"Dimo alam?"



"Bakit magtatanong paba ako kung alam ko?" asik ko at napasimangot siya.



"Taray ng atay mo ah!" Aniya at uminom ng tubig "Ganito yan! Kalat sa mga teachers ang pangalan mo, kesyo daw kasi matalino ka pero syempre hindi mawawala yung unang issue mo na lampa girl ka si Martinez ang nagpasikat sayo non eh."


"Ahh."tugon ko





"Anong ahh? Ahh lang? Oh ah oh ah?" reklamo niya habang kumakain.




"Hindi ka talaga nawawalan ng topic Lacsamana?" tamad kong sabi.




"Speaking of topic! Meron pa!" asik niyang muli.




Tinignan ko lang siya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya at agad namang nagsalita siya.





"Alam rin ng boung campus na magka-away kayo ni Jeau my babe! At kasali karin sa top 3 ng E.E."lakas na sabi niya. Mabuti nalang at kami lang dalawa ang nakakarinig at hindi ang nasa likuran niya.




Ngayon alam ko na may gusto nga siya kay Martinez.




"Nasa likuran mo ang grupo ni Martinez if ever na nagpapansin ka." Sabi ko nalang at agad siyang humarap doon sakto naman sa pagtayo ng kasama ni Martinez siya napatingin na nasa likuran niya lang.




"Ay sorry po."aniya na natatawa at hindi alintana ang lalaki sa pagsilip niya kay Martinez na kumakain.





Hindi ko nalang siya pinansin at tinapos na ang natitirang pagkain ko.





Nang matapos na kami sa canteen ay naisipan kong pumunta na bookstore doon katabi lang ng binalhan ko ng mountain dew dati.



"Ballpen dalawang HBW, Yellow pad isa, highlight na skyblue dalawa." sabi ko sa nagtataray na cashier, at nilapag ko ang ID ko.




Mabigat ang mga kamay ng dinampot niya ito saka nagtungo sa computer mga ilang sandali pa ay bumalik siya sakin na mabigat ang mukha.




"Kulang ang pera sa ID mo." aniya na nagtataray pa.



"Magkano ang meron?"





"80.00 pesos. At 156 pesos dapat ang babayaran mo." bulalas pa niya.




Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Malaki-laking halaga ang pinaload ko sa ID ko at magdadalawang linggo palang ako sa Laurente.





Nang maramdaman niya na hindi talaga ako kumbinsado sa sinabi niya ay ipinaharap niya sakin ang computer niya.






Nang matignan ko ay nakita ko doon ang ginastos ko at nakita ko rin ang gastos ngayong araw na naghahalaga ng 10,978.00. Lihim akong napalunok sa naorder na pagkain ni Lacsamana.




Inayos ko ang sarili ko saka nagsalita ang cashier.




"Nasaan naba ang wallet mong matibay? At naubos na agad ang pera mo." aniya na nagtataray.




"Diba sabi ko sayo huwag ka nalang mangialam sa buhay ng iba at magtrabaho ka nalang." kalmadong sabi ko at mas nagtaray pa siya.





"Eh kung makapag utos ka akala mo naman maraming load yang ID mo! Dapat tumitingin ka muna sa laman bago pumunta dito. Nakakadisturbo ka." aniya.




Nakatingin lang ako sa kanya na sumobra ang taray niya.




Malakas kong nilapag at pinaharap sa kanya ang computer. At ibinalik ang masamang titig niya.





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now