"Miss wala lang yang ikakasagot sa tanong niyo. Humahanap lang yan ng oras para maabutan ng bell!." Asik pa sa kasama ni Cherry. Mahina akong napabuntong hininga at tinignan ang mga nakaupong kaklase ko na nakatingin sakin at naghihintay sa maaring kong gawin.



"Miss Fuera...kung ganon subukan niyong sa iba ang tanong niyo saka na ako sasagot." Simpleng sabi ko. Tignan lang natin kung meron ngang nakikinig sa report nila na kahit pag-eexplained ay mali-mali pa.



"Okay Miss Hayno!" Tawag niya sa babaeng naka-eyeglassss halatang matalino ito. Iwan pero yon na agad ang tingin ko. Napatingin si Hayno sakin at napalunok bago tinuro ako.



"I..Im trying to understand their report Miss and maybe Miss Alfonsi was right." Mahinang usal nito at napapikit nalang si Miss Fuera bago pinaupo kami. Hindi nagtagal ay nagsalita pa si Miss sa amin bilang pagpapaalam dahil sakto ring naabutan ng bell.



"Okay..listen class..gusto ko naintindihan niyo ang lesson and every report ng lahat..dahil hindi ko kailangang magsalita pa sa harapan! Kayo na ang magdidiscuss! Ganito sa college kaya dapat ngayon palang ay masanay na kayo at may experience hindi yung nag-rereport lang na nagbabasa!.." striktang sabi nito at hinarap sina Cherry na ngayon ay nakaupo na.
"Next meeting, uulit kayo sa report niyo. No more excuses!" Ani ni Miss ng mapansin na parang magrereklamo na si Cherry. "Kahit ako ay hindi ko rin naiintindihan ang report niyo kanina. Thats why I called some of your classmates kung naiintindihan ba nila ang report pero walang nakasagot!."





Paglabas ni Miss Fuera ay binigyan ako ng masamang titig ng mga grupo ni Cherry, hindi naman ako nakokonsensya dahil nagsasabi naman ako ng totoo. Tamad akong akong makinig pero hindi ko namang maiwasan na marinig kaya kahit anong sabihin ng ilan ay alam ko.



"Plastic!!!"



"Iw pabida! Pabibo!" Ani nila at hindi nalang ako nagreklamo pa para doon. Sakto rin ang susunod na subject ay vacant at pumasok naman si Sir George at kasunod non si Hashmin na dala ang mga gamit para aa contest na nasalihan. Umupo siya sa tabi ko at inaayos ang mga gamit niya papasok sa bag.




"Nakakapagod doon sa hall pero magandang competition..nakaka-enjoy mag drawing." Nakangiting aniya "eh dito ba? Ayos kalang?"




"Huwag mo ng tanungin. Buhay parin naman ako." Walang gana na sagot ko.




"Asses di kaba proud jan..support naman jan ng 10 percent." Nakangiting aniya




"Susupport lang ako pag nanalo kana."




"Ayshh! Baraot mo!" Reklamo niya. Napaharap kami kay Sir George na nasa harapan na nagsimulang mag-explain sa gusto niyang mangyari.



"Sorry kung late na tayo sa ganito students pero sa ngayon mag-vovote tayo sa mga committee." Paliwanag ni Sir na nagmamadali at hindi pa mapakali. " Ngayon kasi gustong malaman ng Dean ang mga magiging leader sa bawat section para sa darating na byernes ay magtutungali ang bawat Academic chairperson ng section natin..by strand kaya naghahanap ako."


Nagsibunot kami ng mga papel mula sa kahon pero di ko pa binuksan. May ilan rin na nagkukulit kay Sir George na maging leader sa limang committee at kasali na doon si Cherry at kasama niya.




"Sige ikaw ang Chairperson ng Socio Cultural Committee." Utas ni Sir na naka-upo lang sa may lamesa niya. "Sa Academic at Environmental Chairperson nalang ang kailangan." Aniya. Puro may kakayahan ang naging Chairperson ng bawat committee paniguradong running for Valedictorian ng Strand namin ang magiging Academic Chairperson na pipiliin.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon