Chapter 91:

877 58 18
                                    

Dominic's POV

Sinundan ko ng tingin si Thrale habang naglalakad palabas ng party. Nakatingin lahat ng tao sa kanila, buhat-buhat niya pa rin ang kaniyang kapatid. Napahinga ako nang malalim, natigil nang makita kong palabas si Phryx. Agad akong tumakbo. Nakalabas siya ng venue, nang hawakan ko siya sa balikat. Agad itong napahinto at humarap sa akin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kaya nagsalita ako.

"Bukod sa dahilang sinabi ko kanina, anong kailangan mo kay Thrizel?" Ang mga paningin ko ay nanunuri. Gusto kong obserbahan ang magiging kilos at reaksyon niya.

"Wala akong kailangan." Mahinahon niyang sagot na tatalikod na sana nang muli kong hawakan ang kaniyang balikat.

"Alam kong may kailangan ka. Pinadala ka ba ni Mr. X dito para may gawing masama kay Thrizel? Ano? Ipapahiya niyo na naman siya? Guguluhin ang buhay niya kung kailan maayos na si-"

"Actually Dominic, mali ka." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Umurong ang aking dila. "Mali ka sa sinabi mong kilala ko si Mr. X, hindi ko siya kilala, hindi ko alam ang pinagsasabi mo kanina."

"A-Anong ibig mong sabihin?" Ngayon lang ako nagkamali. Nagkamali ba ako kanina? Imposible, sigurado akong kilala ni Phryx si Mr. X! Iyon ang aking pakiramdam.

Huminga siya nang malalim. Tumitig sa aking mga mata. "Nagtaka ako kanina kung bakit hinabol ni Brooks 'yong nakasuot na jacket na itim. Dahil ang kasabwat ko lang, 'yong waiter, wala ng iba. I'm telling the truth here. I don't know Mr. X. I have no idea about him. I now wonder who he was to get into the incident earlier." Huminto siya sa pagsasalita. "Pakiramdam ko ginugulo niya bawat pangyayari para magkamali ka sa pag-oobserba mo. Pakiramdam ko kilala ka rin niya, iyan ang tingin ko dahil sumabay siya sa plano ko. Alam niyang mangyayari iyon."

Alam niyang mangyayari iyon? Bakit hindi niya pinigilan ang pagbigay ng drinks kay Thrizel? Hinayaan niyang mangyari 'yon? Sino ka ba talaga, Mr. X? May hinala na ako sa 'yo una palang pero base sa nangyayari ngayon, tumataliwas ang lahat ng aking alam tungkol sa kaniya. Mahirap hulihin ang lalaking 'to. Siya ang nagsolve ng case about Kristina Altejano, nilinis niya rin ang pangalan ni Thrizel. Bakit ngayong tapos na ang school year saka lang siya nagparamdam? Anong pakay nito ngayon kay Thrizel?

"Kung naguguluhan ka, isipin mong mabuti. Si Thrizel ang pakay niya." Walang emosyon ako nitong iniwan sa labas. Hindi ako nakagalaw dahil puno ng iisipin ang aking isip. Hindi ko alam kung paano makikilala ang taong 'yon. Pakiramdam ko nakikipaglaro siya sa lahat.

Ryke's POV

Nandidito kami ngayon sa aking bahay, kasama ko sila Anissa, Arella, Brooks, Gio at Elkhurt. Walang gustong magsalita sa amin dahil iniisip namin ang nangyari kanina. Hindi ko alam na palaging may mangyayari kapag pumupunta si Thrizel sa birthday party.

"Sabi na nga ba may mangyayari e." Napahilamos ng mukha si Kein. Tumayo ito sa sofa at palakad-lakad. Hindi siya mapakali. "Ang tigas kasi ng ulo ng babaeng 'yon!"

Kalmadong nagsalita si Gio. "Paano mo nalamang may mangyayari?" Natigilan si Kein. "Saka habang patagal nang patagal, nagiging mainit ang ulo mo. Papunta ka na ba sa matured level?"

"Shut up." Pagpapatigil ni Kein dito. May kinuha siyang papel sa kaniyang bulsa. Binigay kay Gio. "Lumabas ako ng hideout, nakita ko iyan sa side mirror ng motor ni Thrizel, nakadikit. Pinagsabihan ko na siyang huwag sumama pero ang tigas ng ulo."

Nasa cellphone ang atensyon ni Elkhurt pero nakuha niya pa ring magtanong. "Anong nakasulat?"

Binasa iyon ni Gio. "'Be careful, lady. Go to bed early from Mr. X." Nagtinginan kaming lahat. "So bago mag-umpisa ang party. Alam niya na ang mangyayari." Humarap siya kay Brooks. "Sinabi mo ba ito kay Thrizel?"

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now