Chapter 86:

1.2K 71 23
                                    

Thrizel’s POV

“Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo? You already move on, Thrizel.” Nakatingin lamang ako kay Brooks na nagsasalita. Kanina pa nito ako sinesermonan. “Umuwi ka na sa inyo, natulungan naman na kita. Dadami lang ang kaaway mo, hindi ko gusto makaaway si Cide. Hindi dahil sa takot ako, umiiwas lang ako sa gano’n. Intindihin mo naman ang aking sinasabi, may nadadamay.”

“No, I won’t. I don’t want to. Kung kailangan kong layuan si Cide. I wil—”

“Siya mismo ang lumalapit sa ‘yo.” Napahilamos ito ng mukha. Potek, bakit ba kasi lapitin ako ng gulo? Ako ba ang may problema o sila? “You rejected Cide in public. Malamang mapapahiya siya, iyon ang ikinagagalit ng lalaking ‘yon. Alam mo namang sikat—”

“It’s not my fault!” Angal ko agad at biglang napatayo sa upuan. “He asked me in public. For what para magpasikat? Sana bago niya ginawa ‘yon, alam niya ang kakahinatnan. Hindi porque sinasabi ng mga tao na oo ang isasagot ko, mapapa-oo na rin ako. May sarili akong isip, may sariling sagot. Siya ang problema rito. Kung napahiya siya, bakit sa public nagtanong? Kung tinanggap niya nalang ang sagot ko, walang ganito. Hindi porque nakukuha niya lahat ng babaeng gusto niya ay kasama na ako roon. God, Brooks, kilala mo ako. Si Cide ang problema hindi ako. Si Cide ang isip bata kaya siya ang mag-adjust. I-adjust niya ang mindset niya papuntang mature. Argh.” Napairap ako ng mga mata roon. Binagsak ko ang katawan ko sa sofa. “Hinding-hindi ako babalik kay Thrale. I’m okay now? Hindi ‘yan sapat na dahilan para bumalik ako sa bahay. That’s good, right? Ayos na ako, bakit mo pa ako binabalik doon? I have own decision. I know you helped me but respect what I want, please?”

Napahinga nang malalim si Brooks sa aking sinabi. Umalis ito sa aking harapan, binato niya ng libro si Blue dahil nakanganga itong nakikinig sa amin. Timang talaga. Pansin kong pumunta siya sa cabinet. May kinuha siyang boquet of flowers at binigay sa akin.

Kinuha ko ito at inamoy. Agad akong napaharap sa kaniya. “From you?”

Nangunot ang kaniyang noo. “Basahin mo muna kaya ang card bago ka magsalita.”

Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Binuksan ko ang card. Napakunot ang noo ko dahil doon. Humarap ako kay Brooks, tinaasan niya ako ng kilay. Nagtatanong kung ano ang nakasulat. Mukhang hindi niya tiningnan ito.

Nagsalita ako. “Good morning, Thrizel Wrent. Have a nice day from Mr. X.” Nang matapos kong basahin ‘yon. Napatutok sa akin si Brooks gano’n na rin si Blue.

“Who’s Mr. X?” Blue asked. Stared at me. Obviously also wondering who sent this flower.

“Kilala mo ‘yan?” Brooks asked. He took the card and read what was written on it. Next he took was the flower. Tiningnan niya ang loob nito, wala namang kahit anong nakalagay.

“Mr. X? Kilala ‘to ni Dominic.” Sabi ko sa kanila. “Ito ‘yong nakasolve ng case kay Kristina Altejano noong school year.”

Tumayo si Brooks. Halata sa kaniyang nag-iisip siya. “So he helped you?” Tumango ako rito. “E, anong pakay niya ngayon? May atraso ka ba, Thrizel? May gusto ba siya sa ‘yo? Ang tagal na ng pangyayaring ‘yon. Bakit ngayon siya nagpaparamdam?”

“Baka sinisingil niya ako sa paglinis ng aking pangalan dati.” Wala sa sarili kong sabi dahil iyon naman ang pumapasok sa isip ko. Baka nanghihingi siya ng bayad. “What do you think?”

“Siguro nga. Nakita ko lang iyan kaninang umaga bago ka lumabas, sa mismong motor mo. Hindi ko muna binigay sa ‘yo dahil pupunta ako sa bahay. Maghintay ka nalang kung magpapadala pa siya ulit. Baka nga may sinisingil sa ‘yo.” Tamad itong nagpamulsa. “Ang daming lalaking umaaligid sa ‘yo, hindi ka ba nagsasawa? Puro gulo at palaisipan lang naman ang binibigay nila.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now