Chapter 114:

632 45 9
                                    

Thrizel's POV

“Here’s your order, ma’am.”

Nakasimangot akong humarap kila Aevie, Faru, Isla at Nafe nang ihatid ko sa kanila ang pagkain. Ewan ko sa apat na ‘to kung anong naisip para puntahan ako sa trabaho. Siguro sinabi ni Brooks sa kanila kung saan ako nagtatrabaho. Kailan ba walang didistorbo sa akin? Kailan ba ako hindi magkakaroon ng costumer na kilala? Nasa kusina ako, kitchen helper pero dahil sa kanila naging crew na naman. Hays.

“Let’s join us, Thrizel.” Maarteng pagyayaya sa akin ni Faru habang hinihiwa ang karneng nasa kaniyang plato. “Aw, ang talim naman nito.” Maarte na may pagkatanga.

“Nasa oras ako ng trabaho.” Pormal akong nakatayo sa kanilang harapan. Hindi ko makaalis dahil sa kalokohan nila.

“Namiss kita, Thrizel. Ilang linggo ka kayang wala sa hideout ni Brooks kaya kami na mismo ang pumunta sa ‘yo.” Nginitian pa ako ni Aevie ng matamis pero kahit ganoon, hindi ako bumigay.

“May utang na loob ka sa amin, weakshit.” Malamig pa rin ang emosyon kong nilalaan sa kanila kahit nang-iinsulto itong si Nafe. “Kung anong sasabihin namin, sundin mo nalang. Now, sit, you can join here. Ngayon nalang tayo makukumpleto, umaarte ka pa?”

“Nafe is right, you can join here.” Sang-ayon ni Isla habang umiinom ng juice.

Napabuntong hininga ako. Nakatitig silang apat sa akin, hinihintay ang magiging sagot. Tumalikod na ako sa kanila. “Umalis nalang kayo sa resto.” Tinungo ko na ang kusina.

Sabay-sabay silang napabuntong hininga. Kahit anong pagmamakaawa, mga matatamis na salita at pagyayaya sa akin, hindi ako makikisali sa kanila. Kahit nandoroon si Aevie, ayoko pa rin. Matigas na kung matigas. May trabaho pa ako. Hindi ako p’wedeng umupo nalang at makipagkwentuhan.

Nakaramdam akong naiihi kaya tumungo muna akong banyo para sa mga staff. Pinihit ko ang doorknob ngunit nakasarado ito.

“Sumasakit yata ang tiyan ni Urie, kanina pa siya riyan.” Napatingin ako sa aking likuran. Nakita ko ang aming manager.

“Ah, sige.” Tinunton ko ang banyo para sa mga costumers. Doon nalang ako gumamit dahil kanina pa sasabog ang aking pantog. Dami kasing arte ng mga ‘yon.

Papasok na akong kusina nang makita ko na naman ang aming manager na may hawak na servings tray. Tutok na tuktok ang titig niya sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kaniyang gawi. Kung hindi siya kilala ng tao, halatang matatakot na roon.

“Pakiserve muna ito dahil hindi pa lumalabas ng banyo si Urie.”

May iba pa namang crew pero pare-parehas silang abala. Kinuha ko nalang sa kaniya ang tray. Tumango at dinala na sa costumer. Nagtaka ako dahil isa na naman itong lalaking nakasumbrero. May kaparehas siyang katawan. Iyong lalaking kaharap kong pinto sa apartment. Parehas sila ng mga kamay. Iyon kasi ang nakikita ko sa lalaking ‘yon. Bigla akong kinabahan dahil kung anong itsura niya, ganoon din ang itsura ni Mr. X. Sinusundan ba talaga ako ng lalaking ‘yon?

“Order.” Nilapag ko agad ang kaniyang pagkain. Hindi na ako nag-atubiling harapin siya. Nagmadali akong tumalikod pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang kaniyang titig na kapag sinalubong, ikaw na mismo kusang iiwas.

Hindi pa ako nakakabalik sa kusina. Biglang tumunog ang aking selpon, doon ako natigilan sa paglalakad. Sigurado akong nagmensahe na siya. Nilingon ko ang kaniyang pwesto. Walang bawas ang pagkain pero ang may-ari niyon ay wala na. Para mawala ang kaba, binasa ko ang mensahe.

Gusto mong malaman ang tinatagong pangyayari ng limang lalaking nakapaligid sa ‘yo? Makipagkita ka sa akin.

— Mr. X

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now