Chapter 125:

656 47 5
                                    

Thrale’s POV

Matapos ang kaunting pagdiriwang na ‘yon, wala namang nagbago. Nandidito na naman kaming lahat sa iisang lamesa, kumakain ng umagahan. Ewan ko ba, maganda naman ang gising ko pero hindi ko magawang ngumiti ngayon. Ang mga tingin at kilos ko ay pangtamad. Halos mapako na nga lang ang baba ko sa aking palad dahil pulos sabong-baba ang aking ginagawa. Laking pasasalamat ko rin na hindi ako nahahalata ng aking mga magulang. Tiyak akong magtatanong sila.

“Napag-usapan pala namin ng daddy mo.” Kahit nagsalita si mom, hindi ko nakuhang lingunin. “Next month is the school year. Your daddy and I decided to go on a family trip.” Hindi ako interesado. “Thrizel, baby. Saan mo naman gustong pumunta?”

Rinig kong napatikhim ang aking kapatid. “Uh, kahit saan, mom. Kasama naman ako.”

“How about beach? Magstay tayo ng onenweek sa resort.”

Napaharap ako kay mom dahil doon. “Kakapunta lang namin diyan sa resort nila Kein, mom.”

“Mommy is right! Tara na’t magbeach!” Tuwang-tuwang sigaw ng bata. Napatigil siya sa pagsasaya nang marinig ang sinabi ko. Naghintay siya ng magiging desisyon.

“Uhm...” Tila nag-iisip pa ang aking nanay. “On Canada.”

Kumontra muli ako. “Ayokong lumuwas ng bansa, mom.” Nilapat ko ang pisngi ko sa lamesa dahil tinatamad talaga ako.

“Mommy Thea is right! Let’s go to Canada! May snow doon!” Nagdiwang na naman.

Hinarap ko si Blue Man. Sinamaan ko siya ng tingin. “Mid-December to Mid-March lang ang snow sa Canada, bata.”

Napanguso siya sa tinuran ko. Binalik nalang ang atensyon sa pagkain. Pakiramdam ko, bunso namin itong si Blue Man dahil kung umasta, anak na anak siya. Wala namang kaso iyon sa akin. Kahit magpababy pa siya sa aking mga magulang. Huwag lang sa akin dahil ako mismo magpapalayas sa kaniya.

“Uhm, tita.” Nagpunas ng bibig ni Link. Nang bumalik siya rito, hindi na gaano madaldal, hindi na tumututok sa online games at hindi na rin nagbibiro. Panay sa laptop. “Naalala ko po. Mom told me we had a hacienda sa Tarlac, namana po iyon sa mga magulang niyo. Bakit po hindi tayo pumunta roon? Gusto ko ring libutin ang lupain natin.” Oh? Bakit hindi ko alam ‘yon? Gusto ko rin tuloy puntahan.

“Yes, hijo. Tutal wala namang gustong puntahan ang aking mga anak, doon nalang. Wala ng angal ang mga iyan.” Natawa sila ni Link. “Gusto ko ring kumustahin iyon. Ang tagal ko nang hindi nakapunta.”

Muling nagsalita si Link. “Saka nga po pala, tita.” Nangunot ang aking noo dahil sumulyap siya sa akin. “Hindi naman sa sinasabi kong mabuburyo tayo kung tayo-tayo lang ang magkakasama. Bakit hindi po natin yayain ang mga kaibigan ni Thrale? Pamilya rin naman po ang turing niyo sa mga ‘yon. Mas masaya kasi kapag marami. Mga madadaldal.”

Nagkatinginan kami ni Thrizel sa sinabi ni Link pero agad na naglihisan. Anong gustong mangyari ni Link? Hindi niya naman masyadong kinakausap ang aking mga kaibigan kaya anong dahilan niya para siya ang magdesisyon na isama ang mga ito? Kainis. Kung ganoon, walang duda na kasama si Kein. Pati sa hacienda, mamatay ako sa selos. Bakit hindi nalang ako ilubog ng buhay? Argh.

“That’s good idea.” Hinarap ni mom ang bata. “Silas, gusto mo bang pumunta roon? Baka hindi ka sanay sa tahimik sa lugar.”

Nilingon ko si Blue Man. Puno ng fried chicken ang kaniyang bibig. “Gustong-gusto ko po. P’wede naman pong isama si Smurf, ‘di ba? Baka po kasi umiyak siya kung maiiwan dito. Sasama po ako kahit saan, kasama naman po si Thrizel.” Napakamot pa siya sa kaniyang batok na may matamis na ngiti. Tumango sa kaniya si mom.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now