Kinalaunan ay alas dos na ako ng hapon nagising sa sakit ng ulo ko ay papikit akong bumangon. Hindi na ako maglalasing kung ganito pala kasakit gumising.






"Gising kana pala." Boses ni pangit na mas ikinadilat ko at agarang napatayo!. Nakadikwatrong nakaupo lang siya sout ang pantulog dala ang laptop?.






"Ikaw! Paano ako nandito? Sinong naghatid sakin? Ikaw ba?" Sunod-sunod na tanong ko, sa naalala ko ay sa kotse palang ako. Tsaka bakit dito pa sa may library room.






"Anong saysay ng guard niyo?" Pabalang na sagot nito. Naalala ko naman ang nangyari kagabi at unti-unti akong napatawa ng may maalala ako. Dinuro ko siya na ipinagtaka niya naman.





"Ano?" Tipid na sabi niya.





"Ha! Baka nakalimutan mo! Nanalo ako laban sayo!"





"Sa saang parte ka nanalo? Sa naalala ko ay wala tayong pinaglabanan." Walang gana na aniya at nilapag ang laptop sa may lamesa.





"Nakita kitang nainis! Napainis kita pangit!" Natatawang bulalas ko at napailing nalang siya. "Napainis kita!" Pang-aasar ko.



"Ahh..kung ganon base sa kalkulasyon ay ako parin ang panalo." Ngising sabi niya na at taas noong nagsalita.




"Ano?" Kunot noong tanong ko.





"Matagal na kitang pinapagalit kaya ako ang panalo." Saad niya na ikinawala ng saya ko. Kalaunan ay balak kong lumabas sana ng library room namin, ayokong makasama siya sa iisang kwarto pero nagsalita siya.





"Huwag kang sumubok lumabas dito hanggat hindi mo natatapos ang assignment mo sa google classroom." Walang gana na aniya.



"Google class? Walang-"





"Martinez baka nakakalimutan mo si Oblada ang adviser mo? Hindi mo malalaman bagsak kana pala." Aniya at tamad akong lumapit sa kanya.


"Nagugutom na ako." Usal ko habang hagod ang tiyan, tinuro niya naman sakin ang study table at nandoon na ang pagkain.

"Nasa ibaba ang ama mo, baka gusto mo siyang batiin habang hangover kapa. Sa tingin mo?" Kalmadong sabi niya at pabagsak akong nagtungo sa may tabi niya at ano paba ang magagawa ko? Kundi kainin ang nakahain! Hindi naman pwedeng lumabas ako ng basta-basta dahil sigurado akong papagalitan ako.





"Ito." Seryusong aniya na pinapakita sakin ang task. Magkatabi kami ngayon sa iisang computer at walang malisya! "Click mo muna bago ka--"




"Alam ko pangit!" Sigaw ko na ikinabigla ko sa nasabi ko. Wala lang naman sa kanya ang nasabi ko pero napahinto rin siya sa inaatupag niya sa computer. Napalunok akong napatingin sa laptop sa gilid may ginagawa rin pala siya pero ako ang inuna niya.


"A-ako na ang mag-susubmit!" Naiilang na usal ko, di man lang sinabi na may gagawin siya. Napasulyap ako sa kanya ng mapatulala parin siya sa computer. "Bakit?" Naitanong ko.




"Ahh..kahit sabihan ako ng iba na maganda ako isang tao lang ang hindi magsasabi non." Pabuntong hininga siya sa aking sumagot, napakunot noo naman ako sa nasabi niya at napapiling nalang sumagot sa kanya.




"Wala naman akong sinabi na maganda ka?." Pahiya ko sa kanya at tumango naman siyang napapiling paharap sakin na ikinakabog agad ng dibdib ko, ang lapit namin ngayon.

"Kaya nga naaalala ko siya sayo." Tipid na aniya at napaatras ako agad ng tumitig siya sakin, ang lapit at sa lakas ng kalabog ng puso ko ay nahihiya akong marinig niya.



"Sino siya!?" Taas kilay na sabi ko ng makaatras na ako.




"Kapatid ko." Matagal akong napatitig sa kanya bago umiwas. "Napakapangit ko siguro kaya walang taong nagtatagal sakin."





