Chapter 99:

726 65 17
                                    

Thrizel’s POV

Tahimik akong nakaupo sa malaking bato, nakahiwalay sa aking mga kasama. Kakatapos lang ng aming laro, humiwalay agad ako sa kanila. Umiinom lang ako ng beer habang dinadama ang malamig sa hangin. Gusto ko sanang magpainit sa bonfire ngunit naiilang ako sa pagtitig ni Thrale. Simula nang makita niya ulit ako, ganiyan na siya.

Tumunog ang aking telepeno kaya kinuha ko ‘to sa bulsa. Bahagya pang nangunot ang aking noo dahil si Dominic ang tumawag. Ngayon nalang muli siya tumawag sa akin. Hindi ko mawari kung may dapat  pa ba siyang alamin sa akin. Hindi niya naman na ako binabantayan, paraa saan pa ang pagtawag niya ngayon?

“Bakit?” Kaswal kong pagtatanong.

“Nagtetext sa ‘yo si Mr. X, hindi ba?” Kay Mr. X naman siya ngayon interesado.

“Yes.”

“Anong mga text niya?”

Agad kong sinabi ang kaniyang hinihingi. “Noong nakaraang araw, nagbigay ng bulaklak. Sa birthday ni Aevie, maayos naman, pinag-iingat ako. Pagkatapos n’on, siya raw ang panganib ko. Anong mayroon?”

“Nakakapagtaka lang, hindi ko alam kung may sakit ba ‘yang bipolar disorder. May hinala ako kung sino siya pero base sa nalaman ko sa ‘yo, tumataliwas.”

“Bakit?”

“Ang gulo ng mga clue niya. Baka ayaw niyang magpahuli.” Rinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. “Kapag tungkol kay Mr. X, sabihin mo sa akin bawatl minemensahe sa ‘yo. Mukhang magkakamali ako.”

“Sure.”

Pinatay ko na ang tawag, muli na namang tumahimik sa aking p’westo. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, nakita kong nakatayo si ate Anissa malapit sa tubig. Huminga ako nang malalim bago maglakad para puntahan siya.

“Ako naman ang magtatanong, are you okay?” Panimula ko. Pum’westo ako sa kaniyang gilid. Pansin ko pang napatingin siya sa akin.

“Bakit nandidito ka, Thrizel? Pagpapahangin lang naman ako.” Sabay lihis ng tingin. Malayo ang kaniyang tinginan halatang malalim ang iniisip.

“Mukhang tungkol kay Thrale ang iniisip mo.” Napabuntong hininga siya sa aking sinabi.

“May pagbabago si Thrale, ibang-iba siya dati kumpara ngayon. Hindi ko na maintindihan ang kaniyang kinikilos, tinatanong ko siya kung anong problema, lagi naman siyang umiiling sa akin. Kahit kaming dalawa lang ang magkasama sa kwarto, malalim pa rin ang kaniyang iniisip.” Pakiramdam ko, sa bawat sinasabi niya ay nasasaktan siya. Nagpatuloy siya. “Naalala ko—” Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang biglang naging barag ang kaniyang boses. Kumikibot ang labi. “Naalala ko pa kung paano niya ako pagtuonan ng pansin. Alagang-alaga ako. Ang sigla-sigla niya. Araw-araw niyang pinaparamdam sa aking mahal niya ako.”

Kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paano ko siya dadamayan. Dapat ba ay yakapin ko? Hays. Paano ba magpagaan ng loob sa mga ganitong may problema?

“Nagtatampo ako minsan pero alam mo ‘yon? Kapag mahal mo ang tao, mas pipiliin mong intindihin siya. Iniisip ko minsan na kaya kami ganito dahil isa lang na pagsubok sa relasyon.” Nagpunas siya ng kaniyang luha. “Gustong-gusto kong sumbatan si Thrale. Gustong-gusto ko siyang awayin para mailabas ‘tong sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil ayokong dumagdag sa kaniyang problema. Mas iniisip ko pa siya kaysa sa sarili ko. Ayokong dumating sa punto na lalala pa ang ganito.”

“E, ano nang gagawin mo?”

Nagpunas muli siya ng luha at humarap sa akin. Mugto ang kaniyang mata. Mahinang babae ang nobya ng aking kuya. “Wala. Kung ano ang ginagawa ko sa kaniya dati, gano’n pa rin. Hindi ko kailangang magbago sa kadahilanang nagbago siya. I will stay no matter what happens. I will love him more even if he treats me differently.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz