Chapter 102:

719 63 10
                                    

Brooks POV

Nandito kaming lahat sa sala. Tahimik lang, walang nagbibitaw kahit isang salita sa amin. Napabuntong hininga ako dahil iniisip ang dahilan ng babaeng ‘yon kung bakit umalis. Kung aalis man siya, sigurado akong magpapaalam siya sa akin. E, ano ‘tong ngayon? Dinaanan lang kami kanina. Sinaltik na naman ba ‘yon? Malamang si Thrale ang kasama sa iisang mesa.

Tinawagan ko na siya ng maraming beses ngunit hindi sinasagot. Kung silang dalawa ni Thrale ang may problema, bakit ako no’n dinadamay? Hays, kapag talaga sinaltik siya, damay ang lahat. Babae nga naman.

“She won’t leave us if you didn’t do anything. What happened to you and her again? When we sat in the chair. We’re fine, aren’t you?” Ang mga tingin ko ay inuusisa ang kilos ni Thrale. Nabibisto naman minsan si Thrale sa kaniyang kilos pero ngayon ay walang bago. Kalmado lang siya na hindi nangangamba.

“Hon, nag-away na naman ba kayo?” Mahinhing pakikipag-usap ng kaniyang nobya sa kaniya. Malamang ay nag-away na naman sila. Para silang aso’t pusa e.

Determinadong sumagot si Thrale. Nakatingin sa amin. “Hindi.”

Nangunot ang aking noo. Kung hindi, anong dahilan ng babaeng ‘yon? Pansin kong may gusto pang sabihin si Thrale kaya hindi muna ako nagsalita.

“Nasa railings kaming dalawa, tinatanaw ang dagat. Wala kaming pinag-awayan.” Nakakunot ang kaniyang noo. Inaalala ang nangyari kanina. “May kinuwento ako sa kaniya, pinag-usapan naming dalawa. Natahimik kami no’n.  Pagkatapos ay bigla siyang umalis. Iyon, hindi ko alam dahilan.”

“Ano bang pinag-usapan niyo?” Sabat ng kanilang pinsan, which is Link. Ang kaninang mukha niyang kalmado, ngayon ay seryoso. Iba pala talaga ‘to kapag si Thrizel ang problema.

“Privacy.” Maikling pagsagot ni Thrale. “Sa amin na  ‘yon then I told her na babawi ako sa kaniya kaya bakit pa ako makikipag-away sa aking kapatid? Hindi niyo na kailangang malaman kung anong napag-usapan namin. Kung nasasabik kayo, you can ask her.” Umupo si Thrale sa sofa. Blanko ang mukha nito, walang emosyon.

“Mukhang ayos naman si Thrizel.” Napatingin kami kay Blue na kumakain ng maramig fried chicken.

Sabay-sabay kaming nagtanong. “Saan mo nakuha iyan?”

Puno ang bibig nitong nagsalita. “Pinakuha ko sa waiter bago tayo umalis, hehe.”

Napailing-iling ako. Iyong manok niya ngang dala noong nakaraangal araw ay nasa likuran pa ng aming hideout. Panay ang tilaok. Ayoko pa naman ng maingay. Hindi ko alam sa lalaking ‘to kung aalagaan niya ba o kakainin.

“May napansin ako.” Kay Gio naman kami napaharap. Kumakain siya ng mansanas. “Full name ang sinusulat sa list, hindi ba?” Tumingin siya sa amin dahilan para tumango kami. “Thrale Keiter Wrent, Thrizel Wrent, same room number. Kung ako ang magiging staff ng blind date event, mahahalata kong magkapatid kayo kaya hindi ko kayo i-pagpapartner. Hindi rin kayo p’wedeng pagkamalang mag-asawa dahil walang sumali, I asked one staff earlier. Si Kein lang ang p’wedeng magrequest. Nakakatanga lang ang pagtatambal nila. Bakit si Thrale at Thrizel?” Huminga nang malalim si Gio. Hindi na ako nagulat nang tumingin siya sa akin. Sabi na may isang makakahalata no’n. “Pinagpartner mo ba talaga ang dalawa?” Mga kaibigan ko nga naman.

“Yes.” Tuwiran kong pag-amin. “Dahil gusto kong magkaayos ang dalawa. Spend more time together.” Sinipat ko si Thrale na nakaupo kung magagalit ba sa nalaman pero hindi. Nananatili siyang nakaupo, parang walang pakialam.

Natahimik kaming lahat. Tumayo ako para tanggalin ang relos sa aking pulsuhan. Humarap ako sa salamin. Gano’n lang pala matatapos ang event na dinaluhan namin. Narinig kong nagsalita si Ryke kaya sa kaniya ko tinuon ang aking pandinig.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now