Chapter 90:

896 67 29
                                    

Thrizel’s POV

Kaninong kamay ang hahawakan ko?

Hindi ko alam kung saan ang aking pipiliin dahil nagtataka ako sa kilos nilang lima. Pinag-usapan ba nila ‘to? Pinagtitripan ba nila ako? Pero bakit seryoso naman ang kanilang mga mukha? Naguluhan din ako dahil imblis na si Ate Anissa ang yayain ni Thrale sumayaw, bakit ako? Anong pinapahiwatig na naman nito?

Napatingin ako kay Blue, pati siya ay gulat sa nakita. Kung gulat siya, hindi nga ito pinag-usapan. Kung pinag-usapan ‘to, sigurado akong kasali si Blue o kaya mang-aasar siya pero hindi, nagtataka rin siya sa nangyayari ngayon. Nananatili akong nakatayo, nakatingin sa kanilang mga kamay. Ilang minuto na silang ganiyan, hindi ba sila nangangalay?

“Hindi ba kayo magbababa ng kamay? Ipaubaya niyo na sa akin ‘to.” Naiinis na sabi ni Ryke sa kaniyang mga kaibigan. Tiningnan lang siya nitong mga ‘to, ayaw nilang magpatalo.

“This time, ako naman ang mananalo.” Seryoso ring sabi ni Elkhurt. Sigurado siyang kamay niya ang kukunin ko.

“Can I try again, Thrizel?” I rejected Gio, iyong nagkausap kaming dalawa. Susubukan niya na naman? Hindi ba ‘to nagpapatalo at ipaglalaban talaga ang feelings niya?

Napatingin ako kay Brooks, akala ko ay may sasabihin siya pero wala. Seryoso ang kaniyang mukha, hinihintay niya lang din kung kaninong kamay ang aking kukunin. Humarap ako kay Ate Anissa, tahimik lang itong nanonood sa amin. Magkapatid kami ni Thrale, alam niya iyon pero nahalata ko talagang nagseselos ang kaniyang mga mata kanina kahit hindi niya ipahalata.

Huminga ako nang malalim, inangat ko ang aking kamay papunta sa kamay ni Brooks. Hahawakan na sana niya iyon nang may humatak sa aking kamay at dire-diretsong dinala sa dance floor. Mas lalong nagulat ang kaniyang mga kaibigan sa nangyari, pati si Ate Anissa ay gulat sa nakita. Anong eksena mo ngayon, Thrale?

“Ano ba?! Si Kein ang gusto kong isayaw!” Pagbabawi ko ng kamay sa kaniya ngunit hindi siya nakinig. Hinawakan nalang ako nito sa baywang at kamay, wala akong ibang nagawa kun’di ang sumabay sa kaniya.

Napatingin ako sa table namin. Lahat sila ay nakatingin, pinagmamasdan ang nangyayari. Nakakunot ang kanilang mga noo, seryoso ang kanilang mga mukha at sinusuri nila itong kasayaw ko. Humarap ako kay Thrale, nakatitig lang siya sa akin. Ayaw niyang alisin iyon, nakakaramdam ako ng ilang.

“Bakit si Kein?” Mahina ang kaniyang pagtatanong pero rinig na rinig ko. Hindi ko maintindihin ang tono ng kaniyang boses. Nagmamakaawa? O nagsusumamo?

“E, ano naman? I want to dance with him.” Matabang kong sabi. Ayokong makipag-usap sa kaniya ng maayos. Wala akong balak makitungo kay Thrale ng maayos. Kapag nakikita ko siya, umiinit ang aking ulo. Kahit gano’n, lumalamang sa akin ang walang pakialam dito. Masarap matutunan na unahin ang sarili kaya ganito ang nangyayari sa akin.

“Thrizel, bakit si Kein?!” May halong inis na sa kaniyang pagtatanong. Hindi ako sumagot kaya mas lalo nitong hinigit ang aking baywang papalapit sa kaniya at muling nagtanong. “Bakit nga?!”

“Ano bang nangyayari sa ‘yo?! Huwag ka ngang umakto ng ganiyan! Isasayaw ko lahat ng gusto kong isayaw! Wala ka ng pakialam doon kung si Kein ang gusto ko! And we’re here, ikaw na ang kasama ko sa dance floor. Ano pang gusto mo?!” Halata sa aking mukha ang inis. Pansin kong lalapitan sana kami ni Brooks nang hawakan siya nila Gio, sinasabing hayaan kami.

“Umuwi ka na.” Paos ang kaniyang boses. May paglalambing. “Come back home, please?” Pumikit ang kaniyang mga mata. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. “Please, Thrizel. Umuwi ka na.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now