Chapter 136:

744 64 16
                                    

Thrizel’s POV

“Hey, wake up.”

Rinig ko ang boses ni Link sa labas ng kwarto dahilan para dumilat ako. Napikit pa ng sandali dahil sa sinag ng araw. Tumayo ako at nag-unat. Tuluyan ko nang hinawi ang kurtina para lumiwanag sa kwarto. Nilingon ko ang wall clock para tingnan kung anong oras na. Alas-diyès na ng umaga. Mukhang napasarap ako sa aking tulog.

Nakuha ko munang uminom ng tubig bago mapagpasiyahang bumaba. Wala akong taong nakita, mukhang lahat sila ay nasa hapagkainan pero masyadong huli ang gising ko, beripekadong ako nalang mag-isa ang kakain sa lamesa.

Bumukadkad sila sa aking lahat habang kumakain. Hindi ko natatanongin dahil walang duda na ngayong oras lang din sila nagsigising. Napatabingi pa ako ng leeg dahil sumakit ang aking batok. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog para makaramdam ng sakit sa katawan.

“Good morning.” Umupo ako sa bakateng upuan. Naglagay ako ng pagkain sa plato. “Silas, nandirito ka?” Siya ang unang nakita ko nang bumungad sila. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.

“Dito na kasi ako nakatulog kagabi.” Sinusubuan niya ang kaniyang aso na nakapatong sa binti niya. “Masakit nga ang ulo ko dahil sa hang-over. Dito ka rin pala natulog? Nakita kitang kinuha ni Thrale kagabi para umuwi.”

Sumubo muna ako ng pagkain bago siya muling tingnan. “Dito ako natulog kasi kailangan. Iyon ang sabi.” I took the juice next to my plate. I drank it to speak again. “Hindi ka pa ba uuwi sa bahay pagkatapos niyan? Wala kang dalang damit.”

“Sasabay na ako sa ‘yo.” Binaba niya ang aso niya. Naghugas muna siya ng kamay sa lababo bago bumalik sa pagkain. “I don’t know kung saan ang saan pauwi. I really need you. Sasabay na ako sa ‘yo.”

“P’wede ka namang ihatid ni Link, Silas.” Malumanay na tinig ang nilaan ni Tita Line sa bata. Mahahalata ang pagkakaamo at mabait. “Hindi kasi uuwi si Thrizel sa kanila. Stay siya ngayon dito kaya si Link nalang ang maghahatid sa ‘yo.”

“Aww.” Umarko agad ang labi ni Silas para ipakitang nalungkot siya sa nalaman. “Gusto ko kasi kasama ko si Thrizel umuwi.” Sumubo siya ng pagkain. “P’wede po bang dito muna ako? Uuwi nalang ako kapag uuwi na si Thrizel.”

“Sure, may mga extrang damit naman sa guest room for guest.” Tinaas ni Silas ang kaniyang kamay senyales na natutuwa.

Wala akong ibang magawa kina Link. Ang p‘wede lang ay manood o maglaro ng online games pero hindi ko naman hilig ‘yon. Gusto ko sanang tumambay sa hardin nila kaso may hardinerong nag-aasikaso. Wala akong ibang nagawa kun’di ang humikab dahil naiinip.

“Thrizel, dito lang ba talaga tayo? Wala tayong balak lumabas ng bahay? Sobrang tahimik kasi rito.” Kinukulong ni Silas ang kaniyang aso dahil pinapakain ng dog food. Aaminin kong hindi makulit ang kaniyang alaga. Mas lamang dito ang tahimik at masunurin.

“Hindi ko alam kung papayagan tayo pero susubukan ko.” Pinuntahan ko si Tita Line na kausap ang hardinero. “Tita, p’wede po bang lumabas kami ni Silas? Wala po kaming magawa.”

“Osige, dalhin mo ang cellphone mo para matawagan kita.” Alam kong may iba pa siyang dahilan kaya inutos niya iyon. “Huwag magpapahapon, Thrizel.”

“Yes, tita. I will.”

Pinapadala ang selpon ko dahil kayang i-track ni Link ang aking numero. May ginawa rin sila para malaman kung saan ako nagpupunta. Hindi ko naman gagawin ang hindi nila gusto. Kung anong inutos at pinagbawal sa akin, susundin ko.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now