Chapter 140:

720 52 7
                                    

Thrale's POV

Nandirito ako ngayon sa bintana ng bahay nila Gio. Ilang araw na ang lumipas simula nang mag-usap kami ng aking kapatid. Hindi na nasundan iyon dahil parang iwas na iwas siya sa akin. Ngayon, ang mga mata ko ay nakatingin sa iisang direksyon. Nasa bintana pero ang tingin ay nasa ibaba. Nakatingin sa labas kung saan kakababa lang ni Thrizel sa kotse ni Blue. Oo, magkasama na naman sila ni Blue. Na naman dahil halos araw-araw.

Kakatapos lang ng aking duty, nakapolice uniform pa akong pumunta sa kaarawan ni Gia. Hindi naman ako pupunta kung hindi ako kinulit ng batang 'yon. Hindi raw ako makakapasok sa bahay nila kapag hindi niya ako nakita ngayon. She's 15 years old now pero tila mala-lumang Blue ito kung mag-isip. Masyadong bata. Siya yata ang nagmana ng ganoong ugali ng lalaking 'yon.

"You can't take your eyes off to your sister." Rinig kong sabi ni Gio. Kahit nasa laptop ang kaniyang paningin, alam niya pa rin kung kanina ako nagmamasid. "Are you jealous? Dapat masanay ka na. Kahit dati, laging magkasama ang dalawang 'yan. Ayaw na ayaw ni Blue na mahiwalay sa kapatid mo."

Napahinga nalang ako nang malalim doon. Wala akong balak magsalita. Pinapanood ko lang si Thrizel na kausap ang mga kaibigan ni Gia. Wagas ang ngiting nilalaan niya rito. Mukhang hindi niya nararamdaman ang mga titig ko. Mabuti kung ganoon.

"Mamayang tanghali, I have to go back to school, I still have class."

Tinanggal ko na ang paningin ko sa kapatid ko. Lumapit ako kay Gio na hanggang ngayon ay nakatutok sa laptop. "Panood ng second evidence. Pumuntang presinto ang witness kanina so kanina lang iyan binigay. I haven't watched it yet."

Pinindot niya ang isang video. Madilim agad ang bumungad dahil sa madilim na naman nangyari ang krimen. Pinatay ang isang lalaki. Tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag, sapat na para mapanood. Natapos ang video sa oras na isang minuto at dalawampung segundo. Ngayon, hindi putol ang pagkakakuha.

"Mukhang kailangan mo nang kumilos, Mr. Policeman." Pinatay ni Gio ang kaniyang laptop. "Tinanong mo ba ang witness kung kailan ito naganap? Kung hindi kikilos ang headquarters niyo, madadagdagan ang mga biktima."

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. "Pakiplay nga ulit ng video." Nagtaka siya sa aking utos pero ginawa rin naman. Pinakinggan ko muli hanggang matapos. Tumingin ako kay Gio. "May naririnig akong boses ng bata."

"Oh?" Nanahimik kaming dalawa dahil pinlay muli ni Gio para siyasatin kung tama ba ang aking narinig. "Mayroon nga, sino naman ang batang 'to? Umiiyak e."

"Pakiramdam ko, anak ng biktima. Hindi nakuhaan ng camera." Sumandal ako sa lamesa. Pinagpatong ko ang aking binti para mag-isip. "Kung susundan namin ang mayor, mahihirapan kami." Napapikit ako nang may maalala. "Matagal na yatang naganap ang video na 'yan. Half moon lang kagabi, full moon ang nasa video."

"Oh, anong gagawin mo?" Tumayo na siya sa kaniyang p'westo. Hinubad niya ang suot niyang salamin. "Kumikilos ka na dapat, baka mas lalong dumagdag ang mga pinata-"

"Nahinto ang case tungkol sa mga lalaking pinapatay."

"Kung ganoon, kausapin mo na si Dominic. Makakatulong ang lalaking 'yon sa problema mo."

Lumabas na siya ng kwarto kaya sumunod ako. Ingay agad ang bumungad sa amin dahil maraming bisita si Gia. Dumiretso si Gio sa kusina, ako naman ay umupo sa sofa kung saan puro batang lalaki ang nakaupo. Hinubad ko ang black shoes dahil pinatong ko ang mga paa ko sa lamesa.

"Mamang Pulis, p'wede po bang pakibaba ng paa niyo?" Pipikit na sana ako nang kumalabit ang lalaking payat. Para manahimik 'to, binaba ko nalang ang paa ko.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now