Chapter 122:

635 46 9
                                    

Thrizel’s POV

Kaming pito ay nakatayo para harapin si Mr. X. Hindi kasi siya nagtuloy-tuloy sa paglalakad, halata namang hinintuan niya kami para kausapin. Kung wala siyang pakialam, dire-diretso lang ito. At nakuha niya pang humarap sa amin ng walang maskara, ah? Saan siya kumuha ng kapal ng mukha? Dapat nagtatago na siya dahil sa ginawa niya. Ang lakas ng loob ng lalaking ‘to.

“Anong ginagawa mo rito, Mr. X?” Pagharap ni Thrale. Siya ang unang nagsalita dahil kilala niya ‘to. “Himala, wala kang suot na maskara. Nakakapanibago tuloy. Pakiramdam ko, bago kang tao sa akin.”

Matapos ang pangyayari sa akin, ano bang ginawa ni Thrale sa lalaking ito? Ang huli kong tanda ay pinatulog nila. Hays, bakit ba kasi iisang grupo sila ni Thrale? Hindi sila p’wede mag-away. Iyon ang pagkakaalam ko. Bawal kalabanin ang sariling kapartido.

“Wala ka na roon, Thrale.” Inismiran niya ang aking kuya. Napalingon siya sa akin. “Hi, my lovely lady, you look beautiful.” Naigtad ako dahil sa tinawag niya sa akin. Naalala ko iyong mensaheng pinadala niya dati.

“Ang angas mo naman po.” Mula sa likuran ko, nagsalita si Silas. “Unique po ang mukha niyo. Saan niyo po nabili?” Nangunot ang noo ni Mr. X. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

“Hoy, bata!” Suyaw ni Elkhurt dito para mapatakip ng bibig si Silas. Kaya niya siguro sinuway dahil napansin niya ang pagkunot-noo ni Mr. X.

“Napakaganda mo talaga.” Dagdag pa ni Mr. X habang titig na titig sa akin. Napalapit ako kay Thrizel nang tingnan ako nito mula paa hanggang ulo. “May magandang mukha, maiyag, mayroong mapuputing binti at malaking hin—”

Napaatras ako nang bigla siyang suntukin ni Thrale sa mukha rason para mapaupo siya. “Kung babastusin mo lang ang kapatid ko, umalis ka na!” Namumula na ang mukha ni Thrale sa galit kaya hinawakan na siya ni Gio sa braso dahil kahit anong oras, tila itong makapapatay. “I don’t care who you are! If you have no respect for my sister, so do I! Leave! I don't want to see your face! Walang hiyang lalaki!”

Napangisi si Mr. X habang sapo-sapo ang kaniyang pisngi. Namanhid sa pagsapak ni Thrale. “I’m Callum, childhood friend mo, Arella. Hindi mo pa rin ba ako naaalala?” Hindi ako sumagot kaya tumayo siya. “Look at my face, ikaw ang may kagagawan nito. Lagi tayong naglalaro sa likod ng bahay nila Link!”

Napapikit ako ng mga mata dahil biglang sumakit ang aking ulo. Para iyong kumirot ngunit sandali lang. Iyong pumunta ba akong ilog? Totoo ba iyong ala-ala o nagawang senaryo ng isip ko? Gusto kong alalahanin subalit tila sasakit ang aking ulo kapag ginawa ko ‘yon.

“Hindi kita kilala.” Ilang beses ko pa bang sasabihin ang tatlong salita na ‘yan sa kaniya para tumigil siya?

“Alalahanin mo ako, Arella! Kilalang-kilala ko, alam na alam ko kung sino ka! Buong pagkatao mo!” Humarang na si Thrale sa aming pagitan pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw. “Ang mga magulang mo ay sina—”

“Iisa lang ang mga magulang ko. Pakiusap, tama na...”

Natigilan siya sa naging reaksyon ko. Todo pagsusumamo akong tumigil siya. Ayokong marinig kung anong sasabihin niya. Kung ako man si Arella, wala akong balak ungkatin ang nakaraan. Kuntento ako sa buhay ko ngayon. Hindi na kailangan niyon. Wala na dapat alamin.

Napahinga nang malalim si Mr. X. Napapikit siya animong sumusuko na. “Balang araw, lalapit ka rin sa akin.” May katulad ang linya niya, walang iba kun’di ang kay Brooks. “Aalamin mo kung sino ka talaga. Lalapit ka sa akin para malaman ang totoo. Sisiguraduhin kong hahanapin mo ako, Arella.” Napatalikod na siya. “Wala na akong masamang intensyon sa ‘yo. Akala ko ay naaalala mo ako kaya kita nilapitan pero hindi pala. Wala na akong pakay, asahan mong hindi na ako magpaparamdam.” Akala ko ay tapos na ito pero may pahabol pa. “You don’t want to talk about the past? Whether Arella or Thrizel, may nasasaktan ka. Waiting for you to remember the past.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now