Chapter 132:

632 44 4
                                    

Thrizel’s POV

DUMATING ang gabi. Kakatapos lang namin kumain. Sa ngayon ay nag-aayos sila ng tent dahil magtatakip silim na. Nagsisindi na rin naman ng bonfire si Gio. Siya ang nag-asikaso niyon. Ako ay nakaupo lang dito sa tent, maayos naman na ang aking binti kaya nakakalakad na ako. Ika-ika nga lang, kailangan pa akong alalayan.

Hinanap ng mga mata ko si Thrale dahil hindi ko makita. Nangunot ang noo ko dahil kulang kami ng dalawang kasama. Sina Thrale at Rya ang nawawala, saan nagpunta ang dalawa? Iisipin ko palang na magkasama sila parang sumisikip na ang dibdib ko. Tatayo sana nang magsalita sa aking tabi si Brooks. Kakapunta niya palang sa akin.

“Saan ka pupunta? Binabantay ka sa akin ni Thrale.” Kinakain niya ang nilutong ulam ni Ryke kanina. Sumandok ito at tinapat sa aking bibig. “Tikman mo, masarap magluto ang lokong ‘yon.”

Sinubo ko ang pagkain. Napatango-tango ako dahil masarap nga iyon. Uminom ako ng tubig at tumayo na. Nagtaka pa si Brooks. Hindi ko siya pinansin, naglakad na ako para hanapin ang kuya ko. Sobrang dilim sa bundok na ‘to, hindi pa buo ang buwan para magbigay liwanag. Kinuha ko ang aking selpon para may ipangflashlight.

“Thrizel, where are you going? Baka ano pang mangyari sa ‘yo.” Naglakad na ako kahit ika-ika. Rinig ko ang yakap ni Brooks sa aking likuran na halatang sumusunod.

“Hanapin ko lang si Thrale.” May nadadanan naman ako kung saang lupa ang walang damo. Halatang ito talaga ang dinadaanan ng mga tao dahil ang mga damo ay nasa gilid nito.

“Si Thrale? Kasama ni Rya. Ewan ko sa dalawang iyon kung saan pupunta.” Inalalayan niya na akong maglakad. Tuloy lang kami sa paghanap.

“Saan ba sila maaring pumunta? Parang kanina lang, tutok na tutok ang tingin sa akin ni Thrale tapos ngayon, iniwan ako.” May namumuong sama ng loob sa aking puso pero lamang doon ang pangamba.

“Pinabantay sa akin.”

Napahinto kaming dalawa dahil may dalawang pigura ng taong nasa ilalim ng malaking puno. Alam kong sila ‘yon kaya nakuha naming magtago ni Brooks sa malaking bato. Mula sa amin ay nakatalikod sila, hindi ko marinig ang kanilang usapan dahil malayo-layo kami ni Brooks.

“Saan ba napulot ni Thrale si Rya?” Tanong ko kay Brooks na nasa aking likuran.  Nagtaka ako dahil hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya, namumutla. “Oh, anong nangyari sa ‘yo?”

“Thrizel...”

Binanggit niya ang pangalan ko pero nasa iba ang kaniyang paningin. Tiningnan ko kung nasaan nakadireksyon ang kaniyang mga mata. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko iyon. Namutla na rin ako at natuyuan ng lalamunan. Pawis na pawis kaming dalawa ni Brooks dito.

“WHITE LADY!” Sabay na sigaw namin. Para makatakbo nang mabilis, pinasan ako ni Brooks sa kaniyang likuran. Tila itong si Flash kung tumakbo dahil agad kaming nakarating sa aming mga kasama.

Habol-hininga niya akong binaba. Kita ng aming dalawang mata ang babaeng nakalutang sa ilalim ng puno. Hindi namin makita ang mukha dahil nakatalukbong ito. Puti lang talaga ang kulay. Imposible namang mga kasama namin ‘yon. Lumulutang pa nga na hindi nababagsak. Hinahangin pa.

“Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo?” Tanong ni Gio na nakakunot ang noo. Nakaupo siya sa gilid ng bonfire, nagpapainit dahil malamig ang simoy ng hangin.

“May multo!” Bulaslas namin pareho ni Brooks. “May multo nga!”

“Ghost doesn’t exist.” Si Ryke. Tumabi rin ng upo kay Gio.

“Takot ka pala sa multo, Kein.” Nagsusuot ng jacket si Xia. “Putlang-putla ka. Mas nakarecover pa si Thrizel sa ‘yo.”

Natigil ang aming pag-uusap nang biglang dumating si Rya. Maayos ang kaniyang mukha, hindi mawala ang ngiti rito. Bakit kaya? Ano kayang ginawa nila ni Thrale? Bakit kasi may multo pa roon? Hindi tuloy namin sila napanood.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now