Chapter 103:

763 59 15
                                    

Thrale’s POV

Nang maino kong tumigil na sa pag-iyak si Thrizel ay nilapitan ko siya. Inaantok ito na lasing. Binuhat ko siya sa paraang shoulder carry. Wala siyang naging reklamo, para itong patay dahil nakalaylay ang kaniyang mga braso sa aking likuran. Pasalampak ko siyang hininga sa backseat. Napailing-iling at saka sinarado ang pinto.

Humarap ako kay Link na hindi pa rin nakakaalis sa kaniyang kinatatayuan. Mukhang hindi niya alam na may hinanakit ang kapatid ko sa kaniya. Alam ko naman na ang dahilan ni Link kung bakit siya umalis. Nasabi niya na sa aking kailangan ng magbabantay sa aking nanay dahil uuwing Pilipinas si dad. Nakausap ko na rin ang aking mga magulang tungkol doon. Si Thrizel nalang ang hindi pa.

Pumasok na ako sa kotse. Hindi ko muna binuksan ang makina dahil hinihintay kong pumasok si Link. Halata namang malalim ang kaniyang iniisip. Nilinga ko ang front mirror para makita ang kalagayan ni Thrizel. Nakapikit pero alam kong gising.

“We talked about Kein, bakit ka umalis?” Nagsasabi ng totoo ang lasing kaya tinanong ko sa kaniya ‘yon. Kahit ako naguguluhan kung anong dahilan niya sa pag-akto ng gano’n.

“T-Thrale...” Nahihirapan siyang magsalita. Paos na ang kaniyang boses. Kakaiyak niya iyan kanina. “I-I can’t stop my feelings for...” Hinihintay ko ang kaniyang sasabihin pero bigla itong sumuka sa likod ng aking kotse. Potek, paglilinisin niya pa ako.

“Sa susunod huwag ka na ngang uminom, lasinggera.”

Binusihan ko si Link para pumasok na. Napaigtad naman ito. Napansin niya sigurong siya nalang ang nasa labas. Pumasok siya ng aking kotse, walang emosyon ang mukha. Tumuwid ang tingin kay Thrizel para tingnan kung maayos na ba ‘to.

Hindi na ako nagsalita. Pinaandar ko ang aking kotse. Tahimik lang kaming dalawa ni Link. Ang babaeng nasa likod naman ay walang naging salita. Dapat sa compartment ko nalang siya siniksik e.

“Thrale.” Napatingin ako kay Link pero agad din namang binalik ang tingin sa daan. “Paano natin malalaman kung may balat ba sa tagiliran si Arella?” Halos pabulong niyang pagtatanong. Hinihinaan niya pa ang kaniyang boses. Tulog naman na si Thrizel.

“Pinag-iisipan ko pa. Hindi naman sa nanghihinala, gusto ko lang din makumpirma.”

“Paano kung wala siyang balat doon? Iyon ang sabi sa akin ni Tita Threa, may balat si Arella sa tagiliran. Kung wala siya, anong gagawin mo sa pinsan mong ‘yon?”

Hindi ko pa alam. Kapag nangyari ang pinapangunahan ni Link, mananahimik nalang muna ako. Ako mismo ang hahanap sa pamilya ni Arella. Kung siya man ang pinsan ko, matutuwa ako dahil mapapatunayan ko sa aking mga magulang na buhay ang aking pinsan.

Thrizel’s POV

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang pumasok sa isip ko si Thrale. Siya ang huli kong nakita kagabi kaya inaalala ko ang pangyayari. Nasa pag-iisip ako nang mapansin ko ang kwartong tinulugan ko ngayon. Napatingin ako sa kama dahil sigurado akong kwarto ko ‘to. Hindi na ako magtatanong. Alam kong si Thrale ang nagdala sa akin dito.

Tumunog ang aking selpon. Hindi ko tiningnan ang tumatawag, sinagot agad. “Yes, bakit?” Tumayo ako sa kama at pumunta sa balkonahe. Mula rito, kitang-kita ko ang halamanan ni mom. Namiss ko ‘to.

“Kumusta ka, hija? Ang tagal na kitang hindi nakakausap.”

Napatingin ako sa screen ng aking selpon. Si Manang Perry nga ang tumawag. “Manang, ikaw pala ‘yan. Kumusta po kayo? Ang pamangkin niyo?” Hindi ko inaalis ang tingin ko sa halamanan ni mom. Doon pa rin ang atensyon hanggang sa may maalala.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora