Chapter 147:

884 53 10
                                    

Thrale's POV

Nagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.

Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.

Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na naman ang aking tiyan. Mukhang kailangan kong kumain. Patayo na sana nang may yumakap sa akin, ramdam ko ang kaniyang kamay sa aking tiyan. Siniksik niya ang mukha niya sa likuran ko.

"Ngayon ka lang?" Namamaos ang kaniyang boses. Kahit hindi ko tingnan, nakanguso siya. "Kanina pa kita hinihintay. Pasensya na, nakatulog ako." Mas lalo niyang hinigpitana ng pagkakayakap sa akin. "Dito ka na lang matulog. Huwag ka nang lumipat. Nakangugulila ang paghihintay sa 'yo buong araw."

Mahina akong natawa. Hindi ko siya hinarap dahil sa oras na 'to, masarap siyang halikan. "Alam mo ba? Nakita ko si Anissa na hinihintay ako sa police station. Hinatid ko siya sa kanila." Lumuwag ang kaniyang yakap. "Inamin niyang mahal niya ako. What can her confession do if you're the one I love?"

"Wala siyang ginawa? Wala kang ginawa? Wala kayong ginawa?" Sunod-sunod niyang tanong. Humina ang kaniyang boses.

"Wala. Sa tingin mo ba gagawa pa ako ng ikakasakit mo? Iniiwasan ko 'yon." Humarap ako ng higa sa kaniya. Bumungad sa akin ang mukha niyang kalmado. "Kahit sino pang babae ang iharap mo sa akin, ikaw pa rin ang pipiliin ko."

May sumilay na ngiti sa kaniyang labi. "Ang corny mo." Natawa kaming dalawa roon. "Tayo, kakain ka. Kanina ko pa naririnig iyang tiyan mo. Wala ka talagang balak kumain kapag hindi ako nagising 'no?"

Umupo ako sa kama. "Sasabayan mo ako?"

"Oo kaya halika na."

Lumabas na kaming dalawa ng kwarto. Ako ang unang naglakad, nakasunod siya sa akin.

"Dahan-dahan, madulas ka. Walang ilaw."

Tumango siya sa sinabi ko. Tinungo ko ang pintuan para lumiwanag. Hinintay ko na lang siyang makababa bago pumunta sa kusina. Siya ang unang umupo sa upuan. Ako ay naghanap sa refrigerator.

"Anong gusto mong kainin, mahal?" Hinarap ko siya. Umiinom ito ng tubig.

"I want ramen po."

Kusa akong napangiti sa kaniyang naging sagot. Ako ang lalaking una niyang minahal, hindi ko alam na ganiyan pala siya kumilos kapag sa... may label ba kami? Wala nga pala.

Pinagluto ko na siya ng kaniyang kakainin. Nang matapos, inamoy niya muna ang usok nito bago kumain. Kumain na rin ako ng aking niluto. May kanin ang sa akin. Tahimik ang namalagi hanggang magsalita siya.

"How's your work pala? Nakatulog ka sa tabi ko. Nakapapagod ba?"

"Hindi na ako pagod, nasa harap na kita e. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Siguro kapag kasama kita sa trabaho, baka lahat ng case akuin ko na."

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now