Hindi naman ako napapangitan sa kanya sadyang yon lang ang naging tanyag ko sa kanya dahil imbes na wierdo ay pangit ang nasabi ko noong una palang, tsaka kung titignan mo siya ng maayos hindi siya pangit. Parang may lahi siyang intsik sa mata niya at likas na maputi siya, hindi magulo ang buhok niya sadyang wala lang sa vocabularyo niya ang salitang suklay. Napatitig ako sa mata niya at napatulala ako saglit, ngayon ko lang napansin ang mahaba at makapal niyang pilik mata.




"Nahuhulog kana?" Napangising aniya na ikinalakas ng kaba na nararamdaman ko. Kislap mata akong umiling sa kanya parang natutuliro ako sa nasabi niya!.





"Hindi! Sampalin ko yang apog mong makapal jan e!" Pananakot ko sa kanya, nang matapos ako sa ginagawa ko ay kasabay rin sa kanya. Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat kilos niya.





"Aalis kana?" Mahinang sabi ko ng mapansin kong hahawakan niya na ang doorknob.





"Oo. Wala naman na akong gagawin dito. Pwede kana ring lumabas, wala na ang Senador." Sagot niyang hindi nakatingin sa akin. Aysshhh! Nahhhmannn! Pwede niya naman akong sabihan ng maayos kung saan nakaupo pa kami, bakit kailangan niya pang humanap ng pa-thrilling!. Nag-aala cool kid na naman to.





Nang makababa na ako ay sa kusina ang punta ko, nauuhaw ako at hindi ko na nga naabutan si papa at tanging si lola Wa nalang ang nandoon. Nagluluto, since hilig niya naman ang pagluluto.





"Lola Wa!" Pangugulat ko at napatalon siya sa gulat sabay sampal sakin ng sandok! Napahawak ako sa pisnge na may pagsisisi.





"Walang hiya ka apo! Umupo kana! Kakain na tayo ng hapunan!" Aniya na bumalik sa pagluluto.




"Eh ang mga katulong nalang natin ang magluluto lola Wa bakit ikaw pa jan?" Giit ko ng makainom na ako ng tubig sabay upo.




"Pinag-live ko sila ng dalawang linggo-"





"Ano! Bat ang haba naman ng dalawang linggo!?" Asik ko at nakapamiwang na humarap sakin si lola na nakataas pa ang kilay.





"At bakit hindi?. Si Doris na-ospital ang anak niyang may sakit sa balakang, si Medelyn inaasikaso ang anak niya na may dengue, si Laling naman inaasikaso ang dalagita niyang nabuntis ng walang ama!"





"Yon lang problema nila?" Bulalas ko at isang sponge naman ang natapon sa may mukha ko.



"Lola Wa naman!" Giit ko ng itapon ko pabalik ang sponge sa may lababo.





"Hindi lang yon! Sa tuwing wala ako dito ay hindi karin kumakain ng maayos! Paano kung magkasakit ka! Sino ang sisisihin ko? Sila?" Taas boses na sabi pa ni lola.





"Hindi naman sa ganon lola Wa, sadyang nawawalan rin ang mga tao ng gana--"




"At paano nawawalan ng gana ang taong kumain? Nakuu!! Jeau mag-ayos ka. Kagabi nakita ko si Laling umiiyak sabi daw hindi ka nakauwi kagabi kaya lahat ng pagkain nasayang! At sa tuwing wala ako dito hindi ka man lang bumabait kay Lei!" Pagtataray ni lola. "Hinanap ka ni Joao kanina." Ungkat ni lola kay papa.





"T-tapos?" Interesadong ani ko.





"At si Lei ang nagtakip sayo. May research kang ginawa kaya pagod at mahaba ang oras ng pahinga mo. Totoo ba yon?"




"N-nagawa niya yon? Pero nagsinungaling siya kay papa!" Saad ko at napatango lang si lola.





"Kaya nga sa ngayon bibigyan ko lahat ng mga katulong ng dalawang linggo makauwi sa kanila. At tayo ni Lei ang matitira dito at respetuhin mo siya." Diin na sabi ni lola sa huli.








"Abay! Nirerespeto ko siya, di niyo lang nakikita!" Giit ko at tinignan ako ng maiigi ni lola.




"Hindi ko kayo minsan nakitang nagkasundo. Kaya itong dalawang linggo nato ay susulitin niyo para magkaintindihan kayo."






_____________________________
VOTE AND FOLLOW me!



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now