Hihintay ko muna lumabas 'yung mga kaklase ko saka ko siya kakausapin. Nag papahuli rin naman to lumabas kaya dito ko nalang siya kakausapin sa room.

Nang makalabas na silang lahat, napansin kong kasama si Kate dun na nakikipag usap kay Mich at France.

Aish. So hahanapin ko pa to? Ano ba 'yan?!

Nang mapadpad ako sa cafeteria tinanong ko siya dun sa dalawa niyang kasama. Ang sabi 'di daw siya sumabay sa kanila. Hindi din nila alam kung sa'n nag punta kasi ayaw naman sabihin.

So ayun nga, nilibot ko pa ulit bawat sulok ng school kahit nagugutom na ako.

Nakakaewan naman. As of now.. dapat kumakain na 'ko eh, peor eto ako, hinahanap 'yung babaeng hihingian ko ng pasensiya kahit hindi ko naman totally kasalanan lahat ng perwisyong umikot sa'min.

Nang mapadaan ako sa garden, nandun siya, kumakain mag-isa sa ilalim ng puno.

Ni-ready ko muna sarili ko kasi baka mag sigawan nanaman kami nito.

Nang nilapitan ko siya halatang nagulat siya pero na compose niya rin agad sarili niya. Pangit ba ko para ganun nalang i-react niya?

"Hi." bati ko. tinignan niya lang ako. "Pwedeng tumabi? Favorite spot ko rin kasi to eh." I lied. Hindi naman talaga ako nag pupunta dito sa garden, lagi kasi ako sa lab natutulog pag may free time o bored ako. Minsan naman pumapana lang ako.

Hindi pa din siya umiimik. Halatang galit siya eh.

Naupo ako sa tabi niya atsaka sumandal sa puno at naglabas ng libro mula sa bag ko. Pagka pwesto ko, inayos niya yung kinakain niya atsaka nilagay sa bag. Tatayo sana siya pero bago pa siya tumayo hinawakan ko yung braso nya.

"Ano ba?!" Aba't kung maka sigaw kala mo bingi kausap.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo. Kaya pwede, kung mang iinis ka, lang bitawan mo na 'ko?!" Pinipilit n'yang hilahin 'yung kamay mula sa pagkakahwak ko pero hindi ko binitawan at mas hinigpitan pa 'yun.

"No. umupo ka muna. Mag-uusap tayo."

"Wow. Kung maka utos, ano 'ko utusan mo? Bitaw na nga!" hindi pa niya yata alam na ako magiging master niya sa trabaho. Aish. Di nag basa ng contract.

"Umupo ka muna..Please.." I said in my most sincere way. Bihira lang ako mag 'please' ah.

Mukha naming napansin niyang sincere ako at gusto ko talaga siya makausap-aba dapat lang!

Umupo siya sa tabi ko ng hindi parin ako tinitignan.

"Ano ba kasi sasabihin mo?" Sabi n'ya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"'Yung nangyari dun sa diary.. Sorry. Hindi ko naman talaga--."

"Babasahin? Nabasa mo na, Blake. Ano pa ngayon ihaharap ko sa'yong mukha eh halos lahat ng sikreto ko nabasa mo na yata? " sinabi niya nang 'di parin tumitingin sakin.

"Actually.. onti palang nabasa ko dun, siguro tatlong entry mo palang." Bumalik ka naman kasi agad, edi sana nabasa ko pa 'yung iba.... Takte! Ano, Blake?!

"Kahit na Blake. Isa ka rin naman pala sa mga mag bibigay ng problema sakin."

"Kaya nga sorry, pati dun sa may sasakyan, hindi naman talaga ako yung may kagagawan o let's say 'yung nag utos sa mga ungas na 'yun na sirain sasakyan mo." napatingin siya sakin tapos nag smirk. Oh, ano nanaman nasabi ko?

"Owss? Talaga lang, ah? Eh kung tignan mo ko nun parang sinasabi mo na rin na ikaw may kagagawan eh. Wow lang talaga.. tapos sasabihin mo hindi ikaw nagpa sira. Tapos anong ginawa mo? Naka tayo ka lang dun. Kung hindi ikaw 'yung may pakana nun sana pinigilan mo sila. Kasi parang kahit sino naman makakita nun siguro pipigilan yung mga sumisira nung kotse eh. Tapos-- " hindi ko s'ya pinatapos magsalita. Nagsalita 'ko tapos tinakpan ko 'yung bibig n'ya.

"Kasi nga ayokong ipakita na concern ako at baka kung anong isipin mo." nanlaki mata niya sa isinigaw ko. Psh. Napa amin pa tuloy na concern ako. At saka.. totoo naman eh. 'Yung ibang babae kasi, magawan lang ng simpleng bagay, nag-a-assume agad na gusto sila nung lalake. Malay ko ba na isa rin s'ya sa mga ganun.

