Chapter 121:

579 52 9
                                    

Thrizel’s POV

“If you ask me, I will stop courting you.”

Nakikipag-usap lang naman sa akin sila Gio at Ryke rito sa bahay nila Gio. Dito nila ako dinala kasama ang aking kuya. Sa ngayon, sa iisang lamesa, kaming tatlo lang ang nag-uusap dahil lumabas muna si Thrale. Ayos lang naman sa aking kausapin nila ako.

Sinagot ko ang sinabi ni Ryke. “Ayos lang.” Ngumiti ako sa kaniya. “Dapat ba ako magpasalamat dahil dalawang beses kang naghintay sa akin? Or should I say sorry because I hurt you?”

Natawa siya ng mahina. “Wala. Kung anong pakikitungo mo sa akin dati, iyon pa rin. We can be friends, Thrizel. Hindi porque niligawan kita, kailangan mo na akong gustohing pabalik. Tanggap ko naman kung anong desisyon mo.”

Napatango-tango ako. “How about Gio?” Nagsalong baba ako dahil nasa harapan ko si Gio. Tahimik lang siyang kumakain ng ice cream.

“Ako?” Puno pa ang kaniyang bibig. “Kung ano ang desisyon ni Ryke, iyon din sa akin.”

Sinamaan siya ng tingin ni Ryke dahil doon. “Nakabase ka ba sa akin?”

Mabilis siyang umiling. “Hindi, parehas lang naman tayo ng sasabihin sa kaniya. Hihinto rin ako. Alam ko naman na si Kein ang mahal niya. May magagawa pa ba ako? Pagpaparaya lang naman.” Bigla siyang napabaling sa akin. “Pero hindi ka mahal ni Kein, you need to distance yourself from him. Huwag ka nang umasa roon, Thrizel. Kapag sinabi ni Kein, totoo ‘yon.”

Napatango-tango nalang ako. Matapos kasi ng pag-uusap namin n’on ni Brooks, hindi na kami nagkita. Sa totoo lang, umaasa pa nga rin akong mamahalin niya ako pabalik. O hindi kaya, mahal niya na talaga ako ayaw lang sabihin. Hays, bakit ba maling lalaki ang minamahal ko?! Potek!

Napatingin kami sa pintuan nang pumasok si Thrale. May dala siyang bola, pinapaikot pa sa kaniyang daliri. May ngiti sa kaniyang labi nang bumaling siya sa amin.

“Hoy! Laro tayo!” Pagyayaya niya sa kaniyang dalawang kaibigan. “May court naman dito, hindi ba? Kahit hindi cover court, ayos lang sa akin. Pakiramdam ko, masarap magpapawis ngayon.” Nilagay niya ang bola sa kaniyang noo. Binabalanse iyon para hindi mahulog.

“Tayong tatlo lang?” Tumayo si Ryke para tanggalin ang kaniyang leather jacket. “Two vs. two kung sasali si Thrizel, kung iyon din ang gusto mong mangyari, Thrale.”

Kinuha ni Thrale ang bola sa noo niya sabay pasa ng bola kay Ryke na nasalo naman nito. “Ang init-init, ibababad ko kapatid ko sa initan? Tungaw ka ba?” Napalingon siya kay Gio. “Hoy, tayo na, gunggong! Kain ka nang kain diyan. Tawagan mo sina Elkhurt at Kein, sabihin mo pumunta rito.”

Para akong nabuhayan ng dugo nang marinig kong pupunta rito si Brooks. Ilang araw ko na siyang hindi nasisilayan, gusto ko siyang makita.

Labag sa loob ni Gio ang tumayo para tawagan ang dalawang kaibigan. Nang makausap niya, humarap siya kay Thrale. “Papunta na raw sila.” Nakabusangot pa ito. “Lima lang tayo? Saan tayo kukuha ng ibang kakampi?”

“Three vs. three nalang.” Hinubad ni Thrale ang kaniyang pantalon. Napaiwas ako ng tingin dahil nakaboxer lang ito. Pansin kong pumunta siya sa kabinet nila Gio at may kinuhang jersey. Wow, huh. Kuha nalang nang kuha.

“Sino naman ang tatawagan ko kung three vs. three?” Si Gio.

“Si Link.” Sabat ni Ryke.

Dahil doon, binato siya ni Thrale ng suot niyang pantalon kanina. “Tungaw, galit nga si Link kay Kein, e. Magdudulot lang ng away kung magkakasama ang dalawa sa iisang grupo. Kapag naman pinaghiwalay, baka away nalang ang atupagin ng dalawa hindi ang laro.” Huminga nang malalim si Thrale. Nag-isip. “Si Blue Man ang tawagan mo, Ryke. Hindi naman sigurado lampa ang kaibigan mo para makalaban sa amin, hindi ba?”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now