Chapter 108:

665 64 7
                                    

Thrizel’s POV

Maagang umalis si Chef Sanchez sa aking apartment kaya ang nandidito nalang ay si Blue. Sinabihan ko siyang huwag magpapapasok ng kung sino-sino dahil siya ang maiiwan. Hindi ko napansin kagabi na may dala siyang bag, ang laman no’n ay puro damit niya. Mukhang sa akin siya makikitira. Ayaw niya raw muna kay Brooks dahil hindi siya pinapansin nito. Kapag daw kasi ganoon iyon, nagpapakalayo siya.

Naglakad na ako pababa ng hagdan. Tinanaw ko muna ang balkonahe ng aking apartment pero hindi dumiretso ang tingin ko roon, sa kabila. Balkonahe ito ng pintong katapat ko. Nakakapagtaka kasi dahil nakahawi ang kaniyang kurtina. Lagi kasi iyong nakasarado kaya napatingin ako. Alam kong lalaki ang umuupa riyan dahil napapansin ko siya minsan. Hindi ko nga lang kita ang kabuoan ng kaniyang mukha.

Ililihis ko na sana ang aking paningin doon nang may makita akong matang nakatingin sa akin. Ang mata niya ay napapagiliran ng mga sinampay. Hindi ko nakita ang kabuoan ng mukha. Dahil sa kaba, hinayaan ko na ‘yon. Masyado palang wirdo ang nakaupa roon.

Nakarating na akong resto. Agad akong nagsuot ng apron dahil palit muna kami ng posisyon ni Urie hangga’t hindi umaayos ang kaniyang gawa. Napatingin ako kay Chef Sanchez na nagluluto. Siya lagi ang unang dumadating sa amin. Mabuti naman ay hindi siya nahuli.

Naghihiwa na naman ako ng gulay na walang kinakausap. Ito naman lagi ang nangyayari sa akin sa araw-araw. Hindi rin kasi pala kwento si Chef Sanchez sa akin kahit ako ang katulong niya sa pagluluto. Ayos lang naman ‘yon.

Napatigil ako sa paghihiwa nang tumayo ang aming manager sa pintuan ng kusina. Nakakunot na naman ang kaniyang noo habang nakataas ang kanang kilay. Pakiramdam ko ay ubod ito ng sungit. Wala rin siyang kinakausap sa amin maliban kay Chef.

“Ms. Wrent, may naghahanap na naman sa ‘yong isang costumer. Kapag nalapitan mo, hindi ikaw ang pagkain dito para may maghanap sa ‘yo. Oras ng trabaho, mga disturbo.” Inirapan niya pa ako saka na umalis. Ganoon talaga siguro iyon.

Naghugas na ako ng kamay at nagpunas. Napabuntong hininga ako saka nilapitan ang naghahanap sa akin. Nagulat ako nang makita kong si Phryx ito. Paano niya nalamang may dito ako nagtatrabaho? Ang tagal ko na siyang hindi kinakausap.

“What’s your order, sir?” Pormal kong pagtatanong. Nakatayo ako habang hinihintay ang kaniyang sagot dahil nasa iba ang kaniyang paningin.

Bumuntong hininga siya na nasa iba pa rin ang tingin. “Bakit ka nagtatrabaho?” Seriously? Pinalabas niya ako ng kusina para itanong iyan?

“Phryx, nasa oras ako ng trabaho. Kung wala kang mahalagang kailangan, huwag mo naman akong distorbuhin.” Mahina lang ang pagsasalita ko dahil sa kabilang mesa ay may kumakain.

“Pakibigay sa akin ang identification ni Redelyn Gauniria, now.” Seryoso lang ang kaniyang mukha. Maowtoridad ang pag-uutos nito sa akin.

“Nasa trabaho ako, huwag ka naman manggulo.”

Iiwan ko na sana siya roon nang bigla na naman siyang nagsalita. Napatingin ako sa aming manager na masama na ang tingin sa akin. Napapikit ako dahil sa pagtitimpi. God, Phryx.

“Umuwi ka n—”

Hindi natuloy ang aking sasabihin nang may sumigaw na babae. Napatingin ako roon. Nakita ko si Urie at ang isang costumer. Babae ang costumer, sa tingin ko ay eighteen years old ito. Nanlilisik ang kaniyang mga mata kay Urie. Mukhang natapon ni Urie ang dala niyang serving tray na may laman doon sa babae. Palpak na naman siya.

“Please, be careful! You ruined my dress!” Bulyaw nito kay Urie. Puti ang kaniyang damit kaya kitang-kita ang mantsa.

“I’m sorry, ma’am. I’m sorry.” Umupo si Urie para kunin ang mga nalaglag sa sahig.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now