"Co-concern ka?" 'di makapaniwalang tanong n'ya pagkaalis ko ng kamay ko mula sa pagkakatakip ko sa bibig n'ya.

"Oo." Umiwas ako ng tingin. "Ayoko lang talaga ipahalata pero concern ako. Kasi kahit papano magaan loob ko sa'yo kahit ang ingay mo at kahit sadista ka." nakatingin lang ako sa baba.. grabe ako naman nahihiya ngayon sa mga pinag sasasabi ko.

"Ga-ganun?"

"Kaya.. Sorry na, dahil pinaki-elaman ko yung diary mo." Pinipitas-pitas ko 'yung ilang damo dahil nahihiya na talaga 'ko sa mga pinag-sasasabi ko.

"Okay.. Apology accepted," Napatingin ako sa kan'ya. "Sorry din kung nabugbog kita, ha? Kasi... 'yung kotseng 'yun hiniram ko lang sa kuya ko kaya ganun nalang ako maka react. Kung sa'kin naman 'yun okay lang basta maka bawi ako sa gagawa nun eh. Sorry ulit. " nag smile siya. Grabe lang, hindi ko napansin na ganito pala kaganda tong amazonang to kapag naka ngiti-Tss.. ano ba'ng pinag sasasabi ko?

"Okay lang. Kasalanan ko din naman eh." I gave her my sweetest smile. Ngayon nalang ulit ako nag bigay ng ganitong ngiti sa ibang tao. I think we're gonna be good friends.

"Friendly and make up hug?" inextend niya yung dalawang kamay niya. Ano daw? Friendly and make up HUG?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero onti onti akong tumango.

Nung niyakap niya ako, parang kusa nalang gumalaw yung kamay ko tapos niyakap din siya. Bigla nalang tumibok ng mabilis yung puso ko nung magkayakap kami. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang sarap sa pakiramdam. Siguro dahil sa ayos na kami o 'di kaya---

Kumalas na siya sa yakap kaya kumalas na rin ako. "Corny ba? Kasi ganyan ako sa mga kaibigan ko 'pag nag kakaayos kami after ng away namin." So, kaibigan na niya ako? Nice.

"Hindi. Ayos lang."

"So... Friends?" Inilahad n'ya 'yung kamay n'ya for a shake hand.

"Friends." And I gladly accepted it.

We exchanged smiles while staring at each other.

*Gruu*

Bwisit! Bakit ngayon pa kumulo tiyan ko!

"Bwahahahahahah!"

"Aish! Tawanan daw ba?" Yumuko ako tapos niyakap ko 'yung sarili ko sa bandang tiyan. Nakakahiya!

"Kumain ka ba? Bakit ganun nalang mag rebelde 'yung tiyan mo!? Galit na galit na sa'yo yan kasi ayaw mong lagyan ng laman! Hahahah!" tawa lang siya ng tawa habang pagulong gulong sa damuhan habang hawak yung tiyan niya. Psh. Parang bata. Ang cute lang tignan.

"Akin na 'yang bag mo! Nandito pa yung pagkain mo eh!" kinuha ko yung pagkain niya sa bag pero inaagaw niya. Nag aagawan lang kami ng pagkain.

"Hoy! Akin yan! Wag mo kainin!" Sabi n'ya habang pilit na hinahatak 'yung baunan sa'kin.

"Kasalanan mo kung bakit ako gutom! Nilibot ko pa 'tong school, kaya sakin na 'to!"

"Ako pa ngayon may kasalanan? Haha. Bahala ka. Kainin mo na yan." Binitawan na n'ya rin! Sa wakas! "Kaso baka hindi mo magustuhan yan kasi ako nag luto, eh hindi pa ako masyado marunong mag luto.

"Oh? Ikaw nag luto?" binuksan ko 'yung baunan. Ano 'to? "Hindi nga siguro masarap to. Amazona nag luto eh. hahaha."

"Ang sama mo! Anong amazona!? Akin na nga 'yan! Nilalait mo pa eh! Manghihingi na nga lang, lalaitin pa!"

Iniwas ko 'yung baunan kasi akmang kukunin na n'ya. Tumawo ako't itinaas 'yun dahil tumayo s'ya para kunin 'yung baunan. "Hindi na! sayang 'to no! Laman tiyan din 'to!" Itinulak ko s'ya tapos tinutukan ng tinidor habang nakatingin sa kan'ya ng masama. Nag-pout lang s'ya tapos naka-cross arms na umupo. Umupo na 'ko sa tabi n'ya't sinimulan ko ng kainin 'yung pagkain niya. Masarap nga eh. Masyado lang niyang dina down sarili niya.

Masaya ko. Sobrang saya. Kasi ayos na kami. Sana wala nang maulit na issue between us.

Ngayon napatunayan kong ibang klaseng babae talaga si Kate.

She's so fun to be with.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now