Chapter 117:

713 57 10
                                    

Thrizel’s POV

Nandidito ako ngayon sa bahay. Oo, sa bahay. Pumunta ako para kunin ang isa kong selpon na nasa kwarto dahil iyon na ang aking gagamitin. Kung makukuha na naman ni Mr. X ang numero ko at panay pa rin siya mensahe sa bago, wala na akong pakialam doon dahil hindi ko naman na bubuksan. Sana hindi niya malaman ang ginawa kong ‘to.

Sa ngayon, nakatingin ako kay Thrale. “Hindi ka magkakapasa sa mukha kung wala kang ginawa.”

Ilang araw ko siyang hindi nakita. Nakita ko lang ngayon dahil pumunta ako rito sa bahay. Hindi ko alam kung anong naisip nito para pagtaguan ako. Nakakapagtaka naman kasi, panay na siya buntot sa akin dahil nabuburyo nga raw siya rito sa bahay. Tapos biglang hindi magpaparamdam? Hindi ko naman hinahanap ang kaniyang presensya. Nagtataka lang talaga ako.

“Tsk!” Tinanggal niya ang daliri kong nakalapat sa kaniyang mukha. Bahagya niya pang iniwas iyon. “Wala nga ito. Nauntog lang ako riyan o kaya nahulog sa kama. Iyon lang...”

Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil hindi ako kumbinsido. Nakaupo siya. “Talikod.” Maowtoridad kong utos na hindi niya ginawa. “Talikod nga sabi. Isa.” Wala na siyang nagawa kun’di ang sumunod. Itinaas ko ang damit niya, nakita kong may sugat doon, hindi pa magaling. “Wow, huh. Ganito pala epekto kapag nahulog sa kama. Anong ginawa mo para magkaganito ang likod mo? Nakipag-away ka na naman ba? Thrale, sobrang tagal ko nang makita kitang ganito tapos makikita ko na naman ngayon ulit? Ulit? Saan ka ba...”

Napatigil ako sa mahabang lintaya nang mapansin kong titig na titig sa aking mukha si Thrale. Hindi ko inakala ‘yon kaya nailang ako. Binitawan ko ang kaniyang damit at lumayo ng kaunti. Huminga ako nang malalim para tanggalin ang pagkakailang.

“Wala ‘to.” Kalmado niyang saad. Iniwas na ang tingin. “Wala ka bang pasok? Pansin ko na palagi kang wala sa resto.”

“Isang linggo akong walang duty because of Gio. Well, ayos lang naman sa akin.” Napatigil ako sa pagsasalita dahil may naalala. “Saka nga pala ‘yong katrabaho ko na si Urie, nagsuicide sa restroom ng mga staff. And you know what? Si Mr. X ang nagsolve n’on. Mabilis na nasara.”

“You were there at that time. If Mr. X solved the case, he was probably there too. Did you see him?” Pakikisali ni Link sa usapan na abala sa kaniyang laptop.

“Yes, I saw him.” Hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. “Pero likod lang, I think wala pa nga siya sa legal age e. Kasingtangkad niyo lang ni Thrale. Ang katawan niya ay pangbinata. Nakita ko siyang nakablack t-shirt, nakatalikod. Hindi ko nakita ang mukha. Kung alam ko lang na siya ‘yon, pinuntahan ko na dapat.”

“Ang hirap talaga mahuli ng lalaking ‘yon.” Kita ko pa ang pagdiin ng pagtitipa ni Link sa keyboard.

“I need to go. Kailangan ko pang sunduin si Blue sa hideout ni Brooks.” Kinuha ko na ang aking bag.

“Bakit kailangan mo pang sunduin ang lalaking ‘yon?” Nakabusangot ang mukha ni Thrale.

“Iniwan ko kasi siya roon, kapag isasama ko siya rito. Alam kong magtatalo lang kayo.” Tumalikod na ako. Muli kong tiningnan si Thrale. “Sasama ka ba?”

Nag-isip pa siya. Hindi katagalan agad din namang tumayo para sumunod sa akin. Wala akong naging reaksyon, tuloy lang ako sa paglalakad palabas. Agad din namang may taxi’ng huminto kaya sumakay na kaming dalawa.

Ilang minuto lang ang lumipas. Nakarating na kami sa waiting shed. Pili lang na mga taxi ang pumupuntang dulo dahil karamihan sa kanila ay takot na baka mapagtripan. Pakiramdam ko nga sa bar ni Brooks, hindi nadadagdagan ang tao. Kung sino ang laging pumupunta o kilala, sila lang talaga. Masyadong maraming tauhan si Cide na pakalat-kalat.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now