Chapter 107:

654 50 7
                                    

Thrale’s POV

“Arella!”

Napahilamos ako ng mukha dahil maggagabi na ay wala pa rin si Anissa. Ilang beses ko na siyang tinawagan, hindi niya pa rin makuhang sagutin. Nag-aalala ako para sa aking nobya dahil ngayon lang siya naging ganito. Hindi napapa-abot ng takip silim ‘yon. Kila Aevie lang naman pumunta. Bakit ang tagal-tagal?

“Yes, Kuya Thrale?” Inosente niyang pagtatanong habang nagguguhit sa kaniyang papel.

“Wala man lang bang text sa ‘yo si Anissa? Anong oras na, hindi pa umuuwi. Paano kung may mangyari sa kaniya? Fuck it!”

“Wala po.”

Napahinga ako nang malalim. Napahilamos na rin ng mukha dahil naiinis na ako. Alam niyang may naghihintay sa kaniya, hindi man lang umuwi ng maaga. Ayaw din sagutin ang mga tawag ko.

“Calm down, Thrale. Baka naman kasi traffic kaya natagalan umuwi si Anissa.” Napaharap ako kay Gio na kalmado lang na nakaupo.

Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko ang aking selpon at lumabas ng bahay. Dito ko siya hinintay. Tinatawagan ko pa rin ang kaniyang numero pero hanggang ngayon, hindi pa rin sinasagot. Nakatingin ako kay Gio na nakakunot ang noo. Nakasandal siya sa aming gate.

“Parang ikaw pa ang mas problemado sa atin, ah.” Muli kong binalik ang tingin sa kalsada. Naghihintay ng taxing dadaan.

“May naisip lang ako.” Muli ko siyang hinarap. Hindi pa rin naalis ang pagkakunot ng kaniyang noo. “Kung si Kein pala ang tumulong kay Thrizel. Baka posibleng mangyari nga ulit ang pangyayari 2 years ago. Hindi natin napigilan na huwag magkakilala ang dalawa, Thrale.” Nangangamba siya ngayon. Alam ko. “Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa kapatid mo. Alam kong ganoon din ang ibang kaibigan natin. Nag-aalala lang ako kay Kein. Paano kun—”

“Hindi mangyayari iyon dahil hindi ako kasali.” Kampante kong pagputol sa kaniyang pagsasalita. “Dapat una palang hindi niyo na hinayaan iyang mga sarili niyong magkagusto sa aking kapatid para wala tayong pinoproblema. Look, Gio, ayokong mangyari iyon na magkakaaway-away ulit kayo.”

Napahinanga siya nang malalim. “Huli na dahil lahat kami, ayaw magpatalo.”

Napatingin ako sa kaniyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagiging desisido rito. Wala na akong magagawa kun’di maghanda sa mangyayari. Hinihiling ko rin na walang gusto si Kein sa aking kapatid dahil kapag mayroon, mauulit talaga ang dati.

Natahimik na kaming dalawa ni Gio. Hinihintay nalang namin na umuwi si Anissa. May kotseng papalapit sa aming gawi. Kahit malayo, alam ko kung kanino iyon, kay Link. Ngayon lang siya umuwi? Saan ba galing ang lalaking ‘to?

Nang ihinto niya ang kaniyang kotse. Agad nangunot ang noo ko dahil lumabas si Anissa mula sa passenger seat. Napatingin ako kay Gio na nakakunot din ang noo.

“Thrale, you’re here.”

Kahit nagsalita si Anissa, hindi ko siya tiningnan. Ang mga tingin ko lamang ay na kay Link na kakababa lang ng kotse. Dire-diretso lang itong pumasok sa loob na parang walang ginawa.

Humarap ako sa aking nobya. “Anong ginawa niyo ni Link?” Magkasalubong ang dalawa kong kilay. Nagtitimpi rin akong mainis.

“Huh? Nakita lang ako ni Link sa daan, wala kasi akong masakyan na taxi kaya sumakay na ako dahil anong oras na.” Mahinahon ang kaniyang pagsasalita.

“Na hindi sinasagot ang tawag ko?”

“Tumawag ka pala? Hindi ko alam.” Nilabas niya ang kaniyang selpon sa bulsa. “Low battery, hon. Sorry kung napag-alala kita. Don’t worry, hindi naman na ito mauulit. Wala lang talaga akong masakyan.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now