Chapter 106:

679 54 5
                                    

Thrale’s POV

“Kuya! Kuya!”

Napalinga ako sa batang babaeng naghuhukay ng buhangin sa tabi ng dagat. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglangoy kahit alam kong masakit sa mga mata ang tubig dagat. Kanina ko pa gustong umahon dito ngunit sigurado akong kapag tumapak ako sa buhangin, hahatakin ako ng  batang babaeng ‘yon.

Napatingin ako sa langit dahil palubog na ang araw. Napatingin din ako sa tubig dahil malalim na ang dagat. Masyado ng hapon kaya high tide pero ito kami ngayon, nandidito pa rin. Mukhang wala kaming balak umalis sa dagat. Bukod sa mahangin at malamig, kaming dalawa lang kaya natutuwa ako dahil masyadong tahimik. Masarap naman sa pandinig ang paghampas ng alon.

“Kuya, bilis. May alimasag ditooooo!” Muling sigaw niya.

Wala akong nagawa kun’di umahon. Nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang hangin ng malakas. Hindi ko iyon ininda para makarating lang sa p’wedto ng babaeng ‘to. Sa aming dalawa, ako lang ang basa. Ako ang nasabik sa tubig.

“Anong alimasag ba ang tinutukoy mo?” Pakikiososyo ko dahil gusto ko ring tingnan ang kaniyang tinutukoy. Gusto ko ring makahawak no’n.

“Joke lang.” Tawa-tawa siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan.

Napasimangot ako dahil doon. Takot namang masipit ang kaniyang kamay, bakit siya hahawak? Sa pagiging chismoso ko, hindi ko man lang naisip iyon. Pumunta siya sa tubig at nagwisik-wisik. Nang humampas ang alon, bigla siyang natumba dahilan para mapatawa ako.

“Karma mo ‘yan! HAHAHAHAHAHAHA!” Halos mapahawak ako sa aking tiyan kakatawa. Nakabusangot kasi ang kaniyang mukha.

“I hate you, Thrale!” Aniya na hinahayang tuluyang mabasa ang kaniyang sarili.

Tumigil ako sa pagtawa at nilapitan siya. Hinawakan ko siya sa kamay para itayo ngunit ganoon nalang akong mapatingin sa tubig ng dagat nang may kulay itim sa kaniyang likuran. Hindi agad ako nakakilos, titig na titig ako dahil para siyang may hinihintay.

“Tara na!”

Hahatakin ko na sana ang kaniyang kamay paalis doon nang humawak din sa kaniya ang kulay itim. Hindi ko mawari kung itim na hangin ba ito o tao. Todo-todo ang hatak ko ngunit hindi ko man lang siya maalis sa kaniyang kinatatayuan.

“Kuyaaaa!” Umiiyak na kaniyang sigaw. Muli ko sana siyang hahatakin nang bigla siyang lamunin nito para hindi ko makita. Rinig ko pa ang huli niyang sigaw. “Kuya, hanapin mo akoooo!”

“THRIZEL!”

Napabalikwas ako ng bangon matapos ang panaginip na ‘yon. Ang panaginip na iyon ay may katulad. Ganoon din ang panaginip ko dati kay Thrizel. Naiba ang pangyayari ngunit ang dulo ay walang pinagbago. Kung anong huli niyang sinabi sa akin no’n, iyon pa rin hanggang ngayon. Anong ibig sabihin?

“Hon, Thrale, nananaginip ka?”

Napatingin ako kay Anissa na nasa aking harapan. Nilibot ko ang aking paningin, nakatulog pala ako rito sa sofa bed. Pinunasan ni Anissa ang aking mukha at likod dahil pawis na pawis iyon.

“Ayos ka lang ba?” Muli niyang tanong dahil nag-aalala.

“Yes.” Ngumiti ako rito ng pilit. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nangunot ang noo ko. “Nakabihis ka. Saan ka pupunta?”

“Makikipagkita lang ako kila Aevie dahil gusto niyang makita ako. Ang sabi ko ako nalang ang pupunta.” Inabutan niya ako ng tubig. Mabilis kong ininom ito.

“Ang tahimik ng bahay, bakit wala si Link?” Wala rin akong makitang Arella. Nasaan ang mga kasama namin?

“May pinuntahan si Link, hindi ko lang alam kung saan siya, Thrale.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now