"Ba't ang tagal niyo! Nilulunok na ni Jeau ang dalawang bote!" Tawang sabi ni Stanly na pinaghahawakan ng dalawang katabing babae niya.



"Broken hearted ata to eh." Anas naman ni Lindon.



"Hindi ah! Mga gago!" Reklamo ko nalang "Di ba pwedeng nauuhaw lang sa alak." Sakto namang napatabi sakin si Kurt at si Calvin kaya napatanong nalang ako.



"Saan kayo galing?" Simpleng tanong ko at si Calvin ang naunang sumagot.




"Family meeting lang." Tipid na aniya at kaswal lang uminom ng beer.



"Ako...nalate lang talaga. Hehe sensya." Saad ni Kurt. Marami-rami parin kaming napag-usapan pero hindi ko sinabi ang kaunting problema ko para kay Monica at hinayaan nalang ang sarili na magsaya dahil sa susunod na linggo ay final exam na para sa first semester.



"Sayaw na tayo doon oh!" Turo ni Kurt sa may bintana na nalalasing narin.



"Tara! Makakanap pa tayo ng babae! Ano Calv!?" Bulalas pa ni Stanly at tumayo naman si Calvin.



"G ako diyan. Tara." Aniya at hinarap kami ni Lindon. "Ikaw na bahala kay Jeau." Anito at napapikit nalang ako.


"Tanga nito mahinang nilalang talaga. Diyan ka nalang muna Lin bantayan mo yang si Jeau total hindi ka naman mahilig sa babae haha!" Malakas na sabi ni Kurt. "Lets go na boys!" Masiglang aniya bago sila makalabas sa VIP room.

Panay iling ko at dilat ng mga mata ko kahit dilat naman. " Inumin ba naman ang halos isang case ng beer kala mo naman malakas, mahina naman pala." Reklamo ni Lindon sakin.


"Aysssh paki ko ba basta makakarami ako ng ihi ngayon!" Walang silbi na sagot ko at agad na tumayo pero sa huli ay natumba nalang rin. Napatingin ako kay Lindon na tinatamad ng pakalmahin ako.


"Hindi mo ako patatayuin.." mahinang sabi ko.


"Ikaw ang natumba kaya ikaw rin ang tumayo." Pabalang na sagot niya at napatawa nalang ako ng payak.



"Ayssshhhh!!! Pareho lang talaga kayo ni pangit magsalita!! Ang babae na yon! Nalaman lang ng lahat na mayaman at anak siya ng may-ari ng Laurente lumalaban na sakin! Ang lakas makakapal ng apog!".



"Ganon lang yon tanga." Mahinang komento niya at rinig ko yon!. Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa may upuan ko at doon ko nakita siyang lumilitaw na talaga ang paningin ko!.



"Ang yabang niya! Kababae niyang tao at nag-aangas parin kala mo naman maangas!" Saad ko at natawa nalang si Lindon na napapailing na umiinom ng alak.



"Ayaw mo pa don? May katungali kana. Tsaka ikaw lang naman ata ang nayayabangan sa kanya. Abnormal kalang." Anito na hindi magpapatalo sakin. Napakunot noo akong napaisip sa itatanong ko sa kanya. Kunot noo akong nagsusuri sa bawat kilos ni Lindon at napansin naman niya iyon.


"Ano?" Aniya na kumuha ng lemon.



"Sino ba talaga si pangit?.." naitanong ko at huminga siya ng malalim bago ako tignan ng maayos.



"Anong klaseng tanong ba ang sasabihin mo at sasagutin sa makakaya ko lang..the rest doon kana sa kanya magtanong." Anito at irap akong humiga sa may malambot na upuan, napatingin ako sa may kisame habang nag-iisip kung paano ko sisimulan magtanong.




"Sa dami ng tanong ko baka mapagkamalan na akong may gusto sa kanya..nalilito lang naman ako yon lang." Panimula ko, baka kung ano pa ang maisip ni Lindon sa pagiging palatanong ko sa buhay ng pinsan niya!.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu