Chapter 1 (BOOM!)

Start from the beginning
                                    

Putchie naman, o! First day ko pa naman sa school, nalate pa ako!

Tinignan ko iyong papel kung saan nakasulat iyong schedule ko at kung saan ang designated room ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nabasa ko. Buti naman at malapit lang.

Good Lord, buti talaga malapit lang! Salamat, Lord!

Pagkadating ko sa gilid ng room, sumilip ako ng kaonti para malaman kung nagsisimula na ba or hindi pa. Hindi pa naman yata sila nagsisimula pero nanduon na sila at nakaupo. Nagssnoban pa muna ang drama, pero may mga nag-uusap usap na. Siguro magkakakilala na. Siyempre ganiyan naman talaga at first, hindi ba? Pero after one week or so, boom daldal na iyang mga iyan.

Unti unti akong sumilip sa white board or chalk board. Hindi ko kasi alam kung ano ang gamit nila sa dalawang iyan. Prestigious kasi itong school na ito so baka mga mamahalin iyong mga gamit nila. Iyon nga, sumilip ako kung nasaan dapat ang teacher namin.  Take note, fingers crossed with matching pikit mata pa ako. Para may thrill. And to my surprise...

Wala pa! Yehey!~

Nakahinga ako ng maluwag duon, ha? Akala ko talaga, late na ako. Siyempre, first impression lasts nga, hindi ba? Baka isipin ng teacher namin na palagi akong late since late ako sa first day, na buti naman at hindi nangyari dahil hindi ako late.

May kumalabit sa balikat ko, at pagharap ko, napakurap ako ng ilang beses dahil sobrang ganda ng babaeng nasa harap ko. "Do you belong in this class?" Ay! Teacher siya! Ang ganda naman niya. Teacher ba namin ito? Mukha kasi siyang artista. Alagang alaga yata iyong balat kasi sobrang puti at sobrang kinis.

"Ye-Yes, ma'am."

"Go inside, I'll introduce myself to you guys. I'll be your adviser for the whole school year." Nakangiting sinabi nito saka ako iginiya papasok.

Pumasok na ako kasabay si ma'am, na siyang dahilan kung bakit natahimik at napatingin sa amin lahat iyong mga magiging kaklase ko. Dumiretso naman na ako sa likod dahil duon lang iyong may nakita akong dalawang bakanteng upuan na magkatabi. Nang makaupo ako sa upuan, iniayos ko na iyong mga gamit ko. Sakto naman pagtingin ko sa harap para makinig, nakarinig ako ng mga boses na nag-uusap. At ang malala, nang tumingin ako, nahuli ko na sa akin nakatingin.

"Anak araw?"

"Baka albino? Pero bakit lumabas? Ang alam ko, bawal lumabas at maarawan ang albino, ha?"

Fluffers! Porque maputi, anak araw at albino na?! Umangat lang ako sa puti sa iniyo, nilait niyo na iyong kaputian ko?! Fluff!

At kahit na alam kong magmumukha akong naposess, inikot ko iyong mata ko habang nailing. Wala akong pakielam sa kanila!

Inintroduce na ni Ms. Teacher iyong sarili niya sa amin. Siya raw si Ms.Rizza Felix, teacher namin sa English and, like what she said earlier, ang magiging adviser namin.  After ng ilang chuchung pinagsasabi ni miss, kami naman ang nag-introduce sa sarili namin. And worst... Noong nagpakilala na ako, na nabitin, aba! Nilait ba naman ako!

Nakangiting tumayo ako dahil turn ko na para magpakilala. Nakakailang man dahil lahat sila, nakatingin sa akin, lalo na itong katabi kong lalake na nakatitig sa akin simula kanina pa, ikinompose ko pa rin ang sarili ko't nagsalita. "Hi, everyone. My name is Kate Fuentes, sixteen years old and also new here in this school. I came from Pitch High. I hope we can be friends-" Hindi ko natapos iyong sasabihin ko kasi may mga umeksena.

"So you're that rumored poor girl that was able to get in this school because of a scholarship?" Sabi ni classmate number one, na may sobrang kapal na makeup. Buti napapayag at nakapasok sa school iyan ng ganiyan iyong itsura niya? Mukha siyang member ng perya.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now