Chapter 134:

608 50 16
                                    

Thrizel’s POV

Nandidito ako ngayon sa isang resto. Umagang-umaga ay umalis ako sa bahay para makipagkita kay Chef Sanchez. Siya ang nagmensahe sa aking makipagkita. Agad akong sumang-ayon doon.

Sumimsim ako ng kape. “Mabait ba ang bagong manager? Hindi ‘gaya ni Tita Celine na masungit?”

Bahagya siyang natawa sa aking sinabi. “Sobrang bait. Si Celine lang naman ang kilala kong ubod ng sungit."

Muli akong nang-usisa. “Hindi mo ba siya namimiss? Ang tagal niyo na ring magkasama.”

Humalukipkip siya. “Siyempre namimiss, malapit kami sa isa’t isa kahit minsan lang nag-usap. May puso ang matandang ‘yon kahit masungit. Alam mo bang bago siya umalis ay pinuntahan niya muna si Urie sa puntod? Sobrang sungit niya sa batang ‘yon.” Naghiwa ako ng cake at tumango-tango sa kaniya. “Nga pala, Thrizel. May kilala ka bang Callum? Nakausap ko ang aking kaibigan. May kaparehas daw ang kuya mo, Callum ang pangalan kaso marumi raw kumilos. Minsan nga, iyon pa raw ang hinahanap ng mga pulis.”

Natigilan ako sa pagnguya dahil ilang araw ko nang hindi nakikita ang lalaking ‘yon. Ang pagsabi niyang titigilan ako ay ginawa niya naman. Mukhang may nakakakilala ngang iba sa dalawa.

“Ah, oo, kaibigan siya ni Thrale.” Naiilang akong sumagot. Hindi ako sigurado kug magkaibigan ba talaga ang dalawang ‘yon. Para kasi silang magkaaway kung magturingan.

Mahigit trenta minuto rin yata akong nakipag-usap kay Chef Sanchez ng kung ano-ano hanggang mapagpasyahan ko nang umuwi. Pasakay na sana ako ng taxi nang may magmensahe. Hindi na ako nagpahatid kay Chef Sanchez, baka anong isipin ng aking mga magulang na nasa bahay.

From: Link
Anong ginagawa mo riyan sa resto? Tinawagan pa ako ni Thrale kung saan ka nagpunta.

Mukhang hindi alam ni Thrale na umalis ako. Pinatrack niya pa talaga kay Link ang aking numero? Baliw na talaga ang lalaking ‘yon. Sandali lang naman akong nawala sa kaniyang paningin pero naghahanap agad. Hays.

To: Link
Pauwi na ako. Huwag siyang paranoid.

May taxi nang huminto sa aking harapan. Sumakay na ako roon at sinabi kung saan baba. Tumunog muli ang aking selpon. Nakita ko ang pangalan ni Link na tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

“Oh, baki—”

“Ikaw may ganang magsabi sa akin ng paranoid?! Kung nagpaalam ka kung saan ka pupunta, edi hindi sana ako nag-aalala sa ‘yo! Magpaalam ka naman, oh! Iyon ang kailangan ko! Saan ka ba galing para hindi ipaalam sa akin kung saan ka pupunta?!” Huminga ako ng pasensya sa driver dahil sa lakas ng boses ni Thrale. Hindi man lang niya ako pinatapos sa pagsasalita.

“Nakipagkita lang ako kay Che—”

“Nang hindi ko alam, Thrizel?”

“Alam nila mo—”

“Anong alam nila mom? Ang sabi nila nakipagkita ka lang, hindi kilala kung sinong lalaki! Nakakainis ka!”

Kusa akong napangiti sa kaniyang sinabi. Huminga ako nang malalim. “Okay, fine. Sorry na. Bati na tayo. Bakit ka ba nagagalit diyan? Pauwi naman na ako, oh. Sa susunod, magpapaalam na ako. Hindi kasi kita nakita sa bahay kanina.”

“Anong ginagawa ng cellphone, Thrizel?” Rinig ko pa ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Dumiretso ka kila Link. May kaunting kasiyahan dahil pumasa siya sa university’ng kaniyang papasukan. In 10 minutes, nandito ka na dapat.”

“Oo na po.”

“Sige nga, ingat.” Pinatay niya na ang tawag. Pinasok ko na ang aking selpon sa siling bag na may ngiti sa labi.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now