang ba sayo ang exam?" Naitanong ko sa kanya "Y-yung sa E.E noon.." takang tanong ko.




"Hindi naman pinag-aaralan ang isang entrance exam, kumbaga logic lang ang mga tanong. Sadyang pinalad lang ako doon." Kalmadong sabi niya.





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now