Chapter 144:

753 50 15
                                    

Thrizel’s POV

“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.

“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.

“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”

Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”

Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga siya at walang nagawa kun’di ang umiling-iling bago sumagot. “Sa kinwento ni Link, wala naman. Matapos mong sampalin si Callum, tapos na pero dahil sa pagbabanta ni Tito Leo. Titigilan ka na ng lalaking ‘yon.”

“Dapat lang.”

Inubos ko na ang aking pagkain. Matapos ang gabing ‘yon, hindi ko na nakita si Thrale hanggang ngayon. Mukhang may duty na naman siya. Lumabas ng kusina si Silas, ako naman ay nagsepilyo. Nang matapos, nakuha kong lumabas.  Nangunot ang aking noo nang makita kong tinutulungan ni Silas si Ate Anissa sa ginagawa. Kaya pala nandirito si Ate Anissa sa bahay dahil may pinapadisenyong damit si mom. Maganda naman daw kasi mag-isip si ate.

Hinayaan ko na lamang ang dalawa dahil tila may gusto rin naman si Blue sa ex-girlfriend ni Thrale. May oras sila para maglandian. Paano naman ako? Charaught lang.

Tinungo ko ang kwarto. Humarap agad ako sa laptop para aralin ang ibang recipe dahil may kumukuha pa rin sa akin para sa mga event. Nasa pagbabasa ako nang may magpadala ng mensahe sa aking social media account. Nagulat dahil ang mensahe ay galing kay Phryx Recas. Ang tagal naming hindi nag-usap. Kumusta na siya?

From: Phryx Recas
How are you? Kumusta kayo ng kuya mo? Pasensya na dahil ngayon lang kita nakamusta.

Malamang abala na siya sa kaniyang girlfriend na si Redelyn Gauniria? O baka may ibang kinaabalahan kung bakit hindi ako nakamusta? Ayos lang naman sa akin ‘yon tutal wala naman kaming magandang pinagsamahan ni Phryx. Puro pag-uusap lang yata tungkol sa nawawala niyang girlfriend. Naalala ko pa ‘yong high school level kami, puro pananakit ang ginawa sa akin.

To: Phryx Recas
I’m okay. By the way, kumusta na kayo ng girlfriend mo? O baka naman asawa mo na?

Mabilis siyang tumugon.

From: Phryx Recas
I’m not her boyfriend anymore. Gusto mo bang makipagkita sa akin para mapag-usapan? I’m free anytime.

Dahil sa pagiging mausisa ko, sumang-ayon ako sa kaniyang gusto. Papatayin na sana ang laptop nang makakuha kay mom ng mensahe. Wala siya rito sa bahay dahil may inaasikaso. Ang sinabi niya lang naman ay may family dinner kami mamaya sa isang resto. Hindi ko alam kung kami lang ba, siguro marami. Kasama ang ibang kamag-anak naming hindi ko kilala. Nag-ayos na ako ng aking sarili. Ganoon pa rin ang ginagawa nina Blue at Ate Anissa nang makababa ako.

“Blue, may kikitain lang ako. Don’t worry, mabait ‘tong tao. Kalma, okay?” Hindi naman ‘to sasama lalo na’t si Ate Anissa lang ang maiiwan sa bahay.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now