Chapter 118:

613 50 11
                                    

Thrizel's POV

“Sino ba kayo?” Inis kong tanong dahil lahat sila ay nakatago ang mga mukha. Sila lang naman ang dumukot sa akin. Hinihintay ko ang kanilang sagot para naman may alam.

“Inutusan kami ni Mr. X. Itikom mo nalang ‘yang bibig mo. Masyadong maputak.” Ani driver kahit na nakatago ang mukha, alam kong seryoso at masama ang ugali. Kakatanong ko lang, maputak agad? Pero sandali, nang malaman kong si Mr. X ang may utos nito. Doon ako kinabahan.

“Pakawalan niya nga ako!” Todo piglas ako ng aking sarili. Kung alam ko lang na si Mr. X ang nag-utos nito. Sana hindi nalang ako nagpa-agos sa pagkuha nila sa akin.

“Sabi nang pakawalan niyo ako! Ano b—” Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang bigla akong tutukan ng balisong ng katabi ko sa leeg. Pigil hininga ako dahil ayoko pang mamatay.

Sa buong biyahe, wala akong naging salita at piglas dahil hindi binaba ng lalaking ‘to ang nakatuktok sa aking leeg. Habang patungo kung saan man pupunta, padagdag nang padagdag ang aking kaba. Walang nakakita na dinukot ako. Iniisip ko kung sinong tao ang tutulong sa akin. Pakiramdam ko, wala.

Huminto ang van. Ang unang bumaba ang ibang tauhan. Sunod ay ako. Halos sumakit pa ang aking braso dahil hinatak ako nito. Nakalimutan yatang babae ang kanilang dala-dala. O baka naman papatayin ako ni Mr. X kaya nangunguna na sila? Hays, ano ba ‘tong iniisip ko? Ayoko pang mamatay. Matapos ang masakit na pangyayaring ‘yon, ito ang sunod? Ang malas ko naman ngayong araw.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napapalibutan kami ng matataas na puno, may mga damo rin at ang kalsada ay lupa. Mukhang walang nakatira dito pero nang mag-umpisa na namang maglakad, may napansin akong bahay. Hindi kalakihan, hindi maganda dahil halatang napabayaan. Tinutubuan na nga ng damo ang harapan. Ang pinto at pader ay nagkukulay itim na.

Walang bakod ang bahay kaya binuksan agad ng lalaking ito ang pinto. Bigla niya akong sinalampak sa loob dahilan para matumba ako. Walang kagamit-gamit dito. Ang sahig ay marumi. Ang nakikita ko lang sa gitna ay poste. Lumapit sa akin ang lalaki. Pinaupo niya ako sa poste. Hindi ako makalaban dahil sampo na silang nagbabantay sa akin. Binusulan niya ang bibig ko ng panyo, sunod ay tinali sa poste ang aking mga kamay. Wala na akong kawala roon, ang tanging nagawa ko nalang ay manahimik.

Lumabas na silang lahat. Mag-isa nalang ako rito. Buti may isang bintana na nagbibigay liwanag dahil walang kailaw-ilaw sa aking p’westo. Nasa pananahimik ako nang marinig kong nag-uusap sila sa labas. Sa maliit na uwang sa pinto, sumilip ako roon. Mas lalo akong kinabahan dahil sobrang daming tauhan sa labas. Lahat sila ay nakaitim. Halos hindi ko na mabilang.

Napaurong ako nang bumukos ang pinto. Napapikit pa dahil sa liwanag na bumungad. Napaayos lang ng tingin dahil nakasara na ang pinto. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Lalaking kasingtangkad ni Thrale. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang nasa kaniyang mukha dahil nakamaskara ito. Pamilyar ang kaniyang itsura, hindi ko lang maalala.

“Long time no see.” Wala akong naging salita kahit tinanggal niya ang panyo sa aking bibig. Iniwas ko ang tingin ko. Umupo siya para magkapantay kami. “Nandito ka na. Ano pang takas mo? Ako na ang may hawak sa ‘yo, hindi si Cide. Sinong magtatangkang pumunta rito?” Wala akong naging sagot dahil tama naman siya.

“Anong kailangan mo sa akin?” Seryoso kong tanong. Para siya ‘yong lalaking kaharap ng pinto ng aking apartment. Napansin ko ang kaniyang kamay. “Bakit mo ako sinusundan? Anong kailangan mo sa akin?!”

Bigla siyang natawa. “Sa tingin mo, anong kailangan ko sa ‘yo?”

“Kung may utang na loob ako dahil nilinis mo ang aking pangalan. Bakit ito ang kabayaran? Bakit ka palaging sangkot sa kaso? Bakit tuwing may namamatay, nababanggit ang pangalan mo? Anong rason mo para hindi ako layuan?!” Nakayukom ang aking kamao. Gusto kong makawala rito at pagsapak-sakapin siya. Hindi ko makita ang mukha.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now