Chapter 89:

924 63 44
                                    

Thrizel’s POV

Bumuntong hininga akong umupo sa sofa. “Hindi ko alam doon. Napapraning na siya. Nakakahiya ang ginawa niyang pagkapit sa akin. Ano nalang iisipin ng mga tao?” Kinuha ko ang tubig na binigay sa akin ni Brooks.

Nagpamulsa siyang humarap sa akin. “So kanina pa kayo nakita ni Thrale? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Dahil doon, napatitig ako rito. “Bakit ko pa sasabihin sa ‘yo?” Umirap ako sa hangin. “Alam kong concern ka sa aki—”

“Alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?” Kinuha niya ang paper bag. Hinigas sa loob ng kaniyang kwarto. “Concerned nga ako, nag-aalala. Paano nalang kung may gawing masama ‘yang kuya mo sa ‘yo? Base sa kwento mo dati. Wala na akong tiwala kay Thrale. So any complaint, Miss Thrizel?” Ang mga mata niya ay titig na titig. Hindi ako nakatagal, agad akong napaiwas. Bakit parang naiilang ako? Para din akong pinagpapawisan, hindi maintindihan ang sarili.

“A-Ah, thanks.” Binaling ko sa iba ang aking atensyon. Si Blue na nananahimik at si Brooks na seryosong sa akin, bilang nangunot ang mga noo. Marahil nagtataka sila dahil ngayon lang ako nautal. Ngayon lang ‘to nangyari sa akin. May katulad, iyong kay Thrale.

“Kumain ka na nga.” Utos ni Brooks. “Para kang timang.” At diretsong pumasok sa loob ng kaniyang kwarto.

Nang mawala siya sa aking paningin, napatingin ako kay Blue. Ang mga tingin niya ay seryoso, halata sa kaniyang mga mata ang nagtataka. May iba ba sa akin? Pakiramdam ko mayroon. Masyado akong halata sa aking mga kilos kaya inaalam din ng lalaking ‘to. Kaya siguro ako ganito dahil nagkita kami ni Thrale kanina.

“You’re weird.” Blankong emosyon ni Blue. Nagulat ako roon dahil ngayon lang siya nagganiyan. “Tinatawag kitang asawa ni Brooks dahil iyon ang unang pagkakakilala ko sa ‘yo. Be sensitive sa kinikilos mo, may iba.” Saka niya ako iniwan sa sala. Anong problema n’on? Nababaliw na siya.

NAG-AAYOS ako ng aking sarili, isang oras nalang pa-umpisa na ang debut ni Aevie. Ako lang ang nag-ayos sa aking sarili dahil marunong naman ako kahit hindi ako nagmamake up. Kung nandidito si Ate Anissa, sigurado akong siya ang mag-aayos sa akin. Sinusuot ko ang aking hikaw nang may kumatok.

“Pasok.” Malakas kong sigaw. Tuloy pa rin ako sa pagsuot.

Mula sa salamin, nakita kong pumasok si Brooks, napatingin siya sa akin at nagsalita. “Huwag ka na kayang pumunta.” Tinitigan ko ang kaniyang kabuoan, nakatuxedo na siya.

Humarap ako rito. “It’s Aevie’s debut, bakit hindi ako aattend? Sigurado akong magagalit siya sa akin.” Agad akong napatingin sa kaniyang mga paa dahil nagtutuktok ang isa nito sa tiles. “What’s wrong?” Kapag ganiyan ang kaniyang kinikilos, hindi siya mapakali.

“Iba ang pakiramdam ko, pakiramdam ko may mangyayaring masama sa ‘yo.” Tumigil siya. Halatang nag-iisip, maya-maya lang, biglang napahilamos ng mukha. “Hays, kakasama ko ito kila Gio kaya pati ako napapraning na rinnnnn!”

Tapos ko na sinuot ang mga hikaw. Pumunta na ako sa aking bag. “Praning ka na nga.” Kinuha ko ang aking mga make up at nilagay doon. “Alam ko namang nag-aalala ka dahil nandodoon si Thrale. Kinumpirma ko rin kay Aevie na walang swimming pool doon, so anong problema?”

“Nothing.” Napabuntong hininga siya. “Sabay tayong pupunta nila Blue roon. Kapag nakarating, agad kang humiwalay sa akin. Hindi p’wedeng malaman ni Thrale na ako ang tumulong sa ‘yo o ako si Brooks, sigurado akong magagalit siya.” Matapos niyang magsalita, lumabas na siya ng aking kwarto. Naiwan ang aking tingin sa kaniyang p’westo, iniisip ang kaniyang sinabi.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now