Chapter 2 (BOOM!)

Beginne am Anfang
                                    

"Ha? Bakit naman?" Iyon rin ang hindi ko alam. Kung ‘bakit’. Basta, ramdam ko lang sa aura niya, kahit ang ganda pa ng pagkakahulma sa pagmumukha niya.

"Ewan ko din, e. Basta." Sabay tawa ko.

"Hay nako. Gutom lang iyan. Tara, kain na lang tayo." Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas. “Friends na tayo, ha?”

“Sige ba!” Nakangiting sagot ko. Ngitian naman niya ako tapos pinagpatuloy iyong paghila sa akin. 

Ayos, may new found friend na ako!

Anyhoo.

Lunch time na and nagpunta na kami sa cafeteria.

Bumili lang kami ng burger at softdrinks tapos lumabas na sa cafeteria. Nanduon nga rin iyong mga kaklase namin, e. Kung pagtaasan nila ako ng kilay, aba, tinalo pa ang bulkang Mayon sa sobrang taas. Siyempre, papatalo ba ako? Edi tinaasan ko sila ng noo. Iyon lang ang kaya kong itaas sa ngayon dahil wala pa si Ice dito. Humanda sila kapag nandito na si Ice.

Naglakad lakad muna kami sa campus dahil sabi niya ito-tour niya raw ako sa buong school. Naglalakad kami habang nag-uusap ng kung ano ano. Ang saya niya nga kausap, e. Wala kasing tahimik na segundo na namamagitan sa amin.

At dahil sabi nga nila, 'expect the unexpected,' iyong hindi ko ine-expect ay nangyari. Aba! Malay ko bang may ganitong mangyayari.

May nabangga ako. At ang masama pa, namantsahan iyong uniform niya.

"Sht." Whoa! He cussed! Lagyan ng sili ang bibig!

"Nako, sorry. Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko habang pinupunasan ko iyong uniform niya ng tissue na hawak ko.

"Bulag ka ba?" Napaangat iyong tingin ko sa mukha niya. Nagulat ako kung sino kasi si Blake pala iyong narumihan ko. "Hindi mo ba ako nakita?" sabi niya with a stern tone and a glare.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ko kung may limit lang ang mga tao sa mga glare na ibinibigay sa kaniya at kapag umabot ka sa limit na iyon, e, todas ka na.

"So-sorry talaga." Bumalik ako sa pagpunas ng uniform niya. Nakakahiya rin kasi. Ang alam ko kasi talaga, sensitive ang mga barney pagdating sa damit nila. Ayaw nila na marurumihan iyong mga damit nila kasi bawas ‘ganda’ yata iyon. E, ang boys kasi, mostly, alam ko na walang paki kahit marumihan iyong mga damit nila.

So, I therefor conclud that Blake is a certified barney.

"Hindi naman malilinis ng sorry mo itong damit ko kaya huwag ka na magsorry dahil wala ring sense iyan. Mas mahal pa nga yata itong uniform ko kesa sa buhay mo. War freak na nga bulag pa. Tss." Sabi niya habang iniaalis iyong kamay ko sa pagpupunas sa polo niya. Whoa. War Freak?

"Wow, ha?! Wow!" Ibinato ko iyong hawak kong tissue sa kaniya. Sa mukha talaga. "Kung bulag ako, hindi ko sana nakikita iyang mukhang kulugo mong mukha sa harap ko! Ako na nga itong humihingi ng sorry, ako pa itong nilalait mo? Maghintay ka." Dumukot ako ng bente pesos sa inilabas kong pitaka ko kahit pa labag sa loob ko. Ginto na para sa akin ang bente, ano! Isang poster rin iyon. Kinuha ko iyong kamay niya tapos nilagyan ko iyon ng bente. "Ipa-laundry mo! O kaya magcorneto ka! Laki ng problema mo, uniform lang iyan! Tara na nga, Mich." Hinawakan ko siya sa braso saka tumalikod. "Masyadong mahangin dito, may namumuong sama ng panahon dito sa hallway na ito."

"Teka," Sabay hawak niya sa braso ko. Pagkatingin ko naman sa lapag, nakita ko iyong benteng papel. Hala! Itinapon?! Langya! "Baka hindi mo ako nakilala? Hindi mo ba alam kung ano kaya kong gawin sa iyo?" Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Pinagsasabi nitong bakulaw na ito?

Hinila ko braso ko sa pagkakahawak niya tapos tinignan ko siya nang masama. "Bakit? Sino ka ba para kilalanin? Artista ka ba, ha?! Artista?!" Kahit alam ko na siya ang barneyng Heartthrob dito. "Tara na, Mich," Sabay hila ko kay Mich na parang nanunuod lang ng sine sa eksena namin ni Blake. Naglakad na kami papalayo at tinour niya ulit ako. "Grabe! Nakakainis! Hindi man lang marunong tumanggap ng sorry!" Sa kaniya ko tuloy naibubuhos iyong mga sama ng loob ko sa lalakeng iyon! Parang baklang nagdadalaga lang, e! Parang polo lang, akala mo naman ikamamatay niya!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt